Handa na muli si Roni para pumasok sa opisina ng umaga iyon. Dahil nakasanayan na niyang sinusundo at inihahatid siya ng nobyo na si Basty pagpasok at pag-uwi galing sa trabaho,at nasanay na rin siya na ganoong oras ay dumarating na ang nobyo. Pagkatapos magpaalam sa kanyang mommy at daddy na kakagising lang din, maging sa kanyang Kuya Yuan ay ,lumabas na siya ng bahay para hintayin sa may gate ang nobyo na si Basty.Subalit, ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat, dahil hindi si Basty ang nabungaran niya na naghihintay sa labas ng gate. Kundi naroon at nakasandal sa may kotse at mukhang kanina pang naghihintay ang gwapong-gwapo na si Borj.
"B-Borj!" --tila gulat na gulat na bati niya sa binata.
"Hi" --matipid na bati naman nito at sinundan ng matipid na ngiti.
Hindi malaman ni Roni kung bakit ba sumagi agad ang sobrang kaba sa kanyang dibdib at pag-kaalangan sa sitwasyon na iyon.
"A-anong ginagawa mo dito?" --kunot-noong tanong niya sa binata.
Hindi agad sumagot si Borj. Umayos ito ng pagkakatayo, at saka kaswal na nagsalita habang hinahawi ang buhok na nagpapadagdag sa pogi points nito.
"Siyempre, hinihintay kita" --halatang seryoso ang tinig na 'yun ni Borj. At ang tingin nito sa dalaga, walang halong pagbibiro.
" Huh.. P-pero... "--nauutal na wika pa niya. Hindi niya alam kung ano ang idudugtong at sasabihin sa binatang kaharap.
" Borj, may kailangan kang malaman"--kapagdaka'y naisip niyang palusot sa binata.
" Tungkol saan? "-direktang tanong muli nito.
" Tungkol ba kay Basty"--dugtong pa ni Borj.
Muli ay naramdaman ni Roni ang matinding kaba. Nakahinga lamang siya ng maluwag ng makita ang isang paparating na kotse na pamilyar na pamilyar sa paningin niya. Pumarada ang kotseng iyon sa likod ng kotse ni Borj at ilang saglit pa ay lumabas na ang driver na lulan ng sasakyan.
"Goodmorning Hon" --maluwang ang ngiting bati ni Basty sa dalaga at bumeso pa sa nobya.
Isandaang porsiyento ang naramdamang pagkailang ni Roni ng yakapin siya at halikan sa pisngi ng nobyo, dun pa mismo sa harapan ni Borj.
Nahahip ng kanyang mga mata ang reaksyon ni Borj sa eksenang 'yun. Tama nga ba ang nabasa niyang ekspresyon mula dito.
Agad niyang napansin ang pagdilim ng anyo nito habang saglit na napatiim-bagang.
Dahil doon, mabilis siyang kumalas mula sa pagkakayakap ng binata. Bagama't hindi niya ipinahalata sa nobyo ang pagkailang.
"Uy pare, Borj... Goodmorning.Ang aga mo. May lakad ba?" --nakangiting bati naman ni Basty kay Borj .
"Huh.. Ah.. eh.." --halatang hindi rin inaasahan ni Borj na babatiin siya ni Basty kaya hindi rin agad ito nakahagilap ng sasabihin.
"Naku Basty, Heto kasing si Borj. Maagang hinahanap si Kuya Yuan eh." --mabilis na sagot ni Roni at hinila na ang nobyo papalapit sa sarili nitong kotse.
"Tara na Basty, at baka ma-late pa ako sa work ko" --sabi ni Roni na hindi man lang tinapunan kahit isang tingin si Borj.
Maya-maya nga ay umandar na ang kotseng sinasakyan ng magkasintahan. Nang makalayo ang sasakyan, napakuyom ang palad ni Borj at nakatungong muli ay napatiim-bagang.
Sobra ang inis na nararamdaman niya sa sandaling iyon. At inis nga lang ba iyon o selos?
Unti-unti ng nag-init ang ulo niya at dala ng pagkaasar sa nakitang sitwasyon hindi niya napigilang sipain ang sarili nitong kotse.
Uulitin pa sana niya ang muling pagsipa ng marinig niya ang tawag ng isang lalaki sa kanyang likuran.
"Borj!!!?" --nagtatakang tawag ng lalaki sa pangalan niya. Kahit hindi niya lingunin ang lalaki, kilalang-kilala na niya ang tinig na 'yun. Inayos niya ang sarili upang hindi mahalata ng kausap ang pagkairita niya. Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga saka pilit na ngumiti bago tuluyang humarap sa bestfriend niya.
"Yuan, pare.." --sabay appear pa nito.
"Ang aga mo 'tol. Anong nangyayari?" --ungkat ni Yuan.
"Ha.. wala 'tol.. May dumapo lang insekto sa kotse ko. Sinipa ko na kang kesa patayin ko ng kamay ko" --natatawang palusot niya sa kaibigan.
Naiiling naman si Yuan sa naging sagot na iyon ng kaibigan.
"Tara muna sa loob, magkakape" --anyaya nito sa kaibigan.
"Hay pare.. mabuti pa nga. Tara 'tol.." --walang gatol namang sang-ayon ni Borj at isinantabi na muna niya ang nararamdamang pagkapikon dahil sa nasaksihang eksena kanina.
Samantala...
"Pare, si Roni ba at Basty?" --walang gatol na tanong ni Borj kay Yuan ng nagkakape na sila.
Makahulugan namang tumingin si Yuan sa kaibigan at saka sumagot.
"Oo?" --matipid namang sagot nito.
"Matagal na?" --muli pang tanong ni Borj.
"Teka 'tol.. Tanong lang ha.. Bakit ba interesado ka kay Roni. "--nakangiting tanong ni Yuan.
Hindi naman sumagot si Borj.
" Pare ha.. Huwag mong sabihin sakin na may gusto ka pa rin sa utol ko"--tudyo ni Yuan.
Muli ay nanahimik lang si Borj.
" Pare, nagkakasundo na 'yung dalawa, huwag mo ng guluhin pa" --sabay tapik sa balikat ng kaibigan.
Mas lalong naramdaman ni Borj ang matinding pagkapikon at init ng ulo niya. Nagdalawang isip tuloy siya kung dapat pa ba niyang inumin ang kapeng nasa harapan niya. Pero nagtimpi siya sa sinabing 'yun ng kaibigan.
Una, walang kinalaman si Yuan sa kung ano ang pinagdaraanan niya at kung ano ang meron sila ni Roni.
Pangalawa, si Yuan ang bestfriend niya. Alam niya na kasangga at kakampi niya ito sa lahat ng sitwasyon. Iyon nga lang hindi niya masabi-sabi dito ngayon ang hirap ng sitwasyon niya. Kailangang mag-usap muna sila ni Roni at maging malinaw muna ang lahat bago siya magbahagi ng istorya sa mga kaibigan at humingi ng payo sa mga ito.
Wala na siyang ibang naintindihan pa sa sinasabi sa kanya ni Yuan. Basta itinuloy na lamang niya ang pag-inom ng kape kahit sa sandaling iyon ay alak ang gustong-gusto niyang tunggain....
♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️
Don't forget to hit the ⭐ as your support and feel free to give your comments/suggestions..
Proud StefCam fan here💕
@SpunkySpirit
BINABASA MO ANG
♥️I Love You, Again♥️
FanfictionSi Borj ang ex ni Roni... Therefore, si Roni ang ex ni Borj... Pero, paano nga ba magiging ex ni Borj si Roni kung umaasa ang binata na siya pa rin ang mahal ng dalaga?At paano na nga ba silang dalawa kung may isang "Basty" sa eksena. Hello mga ka S...