Chapter 51

790 44 5
                                    

“Ha? Paano? Diba nakatali 'yong babae so how did she kill her boyfriend?” Grabe! Kaya ayaw ko ng mysterious eh! Sumasakit lang utak ko diyan.

“Base on my research, she uses poison. May sinaksak siya sa lalaki at may nakalagay na poison. Her partner is aware that she intends to murder him,” paliwanag sa akin ni Levi. Nakatuon pa rin ang atensyon niya sa laptop habang nagta-type ito. “So sinakal ng lalaki ito hanggang sa malagutan na ito ng hininga.”

“Mga ilang minuto pa ang lumipas. Pumunta siya sa garden kung saan ang favorite place nilang dalawa, bago siya binawian ng buhay.” Napaisip ako sa sinabi ni Luke. 

“Hindi ko maintindihan. Bakit kailangan nilang patayin ang isa't-isa? Diba mahal nila ang isa't-isa.” Nakita kong huminto sa pagta-type si Levi.

“Kamatayan ang paraan... para hindi mapunta sa iba ang taong mahal mo. Sa sobrang pagmamahal mo sa kanya, ayaw mo na siyang palayain pa.” Nakatuon ang atensyon niya kay Luke, si Luke naman ay nakatingin lang sa akin. “Diba Luke?”

“Ha?” Naagaw na niya ang atensyon ng kambal niya at dahan-dahan tumango.

Napakagat ako ng labi ko at mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa diyaryo. Gagawin ba nila ito sa akin? Napakunot ang aking noo ng makita ang litrato ng pamilya ng biktima.

They're happy. Kasama din nito ang boyfriend niya. Tumaas ang isa kong kilay ng maagaw ng atensyon ko ang isang babaeng nakasimangot.

Siya lang ang hindi nakangiti at mukhang hindi sila close ng biktima. She has dark chocolate brown hair and green eyes.

“Levi, i-search mo nga ang pangalan niya.” Pinakita ko sa kanya ang dyaryo at tinuro ang babaeng nakaagaw ng atensyon ko.

Nagtataka man ito ay sinunod nalang niya ang sinabi ko.

“She is Crisel Estrada, 23. Kapatid siya ng biktima.” Halata sa kanyang mukha na nagtataka ito. “Is there something wrong?”

Hinawakan ko ang panga ko at nag iisip.

“Ang weird kasi. May something sa kanya,” duda ko. Tinuro ko ang litrato ng sahig kung saan nakaupo ang biktima at wala ng buhay. “Look... Same wrist watch.”

Tinignan niya ang litrato upang makita kong tama nga ang sinabi ko.

“So ibig sabihin nandito siya?” Napatango ako kay Levi.

“Pero ang sabi dito. Nasa mall daw siya at gabi na ng umuwi siya sa bahay.” Naagaw ni Luke ang atensyon ko. Napahilot na lamang ako sa sintido ko.

“Pwede siyang magsinungaling, Luke.” Nakatingin lang ito sa akin, habang ako ay naguguluhan na. “I think siya 'yong pumatay sa dalawa.”

“What?” Mukhang hindi ini-expect 'to ni Luke, pati na rin si Levi. Halata sa kanilang mukha na hindi nila inaasahan ang sasabihin ko.

“Because in the first place. Hindi kayang saktan ng lalaki ang girlfriend niya.” Lumapit ako kay Levi at may sinearch sa laptop. “Ito ang huli niyang sinabi bago mawalan ng buhay... 'Despite my desire to kill you, I have no power to hurt you' and I think seryoso siya sa sinabi niya.”

“Why do you think so, Solar?” Nagtataka man si Luke ay pilit niyang hindi pinapakita ang emosyon niya sa'kin.

“Dahil alam kong kahit gusto mo siyang patayin, hindi mo kaya kasi mahal mo siya,” seryoso kong saad. “Kahit anong mangyari. Kung totoo mo talaga siyang mahal, hindi mo siya sasaktan. Mas uunahin mo siya kaysa sa sarili mo.”

Nakakatanga kaya ang pag ibig. Minsan nga 'yong iba, mas pipiliin nalang sirain ang sarili para lang makasama ang taong mahal nila.

Kagaya ni mrs Lee. Napabuga nalang ako ng hangin at umupo na ulit sa sofa habang bitbit ko ang diyaryo.

Ngumiti si Luke at sinulat ito.

•••

Ginulo ni Levi ang buhok ko. Proud yata siya.

“Tama ka. Crisel killed her own sister at ang boyfriend ng biktima. Sinaksak niya ng karayom ang lalaki na may lason at pinagbabaril ang babae...” Hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya dahilan para mapakunot ang noo ko.

Ituloy mo—tapos?” He just gave me a warm smile na parang walang plano na sabihin sa akin ang kasunod.

“Hindi mo na dapat malaman pa ang iba.” Kinuha na niya ang diyaryo pati na rin ang manila paper na doon sinulat ni Luke upang hindi ko mabasa.

“Ha? Bakit naman?” Hinawakan niya ang kamay ko.

Ayaw kong malaman mo ang nakakadiring ginawa ng halimaw na 'yon.” Medyo natigilan ako. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. Ang bait niya talaga. “Gusto kitang protektahan, Solar. Kaya hangga't maaari wag kang pumunta sa lugar kung saan wala ako.”

“So susundan kita palagi ganun?” biro ko.

“Much better,” natatawa niyang sabi.

Pumagitna sa amin si Luke at inakbayan ako.

“Bahay mo naman 'to, Levi. Pwede mo ba kami ipagtimpla ng kape?” Sumeryoso ang mukha ni Levi. Mukhang hindi talaga magkakasundo ang mag kambal.

“Ako nalang ang magtitimpla.” Tumayo na ako at agad hinawakan ni Luke ang wrist ko. Seryoso ang kanyang mata na nakatingin sa akin na parang sinasabi na hayaan ko nalang si Levi na gawin ang dapat niyang gawin.

Nakita kong napabuntong hininga si Levi at ngumiti nalang ito upang ipakita sa akin na ayos lang sa kanya. Tumayo na siya at pumunta sa kusina. Sinamaan ko ng tingin si Luke at inosente lang siyang nakatingin sa akin na parang wala siyang ginawang masama.

Tumulong ka sa kapatid mo.” Kahit ako na ang nagsabi, pinapakita niya pa rin sa'kin na wala siyang pake at ayaw niya tulungan ang kapatid niya.

“Ayaw ko.” Hindi man lang siya nagdalawang isip na sumagot agad. “Malaki na siya hindi na siya bata, kaya na niya ang sarili niya.”

“May nangyari ba sa inyo? Bakit parang hindi na kayo close?” alala kong tanong. Tumingin ito sa akin.

Mga ilang minuto pa ang nakalipas nakatingin pa rin ito dahilan para hindi ako komportableng umiwas ng tingin. Tumawa ito dahil sa inasta ko.

“Hindi mo na dapat kami pinapakialaman, Solar. Baka may malaman ka pa na hindi mo dapat malaman?” Nagtataka akong napatingin sa kanya. Anong ibig niyang sabihin.

“What do you mean?”

Ngumiti lang ito sa akin at walang balak na sabihin ang nalalaman niya.

Blinding LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon