Kahit nagtataka man ako ay bumaba nalang ako at umupo sa tabi ng bago kong mama. Bakit parang hindi totoo ang nangyayari ngayon?
“Bakit hindi ka pa nagbihis, anak?” tanong sa akin ni papa.
“Ha? M-magbibihis? Saan ba ako pupunta?” Napatawa naman si mama at umiling. Hinawakan ito ang aking kamay dahilan para mapakunot ang noo ko.
“Kahit ayaw mong pumasok sa school. Kailangan mo pa rin, anak. Para rin naman ito sa'yo.”
“Nandoon sa labas ng cr ang uniform mo. Nilabhan ko na 'yan,” mahinahon na sabi ni papa. Tumayo na siya at kinuha ang black niyang bag. “Hon, kailangan ko ng pumunta sa trabaho. Bawal ako ma-late.”
Napatingin ako sa damit ko. Isa itong white polo shirt. Manipis ang tela at sa kwelyo nito ay may maroon at white na lines, pati 'yong skirt ay maroon din. Napahinga ako ng malalim. Kailangan akong masanay pero hindi talaga ito kapani-paniwala.
Para bang hindi ito reality? Or hindi ko lang talaga matanggap na patay na ako? Napailing nalang ako at pumasok na sa banyo.
•••
So bumalik ako sa pagkabata? Nakaka ilan na ako pumasok ng school ha?! Nakakasawa na!
Napatampal ako ng noo at pumasok nalang. No choice ako eh! Basta wala lang 'yong mga baliw na 'yon, okay na ako.
Nag ring 'yong cellphone ko pero patuloy pa rin ako sa paglakad. Ayaw kong ma-late, baka ano pang kadramahan ang matanggap ko. Nagulat ako ng may bumangga sa'kin dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Parang nag slowmo ang lahat ng makita ko si Xerxes. Walang kabuhay-buhay ang kanyang mata na pinagmasdan ako. Dahan-dahan bumaba ang aking tingin sa braso niya na puno ng pasa. Anong nangyari sa kanya?
Hindi man lang ito nag sorry at umalis nalang siya. Well, hindi ko na dapat i-involve ang sarili ko sa kanila. Nakahinga din ako ng maluwag dahil hindi nila ako nakikilala.
Nang makapasok na ako sa classroom. Walang kabago-bago, hindi exciting ang buhay ko. Umupo ako sa upuan sa pinakalikod malapit sa bintana at pinagmamasdan ang mga ibang studyante na naglalakad.
Nagtilian ang mga babae ng makita ang papasok na professor. He has white hair and red eyes dahilan para magulat ako. Imposible!
Xavion?! Anong ginagawa niya dito?! Sumeryoso ang kanyang mata na nakatingin sa direksyon ko.
“New student?” Okay! Zemira! Act like you don't know him! Dapat sanay na ako kasi artista ako dati.
Tumayo ako at binigyan siya ng matamis na ngiti dahilan para magulat siya.
“Mira Mendoza, 16.” Umupo na ako ulit at nakatitig pa rin ito sa'kin. Alam niya na ba? Tumingin na siya sa textbook niya at napangiti ito pero halata sa kanya na hindi talaga ito masaya.
•••
Nang matapos ang klasi ay agad na ako lumabas ng classroom. Bago pa nila ako mahanap. Narinig ko pa ang bulungan ng ibang studyante.
“Kawawa naman si sir Xerxes.”
“Ang alam ko pinag aagawan nila si Solar Elizalde.”
“Oo pero nung pinili na ni Solar si Xerxes... Naaksidente ito.”
“At ang creepy pa ay namatay 'yong nakasagasa sa kanya.”
So malungkot sila na nawala nga ako? Napa smirk ako at napailing. Karma na 'yon nila. Nang makatapak na ako sa labas ng gate bigla akong nakaramdam ng paghihilo.
BINABASA MO ANG
Blinding Lights
Romance(Completed) Zemira Mendoza ay isang pinakasikat na artista at kilala bilang pinakamaganda dito sa pilipinas. Akala ng lahat ay mabait siya pero nagpapanggap lang ito upang hindi masira ang image niya. Marami din siyang kaaway na mga artista at isa...