Chapter 24

356 28 0
                                    

"Roniiiiii!!!"--malakas na tili ni Eunice.Ang isa  sa pinakamalapit na katrabaho niya.Halatang masayang masaya ito at kung di siya nagkakamali, bakas ang labis na pananabik sa mukha nito.Maluwang ang ngiti nito habang papalapit sa table niya.

Napakunot noo naman siya sa labis na pagtataka.

"Oh...anyare sayo?Tinamaan mo na ba 'yung mga alaga mong numero sa lotto?"--tanong niya habang natatawa.

"OMG Sis Roni!May gwapong lalaki na naghihintay sayo dun sa labas.Hinahanap ka"--muli pa ay tili nito kaya hindi na naikaila sa iba pa nilang kasama sa trabaho.

"Huh!!!"--tila nagulat naman siya.Wala naman siyang inexpect na bisita lalo na kapag nasa trabaho siya.

"Uy si Roni, mukhang magkakalovelife"--kantiyaw naman ng iba pa niyang kasama.

"Teka nga!!!Sigurado ka ba ako ang hinahanap?"--muli niyang paglilinaw sa kaibigan.

"Oo nga sis.Puntahan mo kaya muna sa labas tutal malapit na namang mag-uwian.Baka yayayain ka sa isang romantic  date?"--halatang kinikilig pa rin ang kaibigan niya.

Saglit siyang napaisip.Wala naman talaga siyang inaasahang darating na bisita.At mas lalong wala din naman siyang kausap o katagpo para sa isang date na matagal na niyang hindi ginagawa.

"Actually sis..Parang nakita ko na siya dati na naghahatid at sumusundo sayo.Hindi ko lang matandaan ang name.Pero sure ako sis!Gwapo"--muli ay sumilay na naman ang ngiti sa labi ng kalog na kaibigan.

Noon lang natauhan si Roni.Kilala ng kaibigan si Basty.Kilala din nito ang kuya Yuan niya. Pero Si Borj...Minsan ding naghatid at sumundo sa kanya noon.Si Borj nga kaya ang tinutukoy ng kaibigan.

Tila umakyat agad ang kuryosidad sa utak niya.Parang nanabik agad ang puso niya na masilayan ang lalaki sa labas kung totoong si Borj nga ang naroroon..Pero bakit???Haiiistt..Imposible...

Tumindig nga siya para lumabas.Tapos na rin naman ang trabaho niya at nagliligpit na nga lang ng mga gamit. Tahimik at palihim siyang lumabas upang tingnan nga sa labas si Borj.

Nakakailang hakbang pa lang siya ay natanaw na nga agad niya ang gwapong binata.Nakasandal ito sa kotseng pula habang nakapamulsa.Agad itong ngumiti at lumapit sa kanya nang makita siya.

"Hi Roni"--kaswal ang tinig ng binata.Subalit halatang hindi nito inalis ang pagkakatitig sa mukha ng dalaga.

"A-anong ginagawa mo dito!?"--hindi maintindihan ni Roni kung bakit bigla na lamang nagkandabulol ang dila niya sa pagsasalita ng muling makaharap ang dating nobyo.

"Kasi Roni, naisip ko lang.Hindi kasi tayo masyadong nakapag-usap 'nung reunion party.So, naisip ko lang.Baka naman pwedeng bumawi sayo,tonight"--halatang may alinlangan din si Borj sa pagyaya.Tila pinipilit lang din nitong pakalmahin ang sarili.

"Naku, may trabaho pa kasi akong dapat tapusin eh.Balak ko nga sanang mag overtime"--hindi alam ni Roni kung bakit niya nasabi 'yun.Bakit niya nagawang magsinungaling.Ang totoo tapos na ang trabaho niya at wala din naman nga siyang gagawin ngayong gabi.Natatakot ba siyang muling makasama si Borj?

"Hihintayin kita!"--maikling tugon lang ng binata habang nakatitig pa rin sa mukha ni Roni.

Nakaramdam ng pagkaasiwa si Roni.Hindi na naman siya komportable sa mga tingin at titig ni Borj.Pakiramdam niya, may nabubuhay na sigla sa puso niya sa tuwing magtatagpo ang mga mata nila ng binata.

"Ahm....S-sorry ha..H-hindi ko kasi alam kung anong oras matatapos 'yung trabaho ko baka mainip ka lang sa paghihintay sakin!"--muli ay pagsisinungaling na naman niya.

"Hihintayin pa rin kita Roni"--nakangiti pa ring wika ni Borj.Halatang hindi natinag ang binata sa kasinungalingang hinabi niya.

Napahugot siya ng malalim na bunting-hininga.Saka muling sinulyapan ang dating nobyo.

♥️I Love You, Again♥️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon