Ctto sa lahat po ng videos na ginamit ko.. Thank you po😘😘😘
No copyright infringement intended..Magulo dahil kanya-kanyang kwentuhan.. Maingay dahil sa malakas na tugtog ng speaker.... Masaya dahil kumpleto silang magkakaibigan.... Maraming pagkain ang nakahanda sa mesa at masayang nagtipon-tipon ang magkakabarkada. Kanya-kanyang halakhakan at kwentuhan ang bawat isa kahit isang mahabang mesa lang naman ang kinapupuwestuhan nila. Sa wakas, nakumpleto silang muling magkakaibigan.Naroon sina Junjun at Jelai, Tonzy, Yuan at Missy, at siyempre sina Borj at Roni. Maya-maya ay may tumigil na sasakyan sa tapat ng bahay ng Pamilya Salcedo at bumaba ang taong nagmamaneho noon.
"Congratulations, Yuan and Borj" nakangiting bungad agad ng Daddy ni Jelai habang may bitbit na regalo at maluwang ang pagkakangiti habang lumalapit sa grupo nilang magkakaibigan.
"Thank you po, Tito Cesar" --salubong naman agad nina Borj at Yuan sa daddy ni Jelai. At tinanggap ang regalong iniabot nito.
Maya-maya ay kasunod namang dumating ang mga magulang at kapatid ni Junjun.Nasa may gate pa lamang ay nakatawag pansin na ang malalakas na boses ng mga ito. Nahihiyang napailing na lamang si Junjun habang tinitingnan ang papalapit na kapatid at magulang.
"Hello Yuan, Hello Borj Congratulations to both of you." --sabay halik naman ni Mommy Cecille (mommy ni Junjun) sa dalawang binata na bagong graduate sa highschool. Nangingiti namang yumakap ang dalawang binata dito.
Hindi naman nagtagal ay natanaw na rin nila sina Lolo Miyong at Lola Seling na naglalakad papasok na rin sa gate ng bahay ng Pamilya Salcedo. Mabilis naman silang sinalubong ni Borj at agad na hinawakan ang kamay ng dalawang matanda para alalayan sila.
"Lolo, Lola, ingat po" --wika ni Borj habang nakaalalay sa kanila.
Sumalubong na din si Yuan para tulungan ang kaibigan sa pag-alalay sa mga ito.
"Salamat Yuan" --panabay na wika naman ng mga ito.
Maya-maya ay nanahimik ang lahat nang magsalita na si Mr. Salcedo at pamunuan ang isang panalangin. Kasunod na nito ay ang mensahe para sa anak na si Yuan at itinuturing na ring anak na si Borj .
"Masayang-masaya kami para sa inyo Yuan at Borj, dahil sa wakas nakatapos na kayo sa highchool. May honor man o wala, proud pa rin kami ng Mommy mo sayo Yuan, at alam kong ganundin si Roni... At sayo naman Borj, for sure, sobrang proud sina Lolo at Lola.. Kaya Congratulations sa inyong dalawa at narito tayo ngayong gabi para magcelebrate" -mahabang mensahe ni Daddy Charlie.
"Lolo, Lola, may sasabihin po ba kayo? "--maya-maya ay tanong ni Tito Charlie sa dalawang matanda.
Nagkatinginan ang mag-asawa at maya-maya ay tumayo si Lolo Miyong sa gitna para magsalita.
" Salamat, Maraming-maraming salamat sa inyong lahat dahil nakadating kayo sa party na ito. Salamat dito kina Charlie at Marite, dahil nagrequest talaga kami na dito na lang idaos ang party para kay Borj para iisang ganap na lang. Alam ninyo naman, maeedad na kaming mag-asawa kaya nahihirapan na kami sa mga ganyang party party"--seryoso at mahabang panimula ni Lolo Miyong.
"At magandang oportunidad na din na nagkasama-sama itong mga bata natin, bago man lang kami umalis papuntang Amerika." --maya-maya ay wika pa ng matanda.
Nagulantang ang lahat sa narinig. Bakas na bakas sa mukha ng magkakaibigan ang labis na pagkabigla.Subalit ang mga daddy at mommy nila mukhang expected na ang anunsiyong yun . Ibig bang sabihin. Sila lang talagang magkakaibigan ang hindi nakakaalam ng planong 'yun.
Maging si Yuan, halata ang pagkagulat. Naguguluhan itong napatingin kay Borj na noon ay tahimik na nakatungo lang at nag-aabang sa iba pang sasabihin ng lolo niya.
BINABASA MO ANG
♥️I Love You, Again♥️
Fiksi PenggemarSi Borj ang ex ni Roni... Therefore, si Roni ang ex ni Borj... Pero, paano nga ba magiging ex ni Borj si Roni kung umaasa ang binata na siya pa rin ang mahal ng dalaga?At paano na nga ba silang dalawa kung may isang "Basty" sa eksena. Hello mga ka S...