Chapter 36

1.2K 55 9
                                    

H-how did he—

“Hey young lady, mas gusto mo pa ba 'yong robot na 'yon kaysa sa akin? Anong nagustuhan mo sa kanya? Bakit mas better pa siya sa akin? Ano bang meron sa kanya na wala ako? Mahal mo na ba siya? What can i do para mas malamangan ko siya? Should I kill him?” Mas lalo niyang nilapit ang labi niya sa tenga ko habang nararamdaman ko ang mabigat niyang hininga. Wala akong ibang maramdaman dahil natatakot na ako ngayon. “In front of you.”

Agad ko siya tinulak at seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Napatayo ako at gulat na gulat na nakatingin sa kanya. Sinenyasan niya ang mga studyante na umalis at sumunod naman sila.

“Don't say that again. It's not a good joke, August,” seryoso kong sabi sa kanya.

He giggled at napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung anong iniisip ng bata na 'to, pero ang alam ko lang is may gagawin siyang hindi maganda.

“Bakit may sinabi ba akong nagbibiro ako?” mapaglaro niyang tanong.

Agad ako lumapit sa kanya at hinawakan ang dalawang braso niya. Hindi pa rin nagbago ang ekspresyon niya. Nakangiti pa rin ito ng nakakaloko.

“Wag mong patayin ang kapatid mo ng dahil sa akin!” inis kong sabi sa kanya. Feeling ko kapag pinatay niya ng dahil sa akin, parang kasalanan ko.

“Bakit ka naman nag aalala sa kanila? Importante ba sila sa'yo?” Napahinto ako. Agad niya hinawakan ang panga ko at mas lalong inilapit sa kanya. You are not required to take care of others. Solar, just pay attention to me. And I swear to you that I won't turn into a monster.”

“Alam mo ang sagot ko, August—”

“I don't take rejection well,” nakangiti niyang sabi sa akin bago umalis.

Napaupo nalang ako at napahawak sa noo ko. This is crazy!

•••

I need to get out of here. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. First time kong makapunta sa likod ng school, pero mas bet ko 'yong rooftop pero mukhang ito na 'yong bagong place na gusto ko.

Ngumiti ako at uupo na sana pero nagulat ako ng makita si Luke na nakaupo sa sahig. May dugo ang kanyang labi dahilan para magtaka ako.

Umiwas ako ng tingin.

Pati ba naman dito beh?

A-ayos ka lang?” tanong ko.

What are you doing here?” Tumayo siya at pinagpag ang pants niya.

“Wala, napadaan lang.” Lumapit ako sa kanya at nagulat ito. “Mag ingat ka sa susunod. Sayang ang mukha mo kung masira ito.”

“Ikaw... Ayos ka lang ba?” Natigilan ako ng tanungin niya ako. Halata sa kanyang mukha na nag aalala ito. “I mean... Hindi lang ako ang nagkagusto sa'yo. Lahat 'ata ng kapatid ko nagkagusto sa'yo, Solar.”

Hindi ako nainform na mag aaalala pala ito sa akin. Ngumiti ako kahit pilit lang.

“Kung tatanungin mo ako... Pwes! Hindi ako okay! Kahit saan ako magpunta! Nakikita kita! At 'yong kapatid mo! Gusto kong tumakas at kapag nakatakas na ako! Makikita ko pa rin kayo! Na para bang sinasadya talaga na pagtagpuin tayo ng tadhana! Ano bang kasalanan ko para mag suffer ako ng ganito?!”

Bumuntong hininga ako upang pakalmahin ang sarili ko. Mukhang nagulat ito. Inis akong napatingin sa kanya ng bigla itong tumawa. Tinapik niya ang balikat ko at napa cross arm ako. It's not funny.

“Mukhang okay ka naman ah,” nakangiti niyang sabi sa akin. “Solar, ang bait mo talaga.”

Binigyan ko siya ng matamis na ngiti, “Of course, I am.”

“Akala mo lang masama ka. Pilit mong ini-ignore ang nasa paligid mo kasi takot kang magmahal,” sabi niya dahilan ng ikahinto ko.

“Ano bang pinagsasasabi mo? Magpahinga ka na nga. Kahit ano nalang ang lumalabas sa bibig mo.” Napailing ako at lalagpasan na sana siya pero agad niya hinawakan ang wrist ko.

“I will make you mine, Solar. Alam kong sa tingin mo wala kang ginawa. But in my darkest hour, you brought me light,” mahinahon niyang sabi sa akin. Lumapit siya sa akin at lumuhod ito. Hinalikan niya ang kamay ko dahilan para magulat ako. “Hindi ako magpapatalo sa mga kapatid ko. Lalong-lalo na sa kambal ko, I will protect you.”

“Ha? What do you mean?” He smirked. Tumayo na siya.

“Don't put too much faith on Levi. Remember Solar, kambal ko siya.” Pagkatapos niya sabihin ang mga katagang 'yon ay umalis na siya.

Pero mabait naman si Levi? Natigilan ako at napaisip. Right, iba na ngayon ang tumatakbo sa story... Hindi nangyayari ang nasa story ko. At pinagtataka ko, Bakit hindi ko masyadong nakikita 'yong pagka red flag ni Luke ngayon?

Nanindig ang balahibo ko ng maramdaman ang masamang tingin sa akin. Tumingin ako sa paligid pero walang tao kundi ako lang.

Luke! You liar! Katatapos mo lang sabihin sa akin na pro-protektahan mo ako tapos ngayon! Wala ka sa tabi ko! Huhuhu!

Mabilis ako naglakad pero ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin. Sino ba kasi 'yan?!

•••

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko.

“Levi?” Ngumiti ito ng banggitin ko ang pangalan niya. Nakahawak siya ng baso na may laman na kape.

Nandito kami sa garden at nakaupo ako ngayon sa pang royal chair, para talaga siyang prinsepe!

“I see, you're awake. I'm sorry, did I wake you up?” mahinahon niyang tanong. Umiling ako at binigyan siya ng matamis na ngiti.

“No, hindi ko nga namalayan na nakatulog pala ako.” I check my wrist watch at naka start na ang klasi.

Late na pala ako! Hayst! Bahala na. Mapapagalitan naman ako kung late ako kaya mas mabuting hindi na ako papasok.

“Hindi ka ba papasok? Nagsisimula na 'yong klase niyo,” sabi ko.

“Gusto ko kasing mag stay dito sa garden. Dahil nandito ang taong nagpapasaya sa akin.

“Pardon?”

“Ah it's nothing... Close na pala kayo ni Luke.” Natigilan ako sa sinabi niya at napaisip.

Close? Close ba kami? Hindi ko matandaan.

“Hindi naman kami gaanong ka close. Hindi pa rin ako komportable sa kanya.” Sumimsim siya ng kape bago napangiti sa sinabi ko.

“Mas mabuting lumayo ka sa kanya, Solar.”

“Ha? Bakit naman?” nagtataka kong tanong.

“May kaibigan kaming babae noon. Bata pa kami... And he killed the girl, dahil lang ginalit siya nito. He is dangerous, Solar.”

Why is he telling me that?

Blinding LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon