Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at agad napaupo sa kama ng makita si Kaius na nakatingin sa akin.
“What the heck?! Anong ginawa mo sa akin?!” Nararamdaman ko pa rin ang sakit ng ulo ko.
Inosente lang siyang nakatingin sa akin na parang wala itong alam.
“What are you talking about? Wala akong ginawa sa'yo.” Sinungaling! “Nahimatay ka lang bigla.”
“Eh bakit—” Nagulat ako ng pinahiga niya ako gamit ang dalawa niyang kamay na tinulak ng malakas ang balikat ko.
Nakaramdam ako ng takot kahit nakangiti ito. Feeling ko talaga kapag may ginawa akong masama, mas masama pa gagawin niya.
“Mas makakabuting kalimutan mo na ang nangyari at matulog ka nalang, Solar Elizalde,” nakangiti niyang sabi. Hindi na ako makapagsalita dahil sa takot at kaba na nararamdaman ko.
What's gotten into him? May ginawa ba akong masama? Don't tell me, galit siya sa akin dahil ako ang dahilan kung bakit may balak na mag suicide si Keon.
“Kaius!” Huminto siya sa paglakad at cold na nakatingin sa akin. Ngumiti ako ng magtama ang mata naming dalawa. Okay! Kalma! Zemira! Kaya mo 'to! “I-i'm sorry, hindi ko alam kung anong ginawa ko... pero pasensya na talaga.”
Napangiti ito at lumapit sa'kin. Nagulat nalang ako ng hinalikan niya 'yong noo ko.
“Just remember, stay away from boys. They're dangerous, Solar.” Hindi na niya ako hinayaan pang magsalita pa at umalis na siya.
Ibig ba sabihin niyan? Pinapalayo niya din ako sa kanya? Napailing na lamang ako. No joke! Ang sakit talaga ng ulo ko. Ano bang ginawa sa akin ng mokong na 'yon?! Dahan-dahan akong umupo habang hawak na hawak ang ulo ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto dahilan para manakaw niya ang atensyon ko.
White hair and sky blue eyes, mapayat na katawan at sobrang puti tapos ang cute pa and gwapo.
“Keanu?” What is he doing here?
Umupo siya sa upuan na katabi ng hinihigaan ko. At nilagay niya ang kape sa mini desk.
“I frequently seen you consuming coffee. So I assumed you would enjoy them. I brought one for you,” nakangiti niyang sabi sa akin.
“Thank you, Keanu.” Kinuha ko ang coffee at tinikman ito. Kapareho ngang lasa sa favorite ko na kape. Omg! Bagay siya maging manager! “Kaparehong lasa sa kape na iniinom ko. How did you know that I wanted this coffee?”
“T-tinignan ko ang kape na iniinum mo. I-i'm sorry, curios lang talaga ako,” nakayuko niyang sabi, halata sa kanyang tenga na namumula ito.
Napatawa ako. Ang cute niya talaga. Hinaplos ko ang buhok niya dahilan para gulat siyang mapatingin sa akin.
“Thank you, Keanu,” nakangiti kong sabi. Ininum ko na ang kape ko.
“Zemira... Wag mong kalimutan na gusto kita.” Bigla akong nabilaukan dahil sa sinabi niya at namilog ang aking mata na napatingin sa kanya.
“A-ano?!”
“Paulit-ulit na sasabihin ko 'to sa'yo para hindi mo makalimutan na mahal kita, Solar.” Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ako makagalaw dahil sa gulat.
“This is not the appropriate time, Keanu.” Tumayo na ako at napailing. “Sasabihin ko na 'to kasi ayaw kong patagalin na. I will never love you.”
“W-what?” Napabuntong hininga ako.
Normal lang naman sa akin na hindi magkagusto sa isa sa inyo dahil 30 year old na ako. Hindi naman ako si Solar talaga.
Kaluluwa lang ako na sumanib sa katawan ni Solar. Malay ko ba kung buhay pa 'yon sa katawan na 'to or patay na.
“I'm sorry. Wag ka mag alala hindi lang ikaw ang irereject ko,” nakangiti kong sabi sa kanya. Umiling ako habang hinihilot ang sintido ko. “Hindi ko alam kung bakit kayo nag co-confess sa akin? Parang kailan lang gustong-gusto niyo si Charlotte.”
Gosh! This is driving me crazy! Aalis na nga ako!
“Wala ka palang pake sa akin.” Tears fall down his face. Nag alala man ako pero mas pinili kong hindi nalang magsalita.
Tumayo ito at nakita ko ang cute niyang mukha na puno na ng luha.
“Akala ko kapag ginawa ko ang best ko ay mamahalin mo na ako. I know you like me as your friend...” Napakagat ito ng labi dahilan para magdugo ito. “But I want more than that.”
“I'm sorry pero hindi ako ang para sa'yo.” sabi ko. Mas bagay kayo ni Xerxes. I remember noong tulog pa si Charlotte. Nirape mo din siya beh.
Ayaw ko maranasan 'yon noh! Baliw na ang sumulat nito. Minor palang sila pero gosh! Mga baliw!
Hindi ko keri 'to beh. Akala ko ma e-enjoy ko buhay ko bilang Solar... pero nagkakamali ako. Hinding-hindi ko mae-enjoy ang sarili ko. Kung nandito ako sa mundong puno ng mga baliw na lalaki.
Hindi ko talaga type 'yong lalaki na baliw na baliw sa babae. Jusko!
•••
Lilipat nalang kaya ako ulit ng school? Pero busy si mama at papa kaya hindi nila ako maasikasuhan kaagad. Hinawakan ni Xavion ang ulo ko at muntik pa akong mapasigaw ng makita ang nakakatakot niyang tingin.
“What are you doing here?” Akala ko ba hindi ka na papasok sa school habang buhay? Umupo siya sa upuan na kaharap ko at hindi nagsalita. Nakatingin lang ito sa akin. “Hinahanap mo ba girlfriend—”
Nagulat ako ng nilapit niya ang mukha niya sa akin dahilan para mabitawan ko ang ballpen ko. Napangiti ito sa reaksyon ko at hinalikan ako sa noo.
“Next time, hindi ko na pipigilan ang sarili ko.” Umupo siya ulit at hinawakan niya ang pisnge niya upang supurtahan ito para hindi mabagsak.
Kagaya ng grades ko, malapit na mabagsak. Pinanliitan ko siya ng mata. Why is he being nice to me all of a sudden?
“Solar... I want to—”
“X-xavion, nandito ka na pala.” Walang gana akong napatingin sa babaeng tumawag sa kanya.
Xerxes...
Buti nalang hindi ka natuluyan. Tumayo na ako at inayos ang libro ko.
“Where are you going?” Xavion asked.
“Nandito na girlfriend mo.” Aalis na sana ako pero natigilan ako ng marinig ko ang kanyang sinabi.
“Charlotte, mag break na tayo.”
BINABASA MO ANG
Blinding Lights
Romance(Completed) Zemira Mendoza ay isang pinakasikat na artista at kilala bilang pinakamaganda dito sa pilipinas. Akala ng lahat ay mabait siya pero nagpapanggap lang ito upang hindi masira ang image niya. Marami din siyang kaaway na mga artista at isa...