Chapter 15

1.9K 89 10
                                    

Napangiti ito at nagulat ako ng hinalikan niya ako sa pisnge, parang nag lo-loading ang utak ko dahil sa ginawa niya.

“Thank you, Solar,” mahinahon niyang sabi sa akin.

Something's not right.

•••

Habang naglalakad ako ay natagpuan ko si Charlotte. Nagulat siya ng makita niya ako at napaiwas ito ng tingin. Bakit siya malungkot?

“S-solar!”

“Yes?”

“I have something to tell you.” Inosente ko siyang tinignan, pinapahiwatig sa kanya na wala akong ideya kung anong sasabihin niya. Napakagat ito ng labi. “K-kami na ni Xavion. A-alam mong nagpapanggap lang kami noon... pero totoo na talaga ngayon.”

Katahimik ang nababalot sa paligid ng sabihin niya sa akin 'yon, kung makaasta siya parang may mangyayaring hindi maganda ah?

Well sa kanila, may mangyayaring hindi talaga maganda pero labas naman ako diyan.

“Oh congrats.” Natigilan ito sa sinabi ko at nanlaki ang mata nitong tumingin sa akin.

“W-what?” Ano bang problema ng babaeng 'to?

Ibig sabihin tapos na trabaho ko dito. Naging close na sila kaya wala na akong dapat ipag alala sa buhay ko. Napangiti ako sa aking naisip. I'm so excited, magtra-travel ako at kakain ng masarap na pagkain! This is heaven!

“I said congrats.” Hinawakan ko ang kamay niya. “I'm so happy for you! Sana magtagal kayo!”

Pagkatapos ko sabihin ang mga katagang 'yon ay masaya akong umalis.

•••

“Solar!” Lumapit siya sa akin at agad ko kinuha ang dalawang wrist niya at ngumiti dahilan para matigilan siya.

“Hey August! Alam mo ba kung saan ang mall dito? Or mga nagtitinda ng damit 'yong kagaya sa mall?” tanong ko sa kanya. Napaisip ito sa tanong ko at tumango.

“Yes meron, nandoon lang sa likod ng seafood restaurant—”

“Thank you, August! Have a nice day!” Agad na ako tumakbo papalayo.

“Wait! Sasama ako sa'yo!”

•••

Walang gana akong napatingin sa kanya na ngayon ay ginawang face mask ang mahaba kong buhok.

“What are you doing?” Para kang baliw.

“Nakalimutan ko dalhin 'yong facemask at eye glasses ko.” Agad ko binawi sa kanya ang buhok ko at nakangiti man ako ay siguro naman mahahalata niyang naiinis ako.

“So ginagawa mong shield sa mukha mo ang buhok ko?” Ang maganda kong buhok, dinamay pa niya!

Agad sila napatingin sa amin. Nagulat na lamang ako ng hinila ako ni August palayo sa kanila. Bakit nila kami hinahabol? Napatingin ako kay August.

Blinding LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon