Chapter 7

451 33 8
                                    

Umuulan nang hapong iyon at oras na ng uwian. Malaking problema kay Roni ang oras ng uwian dahil magko-commute siya. Katatawag lang ni Basty na hindi pa rin ito makakasundo dahil masama pa rin ang pakiramdam ng nobyo. Tumawag na din siya sa Mommy at Daddy niya subalit hindi pa rin pala ang mga ito makakauwi. Ang kanyang kuya Yuan naman ay nasa daan pa at malayo-layo pa rin kaya tiyak na gagabihin naman siya kung maghihintay sa mga ito.

May isa pang idea na pumapasok sa isipan niya. May isang taong pwede niyang tawagan at alam naman niyang hindi siya nito kayang tanggihan. At si Borj ang taong iyon. Pero nagdadalawang-isip pa rin siya. Naalala kasi niya na may pupuntahang concert ang binata sa hapong iyon. Malamang na wala ito sa bahay o di kaya naman ay abala sa paghahanda sa lakad mamayang gabi.

Nang oras na nga ng labasan ay isa si Roni sa nakipagsiksikan sa paghahanap ng masasakyan. Mabuti na lamang at palagi siyang may dalang payong . Dahil madami ang naunang pasahero sa kanya, mas unang nakakasakay ang mga ito sa dumaraang pampasaherong jeep. Isa pa, hindi naman talaga siya sanay makipaggitgitan sa ibang pasahero. Malamang na mapapag-unahan talaga siya.

Muli siyang bumalik sa waiting shed at muling tumanaw kung may darating pa bang pampasaherong jeep. Iilan na lamang silang mga pasahero ang narororoon kaya umaaasa siyang makakasakay na sa  susunod na daraang jeep. Napangiti si Roni nang muling makatanaw ng paparating na jeep. Lalakad na siya palapit sa sasakyan at handa na ring makipag-unahan sa kapwa pasahero nang maramdaman niya ang mariing pagpigil ng isang kamay sa kanyang kanang braso. Agad siyang napalingon sa kung sinuman ang pumigil sa kanya. Hindi niya maintindihan kung nambabastos ba iyon kaya pinigilan siya.

Gayon na lamang ang kanyang pagkamangha kung sino ang kanyang nakita. Naroon si Borj sa likuran niya at seryosong nakatingin sa kanya.

"B-Borj" --manghang usal niya pagkakita sa binata.

"A-anong ginagawa mo dito." --mahinang tanong niya at hindi na pinansin pa ang dumarating na jeep. Hinayaan na niyang makasakay ang iba pang pasahero.

"Sinusundo kita, Roni" --seryosong tugon nito sabay muling hinawi ang buhok na bahagyang nabasa marahil ng ulan.

Natigilan na naman sandali si Roni. Hindi na naman niya alam kung ano ang magiging reaction sa sinabi ni Borj.

"Roni.. gaya ng sinabi ko sayo kanina nung ihatid kita, wala akong uungkatin na kahit ano.. Wala tayong pag-uusapan.. Promise" --at itinaas pa nito ang kanang kamay na seryosong nangangako.

Napangiti ng bahagya si Roni. Natutuwa naman siya kay Borj. Dahil nagkusa talaga ang binata na sunduin siya. Hindi na rin siya nagpapilit pa. Magkasabay nilang tinungo at magkasukob pa sa payong ang lugar na pinagpaparadahan ng kotse ni Borj.

Sa loob ng kotse, tahimik lang at wala silang kibuan. Bagaman, gusto rin naman sanang kausapin ni Roni si Borj, natatakot naman siya na baka kung saan mapunta ang usapan nila.
Palihim niyang sinulyapan ang binata. Seryoso ito habang nakatuon ang buong atensyon sa pagmamaneho. Napakagat labi si Roni. Ano kaya ang magandang sabihin o itanong kay Borj? -sa isip isip niya. Napatango siya at agad nagliwanang ang mukha nito nang makaisip ng magandang sasabihin sa lalaki.

"Ahm.. Borj, tinawagan ka ba ni Kuya Yuan para sunduin ako?" --mahinang tanong niya sa kasama.

"Hindi Roni" --maikling sagot lang ni Borj na nakatutok lang ang tingin sa daan.

"Eh, sina Mommy at Daddy, t-tinawagan ka ba nila?" --muling ungkat pa ng dalaga sa dating nobyo.

"" Hindi rin"--mas maikling sagot muli ng binata.

Nagkunot-noo si Roni. Kung wala sa pamilya niya ang tumawag kay Borj, eh sinong tumawag dito para sunduin siya. Alangan namang si Basty...

"Roni, walang tumawag sakin para sunduin ka. Alam ko kasi na maysakit si Basty kaya walang makakasundo sayo." --paliwanag ni Borj na bahagyang sumulyap naman sa kanya.

Parang hinaplos ang puso ng dalaga sa narinig. Na-touch naman siya. Sobrang effort naman ng binata. Dapat na ba siyang kiligin ?
Naiiling na lang siya sa kagagahang naiisip.

Nilingon niyang muli si Borj at desidido na siyang makipag-usap muli sa binata, basta huwag lang 'yung tungkol sa kanilang dalawa ang bubuksang paksa.

"P-pero di ba, may lakad ka ngayon. Manonood kayo ni Abby ng concert di ba?!" --paalala niya sa kasama.

"Maaga pa naman eh. May oras pa para mapaghandaan 'yan. Basta ang gusto ko, masigurado ko na makakauwi ka ng safe" --at nilingon nito si Roni at binigyan ng isang napakagandang ngiti.

Naramdaman ni Roni na nais yatang magdiwang ng puso niya nang makita ang ngiting iyon ni Borj. Parang bumabalik ang dating kilig na naramdaman niya noon.

Subalit, agad niyang iwinaksi ang pakiramdam na 'yun. Hindi pwede.. Hindi pwede dahil may Basty na siya. Si Basty na ang biyfriend niya ngayon. At si Borj ay bahagi na lang ng nakaraan niya. Dapat na lang nilang tanggapin na bahagi ng kanyang kamusmusan ang pagsagot niya dito noon.

"S-sige ka.. Baka mainip si Abby" --halatang may biro ang tinig na 'yun ni Roni . Nagkibit balikat lang si Borj at wala itong naging tugon sa sinabi niya.

Ilang sandali pa ay sinapit na nila ang bahay nina Roni. Malakas pa din ang ulan.Alam niyang may lakad pang pupuntahan si Borj sa gabing 'yun kaya hindi na siya nag-abalang imbitahin pa ang binata sa loob ng bahay. Isa pa, naiilang siyang gawin 'yun lalo na wala siyang ibang kasama.

"Borj, thank you so much ha ... Ahm... Ingat ka pag-uwi.. Enjoy sa concert" --pinilit niyang ngumiti sa binata.

" You are always welcome Roni" --nakangiting tugon naman ni Borj.

Gumanti rin ito ng ngiti sa kanya. Pagkatapos niyang magpaalam ay kusa na siyang bumaba ng kotse at muling binuksan ang dalang payong at naglakad na papasok sa loob ng bahay.

Nang matiyak ni Borj na nasa loob na ng bahay ang dalaga ay mabilis nitong dinukot ang cellphone at nagdial muli ng numero.

"Hello Borj" --tugon ng boses ng isang babae sa kabilang linya.

"I'm sorry Abby. Medyo masama ang panahon ngayon eh. Pwede bang next time na lang tayo manood. Ok lang ba? "--wika ni Borj sa kausap.

" No problem. It's alright, Borj"--sagot namang muli ng babae .

" Sorry ha! "--muling wika ni Borj at pinatay na ang cellphone. Nanatili siyang nasa tapat ng bahay nina Roni. At nagdesisyon lang siyang lisanin ang lugar na iyon ng bahagya ng tumitila ang ulan.

Kinagabihan....

Hindi dalawin ng antok si Roni. Iniisip niya ang mga kaganapan sa kanila ni Borj. Wala naman silang matinong napapag-usapan pero bakit tila may nararamdaman siyang ekstranghero para sa binata. At pansamantala, bakit nga ba niya nakalimutang tawagan o isipin man lang ang boyfriend na maysakit?

Gusto niyang mainis sa sarili dahil si Borj ang kanina pang laman ng utak niya. At ngayon, marahil ay nagsasaya na ito sa panonood ng concert kasama ang isang babae na nagngangalang Abby. Ang hindi niya alam. Hindi na tumuloy sa panonood ng concert ang binata.
♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️

Don't forget to hit the ⭐ as your support and feel free to give your comments/suggestions..

Proud StefCam fan here💕

@SpunkySpirit

♥️I Love You, Again♥️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon