Uwian na naman ng hapong iyon at tunay na napagod si Roni dahil sa dami ng trabahong kailangang tapusin sa buong araw na iyon. Nakasandal pa siya sa sariling swivel chair at nagpapahinga. Saglit niyang ipinikit ang mga mata para makapagrelax muna kahit sandali.
Iniisip na naman niya ang pag-uwi. Tiyak na hindi na naman makakasundo si Basty. Muli na naman niyang naalala si Borj. Hindi niya alam kung bakit dati rati ay naiinis siya sa ex-niyang iyon, pero bakit ngayon, palagi na itong sumisiksik sa diwa niya at hindi na mawala-wala sa sistema ng buong pagkatao niya. Noon niya namalayan na gumuhit na pala ang isang ngiti sa kanyang labi habang iniisip si Borj.
"Roniiiiii" --tili ng isang babae na pinakamalapit na katrabaho niya. Ito ang pinaka-close niya sa lahat ng katrabaho at sanay na siya sa ingay at pagiging kikay nito.
Agad napabalikwas si Roni mula sa pagkakaupo at gulat na gulat na hinarap ang tumitiling kaibigan.Napuno siya ng pagtataka kung ano ang nangyari dito.
"Bakit Eunice,anong problema?Anong nangyari sayo,ha!?--punong-puno ng pag-aalalang tanong niya sa kaibigan.
Lumuwang ang ngiti ng babae at saka nagsalita.
" Girl, magtapat ka nga!?"--bungad nito.
" Sino?"--bitin pa nitong muli sa gustong sabihin ..
"S-sino???" --takang tanong ni Roni.
"Ang alin ba Eunice? Diretsahin mo nga ako?" --halos napipikon ng wika niya.
Natawa si Eunice at saka muling humarap sa kaibigan.
"Sino ba 'yung gwapong lalaki sa labas. Hinihintay ka eh" --tanong nito na halatang nanunudyo ang tinig.
"Lalaki.. Gwapo?" --ulit pa niya.
"Oo nga.. Tinatanong ka nga niya sakin kung nandito ka pa daw. Sabi ko, oo may ginagawa ka pa. Hindi si Basty 'yun" --tuloy-tuloy na salaysay ng kaibigan.
Natahimik si Roni. Sino pa ba naman ang nag-eeffort magsundo at maghatid sa kanya sa trabaho maliban kay Basty... Si Borj lang naman.
Imposible naman na ang kanyang Kuya Yuan dahil kilala naman ni Eunice ang kapatid niya.
Kung hindi si Basty ang nasa labas. Malamang na si Borj na naman ang matiyagang naghihintay sa kanya.
Ang tanong.. hanggang kailan susundo at maghahatid si Borj. Hanggang maysakit si Basty. Paano kapag magaling na ang nobyo. Ibig bang sabihin, hindi na sila muling magkakasama pa ni Borj.Hindi niya alam kung bakit hinaplos ng lungkot ang puso niya sa isipin 'yun.
Muli ay mariin siyang napapikit. Unfair kay Basty ang ginagawa niya. Hindi ito tama. Dapat ay simulan na niyang iwasan muli si Borj.
Mabilis na niyang inayos ang mesa at nagpasya nang lumabas. Nakita niya si Borj na matiyagang naghihintay at nakasandal sa kotse. Ngumiti agad ito nang makita siya.
Nag-alinlangan si Roni kung dapat pa ba niyang lapitan o iwasan na lang si Borj. Pero tila napako ang mga paa niya sa lugar na kanyang kinatatayuan. Hindi siya agad makakilos dahil ang totoo hindi niya alam kung saan ba siya dapat pumunta? Lalapit ba siya , o magsisimula na ba siyang umiwas na?
"Hi.." --nakangiting bati ni Borj at mabilis na lumapit sa kanya.
"Hi" --naiilang na sagot niya. Paano ba naman siya makakatanggi sa lalaking ito, ngiti pa lang, parang ginagayuma na siya.
Muli ay wala na siyang nagawa kundi sumakay na ng kotse. Habang binabagtas nila ang daan pauwi ng bahay, wala sa kanila ang nagtangkang magsalita. Nakabibingi Na muli ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa at gaya ng dati wala silang napag-usapan...
♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️Don't forget to hit the ⭐ as your support and feel free to give your comments/suggestions..
Proud StefCam fan here💕
@SpunkySpirit
BINABASA MO ANG
♥️I Love You, Again♥️
FanfictionSi Borj ang ex ni Roni... Therefore, si Roni ang ex ni Borj... Pero, paano nga ba magiging ex ni Borj si Roni kung umaasa ang binata na siya pa rin ang mahal ng dalaga?At paano na nga ba silang dalawa kung may isang "Basty" sa eksena. Hello mga ka S...