Chapter 56

772 47 14
                                    

“Hindi ka naman magkakaganyan kung wala kang nagustuhan sa kanila.” Tataktabo na sana ako pero mabilis niyang nahawakan ang wrist ko. Feeling ko talaga mababali buto ko kapag mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa pulso ko.

“X-xavion.” Kahit nahihirapan ako ay pilit akong nagpapanggap na hindi masyadong masakit ang pagkakahawak niya. “N-nasasaktan ako.”

“Now tell me, Solar! Sino 'yong gusto mo?! Sino siya?!” sigaw niya. Hinila niya ako ng pinakamalakas dahilan para mabangga ko ang katawan niya. Papatayin niya ba ako?

Nakatapat ang kanyang kutsilyo sa aking leeg. Nakatingin ako sa kanyang mata na galit na galig.

“I-ito ba ang pagmamahal mo, Xavion? This is not the first time you hurt me,” seryoso kong sabi sa kanya. Mukhang natigilan ito. Inis kong binawi ang wrist ko at inis na napatingin sa kanya. “I've had enough of this! You're crazy! Pinaglalaruan mo lang 'yata ako eh! Pagkatapos ng lahat ng effort ko sa'yo! Binalewala mo lang! Tapos ngayon?! Sasabihin mo sa akin na gusto mo ako?—”

Bakit hindi mo ako hinintay?” Hindi ko makita ang kanyang mata dahil nakayuko ito. Bakit mabilis kang sumuko?”

Kasi alam kong wala akong pag asa sa'yo. Sinasayang mo lang oras ko.” Hinawakan ko ang wrist ko na namamaga na. “Hindi ka ba naaawa sa akin? Trinato mo akong hayop noon! Parati mo din ako nirereject?! Tapos ngayon?! Wala akong karapatan na ireject ka?! How dare you?!”

Nagulat ako ng agad niya nilapit ang kutsilyo sa akin. Mabuti nalang at napaupo ako pero hindi ko maiwasan na magtamo ng sugat sa balat ko. Hinawakan ko 'to at may tumulo na dugo.

“Iba ako magmahal, Solar.” Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin. Walang kabuhay-buhay ang kanyang mata na nakatingin sa'kin na para bang isa akong rabbit. “Kung magustuhan kita. Sisiguraduhin kong magiging akin ka kahit pa ayaw mo.”

Sana pala tumakbo na ako.

“Xerxes! Tulong!” Tinaasan niya ako ng isang kilay.

“Xerxes?” Hindi ko na siya sinagot at agad na tumakbo. “Solar!”

Hindi ako lumingon sa likod at tumatakbo pa rin ako. I can't change my future! Nasaan na ba ang lalaking 'yon?! Don't tell me nalaman niya talagang magkapatid kami?! Tapos gusto niya talagang mamatay ako?!

“Ah tulong!” Nang makita ko si Xerxes sa harap ko ay agad ko siya niyakap. Hindi ko na mapigilan at umiyak na talaga ako. “Please! Save me! Ayaw ko na! Natatakot na ako!”

“Charlotte?” Sumeryoso ang tingin sa kanya ni Xerxes. “Kapal ng pagmumukha mong lokohin ako.

“Remember me, Xavion? Do you really think na papalampasin ko ang ginawa mo sa pamilya ko?” Lumingon siya sa akin. “How dare you?! Pinaiyak mo ulit si Solar!”

Excuse me? Ikaw din kaya ang dahilan kung bakit umiiyak ang totoong Solar noon? Inagaw mo kasi sa kanya si Xavion. Aalis na ako dito habang nagpapatayan sila. Ayaw ko na makita kung paano nila patayin ang isa't-isa. Ayaw ko magkaroon ng trauma no!

“Paano ka nakaligtas?” tanong niya.

Hindi na ako nakinig pa sa kanilang topic. Tinapik ko si Xerxes dahilan para maagaw ko ang atensyon niya.

“Ikaw na bahala sa kanya ha! Mag iingat ka!” Agad ko hinalikan ang pisnge niya. “Mwuah! Good luck!”

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at tumakbo nalang. Bahala na magpatayan sila diyan. Sana manalo si Xerxes para hindi na maging magulo ang buhay ko. Nang makalabas na ako sa school na 'yon ay huminga ako ng malalim. Nakalabas na din ako.

Dahan-dahan akong naglakad papalayo habang tinitignan ang eskwelahan. Siguro naman no, kaya na nila 'yan?

“I think makakayanan naman ni Xerxes.” Agad ako napalingon kay Keanu. He gave me a warm smile habang ang dalawa niyang kamay ay nasa likod. “Malakas si Xerxes kaya alam kong makakayanan niya labanan ang kapatid ko.”

“K-keanu!” Napatakip ako ng bibig. Baka makita nila ako? Napatingin ako sa paligid and I heard him chuckled.

“Don't worry, tayo lang dalawa ang nandito.” Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi niya.

“Mabuti naman at hindi ka nakisali sa kanila.”

“Of course ayaw ko masira ang mukha ko.” Nagsimula na akong maglakad at sinundan niya ako. “Balita ko pa naman gusto mo 'yong lalaking gwapo.”

“Ha? Saan mo narinig 'yan?” Ano na naman bang rumors ang kumakalat sa lugar na 'to?

He giggled, ang cute niya pa din kahit mature na siya, “Iyong mga maids mo ang nagsabi.”

Napakachismosa talaga nila. Baka narinig nila 'yong tili ko nung nanonood ako ng special a? Napabuga nalang ako ng hangin.

“Oo, gusto ko 'yong gwapo—at saka green flag!” Medyo sumeryoso ang kanyang mukha pero agad rin ito ngumiti.

“Kagaya ni Levi?” Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin at tinaasan ko siya ng isang kilay. “Type mo ba siya?”

Napaisip ako sa kanyang sinabi. Type ko ba si Levi?

“Umm, type ko 'yong kagaya niya pero hindi ko siya type.” Huh? Nabobo na ako.

Bigla akong napasigaw ng may sumabog sa school. Ano ng nangyayari do'n? Muntik ko ng makalimutan ang nangyari sa'kin dahil kay Keanu. He smiled at me at hinawakan ang kamay ko.

“You want to get out of here, right?Napatango na lamang ako sa kanyang tanong. Ihahatid kita sa bahay ko.”

“Your house?” Tinaasan ko siya ng isang kilay. Bakit pakiramdam ko malalagay ako sa peligro pag sumama ako sa kanya?

“Yes, my house. I'm sure pupunta sila sa bahay mo para hanapin ka. Mas safe ka sa bahay namin. Madami kang pwedeng pagtaguan do'n.” Duda talaga ako sa lalaking 'to.

“No thanks. Maghahanap nalang ako ng matitirhan.” Napacross arm ako at nag iisip kung saan ako matutulog. Mukhang nag alala siya. “Mayaman ako, Solar. Ibibigay ko sa'yo lahat ng pera ko pag sumama ka sa akin, kaya kitang alagaan.”

Unless kung nagpapanggap ka. Kilala kita, Keanu. Kapag naging kagaya ka na ng kapatid mo. You'll continue to appear innocent in front of the female lead. When she was caught in your trap. You'll keep her imprisoned in the bird cage forever.

Ang hirap mong makuha, Solar.”

Blinding LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon