Chapter 7

2.3K 104 14
                                    

Kung sabihin kong hindi? Siguradong malalagot ako.

“Bakit hindi ka makasagot?” tanong niya sa akin. Sumeryoso ang tingin ko sa kanya dahilan para matigilan siya.

“Ano bang pake mo?” tanong ko.

“What?”

“Kahit kailan, wala kang pake sa akin. Kasi nasa babaeng 'yon ang atensyon mo.” He smirked. Gosh! What a jerk?! “It's okay, tanggap ko na. Kakalimutan ko na ang nararamdaman ko. So don't worry.”

Aalis na sana ako pero natigilan ako ng hawakan niya ang wrist ko.

“Ganun na lang 'yon? Kakalimutan mo nalang ako? Akala ko ba special ako sa'yo?” Kunot noo akong napatingin sa kanya.

“That's what you want. Ang sinabi mo kalimutan kita. Anong gusto mo maging tanga ako habang buhay?!” Natigilan ako ng marealize ko ang sinabi ko. He smirked. Shit! Nakalimutan kong magpanggap.

“Is this the real you, Solar?” he asked.

“W-what do you mean?” Magsasalita na sana siya pero agad ko siya inunahan. “I will leave you. Tanggap ko na, hindi ko na kayo guguluhin ni Charlotte—bye.”

Agad na ako tumakbo papalayo, bago pa siya makapagsalita ng kung ano-ano.

•••

Bakit parang nakakapagod ngayong araw na 'to? Kahit saan ako magpunta. Nandyan sila, hayst! Lubayan niyo na ako!

Nang makaupo na ako ay agad ko hiniga ang ulo ko sa desk. Natigilan ako ng may naramdaman akong nakatingin sa akin. Napatingin ako sa bintana and I saw Sparrow staring at me with no emotion on his face.

Sumabay ang kanyang buhok sa hangin habang nakatingin sa akin. Ang gwapo niya talaga parang nag slowmo ang lahat.

“Solar.” Nabalik ako sa realidad ng tawagin niya ang pangalan ko. “Okay ka na ba?”

“Pardon?”

“Sinabi sa akin ni Kaius na nag away daw kayo ni Keon kahapon,” walang gana niyang sabi sa akin. Napaiwas ako ng tingin.

“I'm sorry.”

“What?”

“I said, I'm sorry. Hindi ko la—” Naputol ang sasabihin ko ng agad siya nagsalita.

“Bakit ka nagsosorry?” Napatingin ako sa kanya. Ganun pa rin, walang ekspresyon 'yong mukha niya.

“Wala ka namang kasalanan.” Wala ba? Well, totoo naman. Wala talaga akong kasalanan. Kung hindi ko lang talaga kailangan magpanggap na mabait, hindi na ako magsosorry. “So bakit ka nagso-sorry?”

Gayahin ko nalang kaya kinikilos ni Charlotte?

“I—i think it's all my fault,” nakangiti kong ani. Malungkot akong napatingin sa harap ko. “Sa tingin ko nabuhay lang ako para kamuhian ng mga tao. But I still love them.”

Agad siya lumapit sa akin at inis na hinawakan ang wrist ko dahilan para magulat ako. He's too close.

“Don't apologize to others again, it annoys me.” Pagkatapos niya sabihin ang mga katagang 'yon ay umalis na siya.

Blinding LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon