Chapter 17

1.8K 88 7
                                    

Aba malay ko! Ba't ako tinatanong mo? Napatingin siya sa akin dahilan para matigilan ako.

“Anong ginawa mo sa akin?” Ha? Tuluyan na ba talagang nasira ang pag iisip niya.

“Solar!” Napalingon ako kay Charlotte na ngayon ay lumapit na sa amin. “Nandyan ka lang pala.”

“Bakit Charlotte?

“Hali ka, samahan mo ako bumili ng mga damit natin,” nakangiti niyang sabi sa akin.

“Ha?” Napatingin ako kay Lake na ngayon ay walang kabuhay-buhay ang kanyang mata.

“Lake, may kailangan ka ba sa kaibigan ko?” tanong ni Charlotte. Hindi lang niya pinansin si Charlotte at umalis na lang. “May nangyari ba dito? May ginawa ba siyang masama sa'yo?”

“Wala naman, may weird lang siyang tinanong sa akin.” Napakunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.

“Ano naman 'yon?”

“Ano daw ang ginawa ko sa kanya?” Napaisip ako. Wala naman akong akong ginawa eh.

“Baka may ginawa kang kinakagalit niya?” Umiling ako.

“Alam mo namang mabait ako, pero if they hate me. I will not blame them,” malungkot kong sabi sa kanya. Actually, hindi talaga ako malungkot. Gusto ko nalang matulog.

Niyakap niya ako dahilan para magulat ako. As expected of the female lead. Mabait talaga siya, kinakaawaan niya ako.

Pero ang ayaw ko sa lahat ay 'yong kaawaan ako.

“Don't worry, Solar. I'll protect you.” Mahina ko siyang tinulak at halata sa kanyang ekspresyon na nagulat ito. Ngumiti lamang ako sa kanya.

“I don't need you, Charlotte.” Nanlaki ang kanyang mata dahil sa sinabi ko, at halatang may bahid na takot ito. “From now on, I will stay away from you.”

“H-ha? B-bakit? What did I do wrong?!” Ngumiti lang ako sa kanya. Since, nagkatuluyan naman sila ni Xavion at dahan-dahan ng naging baliw ang mga ibang lalaki.

Tapos na ang trabaho ko dito.

“Let's just say my mission is over.” All I have to do right now, is enjoy the money that Solar's parents gave me. Excited na ako mag shopping.

Uuwi na din ako ngayon. Aalis na sana ako pero napahinto ako ng bigla siyang nagsalita.

“What is the meaning of this?” Napalingon ako sa kanya at nakayuko lang ito habang nakakuyom ito ng kamao. “Wala lang ba sa'yo ang lahat. Ang pagkakaibigan natin? Wala lang ba sa'yo?!”

“Hindi mo na ako kailangan—”

“Sinong may sabing hindi kita kailangan?!” Nagulat ako ng makita itong luhaan, pero walang kabuhay-buhay lang akong nakatingin sa kanya. “Iiwan mo ba ako dahil lang kay Xavion?”

Mga ilang segundo pa ang lumipas ay sumeryoso ang tingin ko sa kanya.

“Yes.” Halos hindi siya makagalaw dahil sa sinabi ko. “Now that you're happy with him. Hindi mo na ako kailangan.”

Hindi ko na siya hinayaan magsalita at umalis nalang ako. Wala akong panahon para makinig sa problema niya. Mas okay sa akin na wala akong kaibigan. Mahirap na pagkatiwalaan ang mga tao ngayon.

•••

“Aalis ka na? Ba't ang bilis?” alalang tanong ni Levi.

Blinding LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon