Chapter 38

318 19 1
                                    

Lulan silang magkapatid ng kotse kasama si Missy. Kasunod ng kotse nila, sakay naman sa sariling kotse sina Junjun at Jelai. At sa huling kotse sakay naman si Tonzy .

Malungkot at tahimik lang si Roni. Si Borj lang kasi ang wala sa barkada. At hindi na siya magtataka kung hindi na talaga magpapakita pa si Borj.

At  Dalawang buwan na ang matuling nakakalipas nang  huli niya itong makita sa ospital nung manganganak si Trisha. At hanggang ngayon kahit paramdam sa mga kuya Yuan niya ay negative na din.

Masayang nagkukwentuhan at halakhakan sina Yuan at Missy. Pero si Roni, nanatiling tahimik lang at nakatuon ang tingin sa daan patungo sa pupuntahan nila. Kanina pa siyang may malalim na iniisip. Pupunta sila sa binyag ng anak ni Trisha. Iniisip lang niya kung pupunta din kaya si Borj? Posible kaya na maging Ninong ito nang anak ni Trisha? Makikita kaya niya si Borj ngayon?

"Hoy Roni, baka gusto mong magsalita diyan? Ano bang iniisip mo ha at napakaseryoso"--narinig niyang tanong ng Kuya Yuan niya.

Subalit sa halip na sumagot ay minabuti niyang kunin ang kanyang make-up kit. Mag-aayos na lamang siya ng sarili. Baka sakaling makatisod siya ng gwapong binata sa araw na iyon. Clueless naman din kasi siya sa barkada kung pupunta din ba si Borj sa event. Wala siyang naririnig na usapan tungkol kay Borj at nahihiya din naman siyang magtanong ng tungkol sa binata.

Ilang sandali pa ay narating na nila ang simbahan kung saan bibinyagan ang anak ni Trisha. Isa-isa nang nagbabaan ng mga sasakyan ang mga kaibigan niya. Kinakabahan siya. Nakatakda ba silang magkita ngayon ni Borj??? Iyon pa rin ang tanong na hindi mawala sa isipan niya.

Lumapit siya kay Jelai. Pero hindi siya nagpahalata ng anumang kaba. Pinilit niyang maging kaswal.

Magkakasunod silang pumasok nang simbahan. Mas lalo lang lumakas ang pagbayo ng kaba sa dibdib ni Roni.

OMG... This is it na ba? Nasa loob kaya ng simbahan si Borj. Malamang na Ninong ito ng baby ni Trisha.

Nagsisimula na  ang seremonya ng binyag. Minabuti na lamang nilang maupo sa di kalayuan sa may altar. Unang hinanap ng kanyang mga mata... Siyempre si Borj...

Matapos niyang kilatisin ang mga nakatindig na Ninong at ninang ni Baby, mas namulat siya sa realidad. Wala ng Borj ang sisipot pa.

Palihim niyang iginala ang paningin sa paligid ng simbahan subalit ni anino ni Borj, hindi na nagpakita pa. Gustong-gusto niyang itanong sa mga kaibigan lalo't higit sa Kuya Yuan niya kung sisipot pa ba si Borj?Kung buhay pa ba ito? At kung may balak pa bang magpakita pa sa kanila? Pero pansamantala ay pinakalma niya na muna ang sarili. Mahaba pa naman ang maghapon at umaasa ang puso niya kahit saglit sa araw na iyon ay magpapakita si Borj. Hindi man para sa kanya, kundi para sa mga kaibigan nila at lalo't higit para kay Trisha at sa baby nito.

Natapos at natapos ang seremonya ng binyag. Negative!!! Wala pa rin si Borj. Kung ang mga kaibigan  niya ay excited sa pagpapapicture kay Baby Trixie, siya naman ay parang batang naiinip na gusto na lang umuwi. Hanggang sa lapitan siya ni Trisha bitbit ang baby nito.

"Tara sis, picture tayo"--maluwang ang ngiting anyaya nito.

Napilitan siyang ngumiti at makipag awrahan kahit masamang-masama naman ang kanyang kalooban.

Tatanungin na sana niya si Trisha kung nasaan si Borj at kung darating ba ito pero mabilis naman itong umalis sa tabi niya para makapagpapicture din sa iba pa.

Sa wakas, matapos ang picture taking ay pupunta na sila sa reception. May konting pag-asang sumusungaw sa puso ni Roni.

Baka naman na late lang si Borj kaya hindi na naka attend ng binyag, baka sa reception na lang ito naghihintay... Wika ng baliw na yatang utak niya. Talagang ayaw pa niyang bumitaw.. Patuloy siyang kumakapit sa kakarampot na pag-asa na meron siya. Sana sa reception area nandun si Borj. Piping dalangin na naman ng utak niya.

Naupo silang magkakaibigan sa isang round table. Dun pa lang, palihim na siyang nagmamasid sa paligid. Nagbabakasakali na makikita na niya si Borj. Subalit, nagdoble doble lang ang lumbay na naramdaman niya.Dahil, Wala pa rin si Borj.

Matapos ang kainan ay muling nagpapicture ang magkakaibigan kina Trisha at  Baby Trixie. Tuwang-tuwa sila kay Baby Trixie dahil sobrang cute naman kasi nito.

After ng group picture ay kinuha ni Jelai si Trixie para magpapicture silang dalawa.

"Roni, pakipicture naman please"--nakangiting wika ni Jelai habang nanggigigil sa paghawak kay Baby.

" Uy sis ha.. Baka naman umiyak na si Baby dahil diyan sa ginagawa mo"--sa wakas ay napahagalpak na rin ng tawa si Roni. Hindi niya maiwasang matawa sa anyo ni Jelai. Gigil na gigil kasi ito kay baby.

"Oh tama na sis, kami naman ni Baby ang picturan mo"--nakangiting wika na rin niya. Pansamantala ay nalimutan niya ang nararamdamang lungkot.

Kakahawak pa lang niya kay Baby Trixie ay nagsimula na itong umiyak.

" Baby wait lang magpapapicture lang tayo"--nakangiting paglalambing niya sa bata.

Subalit nagpatuloy na si Baby sa pag-iyak.

"Wait Roni ha, tawagan ko lang si Trisha" at tumalikod na si Jelai para hanapin at tawagan si Trisha.

Si Roni naman ay naiwang inaamo si Baby Trixie na patuloy sa pag-iyak. Naudlot na ng tuluyan ang balak sana nilang picture taking ni Baby Trixie.

"Baby, wait lang tinatawagan na si Mommy, please don't cry"--pag-aamo pa niyang muli sa bata.

" Hi"  wika  naman ng isang boses sa tabihan niya.

Natigilan si Roni. Imposible naman  na si Baby Trixie ang magsasalita.
Jusmiyo.... Bumilis na ang kaba sa dibdib niya. Hindi niya magawang lumingon.

"Hi Roni"--sa ikalawang pagkakataon ay narinig niyang wika muli ng nasa may tabihan niya.

Mahigpit niyang hinawakan si Baby at saka dahan-dahang lumingon sa kanyang tabi....

Mabuti na lamang at mahigpit ang pagkakahawak niya sa umiiyak na sanggol.. Dahil kung hindi, sa tindi ng kanyang pagkagulat baka sa sahig na pulutin ang bata.

" B--Borj!!???!! "Hindi niya alam kung anong tamang ekspresyon .. Gulat ba siya, masaya, o ano nga ba???

" Nahihirapan ka bang patahanin si Baby. Pwede bang sakin na lang muna si Trixie? "--nakangiting wika nito.

Lumabas ang mapuputi at magagandang ngipin ni Borj.. At juscolored!!!.. Hindi alam ni Roni kung ano ang nararamdaman sa sandaling iyon. Napakalinis nang muli nang mukha ni Borj. Wala na ang balbas at bigote nitong nagtatago ng angking kaguwapuhan. Maaliwalas ang mukha ni Borj. Mukhang masaya.

" Sure.. Sure.. ! "--halos mabulol na tugon naman ni Roni. At ibinigay na nga niya ang bata kay Borj. Dahil sa paglalapit ng katawan nila, amoy na amoy niya ang binata. Napakabango!!! Kung nakakagigil si Baby, mas nakakagigil si Borj..
Nanatiling nasa tabihan lang niya si Borj.
Inihele-hele lang nito si Baby at tumigil na nga ito sa pag-iyak. Napangiti si Roni.

" Naks, mukhang sanay na sanay mag-alaga ng bata"--kunwa'y biro niya.

Teknik ba para magkausap sila. May masabi lang... Para-paraan lang ika nga!!!

Nakita niyang ngumiti si Borj. Magsasalita pa sana ito nang bigla namang dumating si Trisha.

"Hello Baby Trixie, naku.. Halika muna dito baby, mukhang mag-uusap pa sina Ninong at Ninang.Baka nakakaabala ka eh" halatang may bahid ng panunudyo ang tinig na 'yun ni Trisha.

"Borj, Roni, maiwan ko muna kayo ha,  papalitan ko lang ng damit si Baby"--ngumiti si Trisha nang makahulugan bago tuluyang tumalikod.

And this is it... This is the moment.. Ang hinihintay ni Roni. Ang muling makausap at makasama si Borj...

Narito na sa harapan niya ang binatang kay tagal na niyang hinihintay na muling makasama at makausap. Dapat  pa ba niyang sayangin ang magandang pagkakataon na ibinigay ni Lord sa kanya ngayon?

♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️
Don't forget to hit the ⭐ as your support and feel free to give your comments/suggestions..

Proud StefCam fan here💕

@SpunkySpirit

♥️I Love You, Again♥️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon