Namagitan ang saglit na katahimikan sa pagitan nina Borj at Roni.Sabay din silang natawa nang magtama ang kanilang mga mata subalit wala namang masabi sa isa't-isa.
"Ninong ka ba?"--kapagdaka'y yun na lang ang naisip itanong ni Roni sa binata.
Ngumiti si Borj saka sumagot.
"Oo eh!"
Saglit natahimik si Roni.Malamang na nanunudyo nga ang mga salita ni Trisha kanina.Kung ninong si Borj ni Baby Trixie at magiging silang dalawa ni Borj, natural na magiging ninang din siya ng anak nito.
"Bakit mo naitanong?" Pukaw muli ni Borj sa pananahimik niya.
Kaswal na silang mag-usap ngayon. Tila sa isang kisap mata ay nawala ang malaking pader na nakaharang sa pagitan nilang dalawa.Parang nawala ang ilangan at bakas ng sakit sa kanilang nagdaan.Parang ang gaan lang sa pakiramdam.Ganun!
"Ah..wala lang napansin ko lang na wala ka sa church kanina".
"Hinanap mo ako noh?!"--narinig niyang wika ni Borj na noon ay napakagwapo nito dahil sa napakatamis na ngiti.
Hindi na rin napigilan ni Roni ang emosyong kanina pang pilit na itinatago.Natawa na rin siya nang malakas.
"Loko!!Eh di nga ba, galing kami doon.So, hindi naman kita nakita dun kaya natural wala ka."--giit naman ni Roni.
"Ako kasi 'yung nag-iintindi dito eh.Kaya sabi ko kay Trisha, hindi na lang ako aattend."
"Ahhhh"--tumango-tango namang sagot ni Roni.
"Roni!!!!!!!"...Agad napalingon si Roni.Boses 'yun ng Kuya Yuan niya.
"Roni,uuna na ako sayo ha.Nagkaroon lang ng emergency kina Missy kailangan ko siyang maihatid agad.Sumabay ka na lang kina Jelai.Ok ba yun?"wika ng Kuya niya.
"Borj,pare,usap na lang tayo later ha"--at kumaway na lang ito sa bestfriend Borj niya.
"S-sige Kuya.Ano ba kasing nangyari?!"--habol pa niya dito.Subalit dahil sa pagmamadali ng kapatid hindi na yata nito narinig pa ang tanong niya.
Nakahabol lang ng tingin si Roni sa papalayong sasakyan ng Kuya niya.Maya-maya ay bigla siyang natauhan.Noon niya napansin na mangilan-ngilan na lang pala ang tao sa lugar na 'yun.Mabilis niyang sinuyod ng tingin ang paligid.Subalit wala na yata siyang kakilala sa mga taong naroon.Hindi na niya mahagilap sina Jelai, Junjun at maging si Tonzy.
Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya at idi-nial ang number ni Jelai.Subalit nakailang ring na ito at negative..Walang sumasagot.Nasapo niya ang noo.Saan siya sasakay pauwi.Sa ikalawang pagkakataon ay si Tonzy naman ang tinawagan niya.Naka ilang ring din ito bago pa tuluyang sinagot.
"Hello Tonzy,asan ka ba?"--direktang tanong niya.
"I'm on my way home ,Roni. Sorry ha, hindi ko na nagawang magpaalam.May pupuntahan pa kasi ako.Pero nagpaalam naman ako kina Yuan at Borj." Sagot ng kaibigan sa kabilang linya.
"Ok sige, Tonzy! Bye!"--at ibinaba na niya ang telepono.
Muli niyang nilingon si Borj.Naroon pa rin ang binata at nanatiling nasa tabi niya.
"Borj, sandali lang ha!"
At mabilis siyang tumalikod sa binata.Lumabas siya ng lugar na 'yun at pumunta sa parking area.Nagbabakasakali na naroon pa sina Jelai at Junjun.Subalit, laylay ang balikat nang matuklasang wala na ang sasakyan ng mga kaibigan.Napanguso siya.Mukhang nakatakda na naman siyang magcommute.Nanlulumo siyang muling tumalikod para bumalik na lang sa loob.Subalit, nagulat siya dahil naroon si Borj sa likuran niya at maganda ang pagkakangiti.
BINABASA MO ANG
♥️I Love You, Again♥️
FanfictionSi Borj ang ex ni Roni... Therefore, si Roni ang ex ni Borj... Pero, paano nga ba magiging ex ni Borj si Roni kung umaasa ang binata na siya pa rin ang mahal ng dalaga?At paano na nga ba silang dalawa kung may isang "Basty" sa eksena. Hello mga ka S...