"Happy Birthday Roni" --nakangiting wika ni Basty habang nakasandal na naghihintay sa kotse nito. Ang isang kamay ay may hawak na mamahaling boquet at ang isang kamay naman ay may hawak na regalo.
Napangiti na lang si Roni sa surpresang 'yun ng nobyo.
"Salamat...Ang aga mo ah.." -sabay tingin niya sa relong pambisig.
"Siyempre naman. Birthday yata ng girlfriend ko kaya ayoko na mabi-beastmode siya dahil sa paghihintay sakin"--wika pang muli ni Basty.
" Hay naku .. Tara na nga at ang aga-aga mong maging bolero"--at sumakay na nga siya sa kotse ng nobyo.
Nakangiting iniabot naman ni Basty sa dalaga ang mga bitbit nito at kapagdaka'y patakbong tinungo na ang driver's seat.
"Mukhang walang surpresa sina Tito at Tita sayo ah," --wika ni Basty habang nagmamaneho na ng sariling kotse at ihahatid si Roni sa opisinang pinagtatrabahuhan nito.
Kumunot ang noo ng dalaga saka naiiling na nagsalita.
"Sa edad ko na bang ito, kailangan ko pa bang mag-expect ng mga pa-surprise. Anyway, thank you dito sa mga bigay mo. Naappreciate ko 'to, Basty"--nakangiting wika niya sa nobyo.
Halatang lumuwang ang pagkakangiti ng binata dahil sa sinabing 'yun ni Roni. Hindi nagtagal ay sinapit na nila ang opisinang pinagtatrabahuhan ni Roni.
"Goodbye Basty, Thank you" --paalam niya sa nobyo bago tuluyang bumaba ng kotse nito.
"Sige.. Ingat Hon.. Sunduin kita mamaya" --pahabol pang wika nito.
"Sige.. Goodbye" --at lumakad na ang dalaga papasok ng opisina.
Muli ay marahan namang pinaandar ni Basty ang sasakyan palayo sa lugar na iyon para naman pumasok sa sariling trabaho nito.
Samantala...
Hindi naman magkandatuto ang magkakaibigan sa paghahanda ng surprise party para kay Roni. Sina Missy at Yuan ang abala sa paghahanda ng food for dinner. Sina Jelai at Junjun naman ang assign sa decorations, si Tonsy naman ang sa program and invitation.Iisa ang gusto nilang mangyari, ang mapasaya si Roni ngayong birthday niya. Kahit mapagod sila at mahirapan, basta makumpleto lang sila sa gabing iyon ay sobrang saya na nilang lahat.
Ini-expect nila na gabi na makakauwi si Roni dahil tiyak na may simple surprise celebration din dito ang boyfriend na si Basty. Para lang hindi mahalata ni Roni ang pakulo nilang iyon, hinayaan nilang sumama muna ang dalaga sa boyfriend nito, at least mas nagkaroon sila ng mahabang oras para mapaghandaan ang pag-uwing iyon ng dalaga.
"Oh, guys, tumawag na ako kay Roni. So, pauwi na daw sila. Ok na ba yang mga inihanda ninyo, wala na bang kulang, ok na bang lahat'--pagtsetsek ni Tita Marite sa lahat.
" Ok na po Tita, si Roni na lang ang kulang"--halos magkakasabay na wika ng lahat.
" Teka, 'yun bang cake, nakaready na.? Sinong magsisindi at magdadala kay Roni? "--tila nag-iisip na tanong pa ni Yuan.
" I think, i have a better idea"--mabilis na sagot ni Missy habang lumuwang ang pagkakangiti at saka pumasok sa loob ng bahay.
Maya-maya ay lumabas na rin ito at masayang-masaya na tila nagtagumpay sa maganda nitong plano.
Ilang sandali pa ay dumating na nga si Roni, lulan ng kotse ni Basty. Madilim ang labas ng bahay. Kaya hindi agad nakita ni Roni ang mga inihanda ng kaibigan para sa kanya.
Ipinagbukas pa siya ni Basty ng pintuan ng kotse at maginoong inalalayan pababa dito. Marahan niyang itinulak ang gate habang nakaalalay pa rin sa kanya si Basty. Pagpasok pa lang niya sa gate ay agad na bumukas ang ilaw at nagliwanag na ang kabuuan ng buong bahay.
Lumantad sa paningin ni Roni ang simple ngunit napakaayos na dekorasyon. May mga nakahanda ding pagkain sa mesa, at maya-maya ay lumabas ang mga bisita na nagsitago pa sa loob ng bahay nila habang kumakanta ng Birthday Song para sa kanya. Naroon ang mga kaibigan niya at pamilya ng mga ito. Sobrang na touch si Roni. Ilang taon na rin kasi ang dumaraan na walang party sa birthday niya kaya hindi niya ineexpect na sa gabing 'yun ay may ganun palang pakulo ang mga kaibigan sa kanya.
Ok na sana ang lahat at napakasaya na sana niya. Subalit ang kasiyahan niya ay tila biglang naglaho at nagshift ang mood niya sa pagkagulat at pagtataka nang makita ang taong may bitbit ng cake. Direkta itong nakatingin sa kanya habang sumasabay din sa pagkanta. Titig na titig ito sa mukha niya. At maging siya man ay tila naubusan na yata ng dugo dahil sa biglang pamumutla nang makita ang taong may hawak ng kanyang cake.
"Happy Birthday Roni,, time to make a wish and blow your candle" --nakangiting utos sa kanya ng kanyang Kuya Yuan.
Hindi na yata niya nagawang mag-wish kahit man lang sa sarili. Dahil sa sobrang tense, binanatan agad niya na mahipan ang kandila na nakalagay sa kanyang birthday cake.
"Happy Birthday Roni" --narinig niyang wika pa ng lalaking may hawak ng cake.
Ilang taon din niyang hindi narinig ang boses na 'yun. At hindi niya akalain na sa gabi ng kanyang kaarawan ay muli pa pala silang magkikita matapos ang ilang mga taon.
"T-thank you, B-Borj!!! " --naiilang na tugon niya dito subalit hindi niya magawang salubungin ang mga mata ng lalaki na hindi niya maiikaila na mas lalong gumuwapo makalipas ang ilang taon na hindi nila pagkikita.
Gustuhin man niyang uriratin kung kailan pa ito dumating at tanungin ng kung ano-ano pang bagay, may pwersang pumipigil sa kanya. Kung anuman ang bagay na iyon, tanging siya lang at si Borj ang nakakaalam..
Noon niya muling namalayan na kasama nga pala niya si Basty. Noon niya nilingon ang kasintahan at nanginginig ang kanyang mga kamay na hinawakan ang nobyo.
"Thank you so much guys, thank you!" --pilit siyang ngumiti at nagpakitang masayang-masaya kahit ang kalooban niya ay pinaghaharian ng kakaibang pangamba.
Wala siya halos masabi sa mga kaibigan at pamilya maliban sa pagpapasalamat.
At kahit, litong-lito ang isipan niya sa gabing 'yun, sa wakas natapos din ang party at naging maayos naman iyon. Utak lang talaga niya at kilos ang naging magulo dahil sa presensiya ng isang lalaki.
Matapos ang munting-salo-salo, masayang kuwentuhan, kantahan at sayawan, nagsiuwian din ang lahat hanggang sila na lamang mag-anak ang natira.
"Mommy, Daddy, thank you ha. Pero, di ba sinabi ko naman po na hindi ninyo na kailangan pang pag-abalahan ang birthday ko"--malumanay na paliwanag niya sa mga magulang.
" Sus, Roni, kung kami lang talaga ng Mommy mo ang masusunod, ayaw na namin. Simple dinner sa labas eh,alam ko, ok na ok na sayo 'yun, pero hindi kami ng mommy mo ang may pakana nito. Pero dapat pa rin na pasalamatan mo 'yung tao na 'yun dahil sa sobrang effort na ibinigay niya"--mahabang paliwanag ng kanilang Daddy Charlie.
Napangiti naman si Roni at masayang naupo sa tabihan ng kuya Yuan niya.
" Thank you Kuya ha, alam ko minsan hindi tayo nagkakasaundo pero salamat ha, kasi pinasaya mo ako ngayong birthday ko. Salamat sa surprise party na inihanda mo for me.. I appreciated it"--at nakangiting niyakap at inalakbayan pa nito ang kapatid .
"Roni, sa totoo lang, kami lang 'yung naghanda ng food, pero ang may pakana ng birthday party mo,ay hindi ako, hindi si Missy o si Jelai? "
Napakunot ang noo niya subalit nanatiling tahimik habang nakatitig pa rin sa kuya niya at naghihintay ng iba pang sasabihin nito.
" So... Kung hindi ikaw.. eh sino..?? "--nagtatakang ungkat niya sa kapatid.
Umayos sa pagkakaupo ang nakakatandang kapatid saka walang gatol na sinagot ang tanong ni Roni.
" Si Borj?! ""...
♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️
Don't forget to hit the ⭐ as your support and feel free to give your comments/suggestions..
Proud StefCam fan here💕
@SpunkySpirit
BINABASA MO ANG
♥️I Love You, Again♥️
FanfictionSi Borj ang ex ni Roni... Therefore, si Roni ang ex ni Borj... Pero, paano nga ba magiging ex ni Borj si Roni kung umaasa ang binata na siya pa rin ang mahal ng dalaga?At paano na nga ba silang dalawa kung may isang "Basty" sa eksena. Hello mga ka S...