Chapter 30

1.5K 65 8
                                    

Napangiwi ako dahil sa sinabi niya at napailing dahil sa pagkadismaya.

“Redflag mo beh. Dapat inuuna mo 'yong girlfriend mo. Hindi ka ba nag aalala kong ano ng nangyari sa kanya sa school?” Grabe! Kailangan ko pa talaga maghintay ng ilang segundo para lang malaman ang sagot niya.

“Hindi.” Anong klasing boyfriend ka?! Wala kang kwenta!

Tumikhim ako, Binully ngayon si Charlotte at nahimatay pa siya dahil sa mga babae na nanakit sa kanya.”

“Ah... Talaga.” Walang gana ko siyang tinignan. Ewan ko sa'yo.

“Para kang walang care sa girlfriend mo?” Napamewang ako. “Mahal mo ba talaga siya?”

“Hindi,” walang kabuhay-buhay na sagot niya.

“Ha?” Mukhang hindi naman 'yata niya kailangan ng tulong. Bakit ba ako pumunta dito? Gusto siguro maghanap ng gulo 'yong katawan ko. “Niloloko mo ba ako?”

“Niloloko ko sarili ko,” saad niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at napaatras ako kunti. Hinawakan niya ang pisnge ko. Why did you change?”

People change, normal lang naman 'yon. At wala ka na do'n.”

Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko dahilan para hindi ako makagalaw.

Kahit sa panaginip ko parati kitang nakikita. Ikaw ang rason kung bakit ako sumasaya, ikaw ang rason kung bakit ako kinakabahan.”

“Hoy! Anong ibig mong sabihin?!” Agad ako napaatras.

“I... I think—”

“Wag mong ituloy! Ayaw kong marinig!” Aalis na sana ako pero agad niya hinawakan ang wrist ko.

“I love you, Solar.” Napapikit nalang ako sa inis.

“Jusko naman! Xavion! May girlfriend ka na! Naguguluhan ka lang siguro.” Agad ko binawi ang wrist ko sa kanya. Traydor ka. May girlfriend ka na, Xavion. Isipin mo naman nararamdaman ni Charlotte.”

Makikipag break ako sa kanya,” seryoso niyang sabi sa akin.

“Ano?”

“I'm sorry for what I did. Ngayon ko lang narealize na mahal talaga kita. Solar, please give me a chance.” Lumuhod ito habang hawak na hawak ang kamay ko. “I will do anything, Solar. Mahalin mo lang ako. Kahit saktan mo ako o gawin mo akong alipin mo! Willing ko ibenta ang katawan ko para sa'yo!”

Lalayo na sana ako pero hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Ano bang ibig sabihin nito?! Seryoso ba siya?!

“Are you out of your mind?! Ano bang nakain mo at nagkaganyan ka?!” Hindi lang ito sumagot at nakatingin lang ito sa akin. I rolled my eyes. “Tumayo ka! Tayo!”

Tumayo ito. Napabuntong hininga ako. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa buhay ni Solar.

Solar, I don't know what to do?!” Napahawak ito sa ulo niya. This is driving me crazy?!”

Blinding LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon