Nakahinga na nang maluwag si Roni nang nasa loob na ng ospital si Trisha At least ngayon, may mga nurse at doctor na tumitingin sa kanya. Iaadmit na nga ng ospital ang babae pero wala pa ring kakilala o malapit na kamag-anak ang dumarating para damayan si Trisha.Kaya nagdesisyon siyang samahan na lang muna ang babae hangga't wala itong ibang makakasama.Sila na lamang dalawa ang nasa loob ng Isang pribadong silid.At Hindi niya akalain na sa Araw na iyon, si Trisha Pala ang makakasama niya kahit Plano lamang Naman niya ay mamasyal at maglibang mag-isa.
"Roni, salamat ha sinamahan mo ako.Pasensiya ka na kung naabala kita"
Nakangiting wika ni Trisha habang nakahawak pa rin sa tiyan.Pinilit niyang ngumiti sa babae.Kahit paano ay gusto niyang maiparamdam dito na naroon siya para dumamay bilang kaibigan na rin.Kahit si Borj pa ang ama ng magiging anak nito.
"Iniisip mo ba na si Borj ang ama ng baby ko" kapagdaka ay biglang Turan ng babae.
Hindi niya alam kung paano magrereact sa sinabing 'yun ng babae.
"Alam mo ba Roni, naging best friend ko si Borj Nung na heartbroken ako.Sa kanya kasi ako nagsi-share ng mga problema ko noon.Nagkakachat kami kahit noong nasa ibang bansa pa siya.Tapos umuwi siya para umatend ng reunion natin.Alam mo ba na sobrang excited siya sa event na 'yun kasi, excited siya na Makita ka."mahabang kuwento pa ng babae.Kahit nakikita niya sa Mukha nito na Minsan ay iniinda ang paghilab ng malaking tiyan.
Nagflashback lahat sa memorya ni Roni ang panahon na 'yun.Naalala niya na si Trisha ang pinupuntahan ni Borj at isinayaw din ng ilang beses na sobrang ikinairita pa nga niya.
"Alam mo ba,ang saya-saya ni Borj noong naisayaw ka niya.Kaya lang......"halatang sadyang binitin ni Trisha ang sasabihin.Parang siya Naman ay nabitin sa ere na nakangangang nakikinig at naghihintay sa iba pang sasabihin nito.
"Nasira 'yung gabi niya nang Makita niya si Basty" matapat pang kuwentong muli ni Trisha.
Tahimik lamang siyang nakikinig sa lahat ng kuwentong iyon ni Trisha.Ni Hindi na niya magawang magreact sa lahat ng sinasabi nito.Kahit andami sana niyang gustong itanong sa babae.
"Nung Gabi na pumunta kayong magkakaibigan sa Bahay nina Borj,sobrang excited siya noon Roni.Hindi mo alam kung paano niya pinaghandaan ang Araw na 'yun.Kaya lang, sa Hindi naming malamang dahilan, mas pinili mong umalis kesa manatili sa Bahay niya."
"Alam mo ba Nung gabing iyon, may Plano siya na i-announce sa buong barkada ninyo na pormal siya ulit manliligaw sayo.Kaya lang umalis ka na kaya Hindi na niya nasabi pa kay Yuan at sa tropa."
Napahugot siya nang malalim na buntong-hininga dahil sa narinig.Gusto na sana niyang umiyak sa harap ng babae subalit pinilit niyang kalmahin ang Sarili at pigilan ang luhang gusto na sanang bumagsak sa mga pisngi niya.
"Pinili Kong umalis Roni..."
Maya-maya ay narinig niyang dugtong pang muli ng babae.Tahimik lang niyang muling tiningnan ang babae habang nagkukuwento ito."Nung Gabing 'yun kasi naramdaman ko na nagseselos ka sakin..Babae din ako at kahit Hindi mo direktang sabihin sakin alam ko na ako ang dahilan kaya umiiwas ka Kay Borj."
Pumagitna ang saglit na katahimikan sa pagitan nilang dalawa.Patuloy niyang pinakiramdaman si Trisha kung may iba pa bang sasabihin ito.
"Nung umalis ako.Tinatawagan ko na lang si Borj.Ilang beses Ko siyang pinayuhan na ayusin ang relasyon na meron kayo. Alam ko Naman na mahal na mahal ka niya Roni.At dahil din naman sa pag-alis ko kay Borj, natutunan konring ayusin ang buhay ko.Nagkabalikan kami ni Patrick.Ang ama ng baby ko."
Sa sandaling iyon ay Hindi na malaman pa ni Roni kung paano pipigilang pakalmahin ang Sarili.Naramdaman na lamang niya na umaagos na ang luha sa kanyang pisngi.Mabilis niyang pinahid ang mga luhang iyon.Para siyang sinampal...
Si Trisha na buong Akala niya ay kontrabida sa love story nila ni Borj ay Isa palang mabuti at tapat na kaibigan.Sa halip na sirain sila ni Borj ay naroon lamang Pala ito para buuin ang nasirang kuwento ng pag-iibigan nila ng dating nobyo.Simula't sapul ay itinuring niyang kaaway,karibal at kakompetensya sa maraming bagay ang babae..Pero nagkamali siya .Maling-mali siya sa pag-aakalang si Trisha ay Isang kaaway.
Patuloy sa pag-agos ang mga luha niya nang Isang lalaki ang pumasok sa loob ng silid na iyon at diretsong lumakad papalapit Kay Trisha.Nakita pa niyang humalik ito sa pisngi ng babae.Nag-alinlangan si Roni kung dapat pa ba siyang manatili sa loob ng silid na 'yun.Hindi na siya nagdalawang -isip.Mabilis siyang tumayo at lumabas ng silid na Yun habang tuliro pa rin ang isip dahil sa mga kuwentong narinig mula kay Trisha.Hindi na niya nagawang mag-paalam pankay Trisha atbsa bagong dating na lalaki na marahil ay nagngangalang Patrick Cruz.Kabubukas pa lamang niya ng pintuan palabas ng silid nang matanaw niya sa di kalayuan ang Isang lalaking pamilyar na pamilyar sa kanya kahit halata ang malalagong balbas at bigote nito,Hindi pa rin nakabawas sa angking kaguwapuhang taglay ng lalaki.
"Borj"--bulong niya .
"Excuse me po Ma'am..Iche-check lang po namin 'yung pasyente"--nakangiting saad ng dalawang nurse na bumungad din sa harapan niya na umagaw ng kanyang atensyon.
Napatingin siya sa dalawang nurse at nginitian ang mga iyon. Umalis siya sa may pintuan upang padaanin ang mga ito papasok ng silid.
Muli niyang itinuon ang kanyang atensyon kung saan niya nasilayan si Borj.
Subalit....
Ganun na lamang ang pagkadismaya nang hindi na niya makita pa doon ang binata. Muli siyang luminga-linga sa paligid. Nanlumo ang puso niya na kanina ay napuno nang labis na kaba. Hindi na niya muling nakita pa si Borj. Nakita ba talaga niya ang binata o namalik-mata lang siya dahil sa labis na pag-iisip dito.Pero hindi siya maaaring magkamali.Nakita niya talaga ang binata.Nanlalambot siyang napaupo sa bench na naroon. Mukhang ayaw na talaga ni Borj makipag-usap pa sa kanya..
Muli niyang naramdaman ang bigat at sakit ng kalooban... Unti-unti na nga siyang nagmo-move-on.. Pinipilit kalimutan si Borj kahit gaano pa kahirap.. Subalit.. Heto na naman.. Nakita niyang muli ang anino ni Borj at walang kasing sakit ang malaman na hindi na talaga siya gusto pang makita o makausap man lang ng dating nobyo..
♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️
Don't forget to hit the ⭐ as your support and feel free to give your comments/suggestions..Proud StefCam fan here💕
@SpunkySpirit
BINABASA MO ANG
♥️I Love You, Again♥️
Fiksi PenggemarSi Borj ang ex ni Roni... Therefore, si Roni ang ex ni Borj... Pero, paano nga ba magiging ex ni Borj si Roni kung umaasa ang binata na siya pa rin ang mahal ng dalaga?At paano na nga ba silang dalawa kung may isang "Basty" sa eksena. Hello mga ka S...