"Oh, girl,kumusta naman kagabi?!"--malisyosong tanong ni Eunice nang magkita sila sa opisina kinabukasan.
"Hay naku Eunice, nakakawala ng mood"--naiiling na sagot naman niya.
"Alam mo 'yung pakiramdam na...hindi ka pinili..Hindi ka na nga pinili, nireject ka pa"--nakasimangot na wika niyang muli sa kaibigan.
Biglang natawa si Eunice sa reaction niya.Lalo tuloy nagsalubong ang mga kilay ni Roni.
"Wala bang nakakakilig na naganap kagabi.Share mo naman samin sis"--natatawang biro na naman ni Eunice.
Saglit na natigilan si Roni.Inisip niya, ano nga ba ang pwede niyang ikuwento sa kaibigan?Meron ba?
Pwede ba niyang ikuwento na nanghalik siya ng gwapong binata kagabi tapos niyaya pa niya sa kung saan.Tapos ikukuwento din ba niya na nagcheck -in sila sa isang mamahaling hotel para lang makipagtitigan dahil ang totoo, hindi umubra ang beauty niya kay Borj nang dahil sa Trisha na 'yun.
Umiling si Roni.Hindi niya pwedeng ikuwento ang mga pangyayaring iyon.Nakakahiya.Tiyak pagtatawanan siya ng mga katrabaho niya dahil iisipin ng mga ito na ang cheap girl naman pala niya.
Iba pa rin magkwento kay Jelai.Mas panatag siyang mag-share dito.Ok din naman si Eunice kaya lang...
Ah basta..huwag na lang!!!!"Back to work na lang sis!Wala akong ikukuwento"--iyon na lang ang tanging nawika niya sa napakakulit na kaibigan....
"Wala man lang bang nangyari kagabi?"maya-maya'y urirat muli ni Eunice.
Tiningnan lang niya ito nang masama para tantanan na siya.
At dahil halatang napipikon na siya muli na ngang bumalik sa upuan ang napakakulit na kaibigan.
Kahit nakapokus ang isip niya sa trabaho,Hindi niya maiwasan ang pagsagi ng kakaibang lungkot.Minsan pa ay bigla na lang mangingilid ang luha niya sa tuwing iisipin niya na nakatanggap siya ng rejection mula kay Borj. At sobrang nakakahiya ang mga ginawa niya.
Hindi niya matanggap ang sakit ng pagkawala sa kanya ng binata.Kung tutuusin kasalanan naman niya talaga kung bakit nawala si Borj sa buhay niya.Pero masisisi ba niya ang sarili eh ang bata pa naman niya noong pumasok siya sa relasyon.
Mas ngayon niya natutunan ang lahat.Mas ngayon din niya nararamdaman ang lahat ng sakit at panghihinayang na dulot ng maling desisyon niya noon. Pero awat na...Tama na...Time-out na sa pag-iisip kay Borj.Aminado siya na wasak ang puso niya at kailangan na niyang buuin muli upang maghilom.
OMG ano na lang kaya ang mukhang ihaharap niya sa binata kapag nagkita silang muli.At paano pa kung mabanggit nito sa kuya niya ang isang gabing nahibang siya.Wala na siyang ipinagdadasal ngayon kundi huwag na muna sanang magkrus ang landas nilang mag-ex.
Hapon na...Iniunat niya ang katawan.Ramdam na niya ang matinding pagod sa trabaho.Maya-maya ay narinig niyang nagring ang kanyang telepono.Nanlalata niyang sinagot ang tumatawag.Pero nagulat siya at nanlaki ang mga mata.
Borj ang nakita niyang nag-aapear sa screen ng cellpone niya.
Omg!!!Tarantang sigaw ng utak niya.
"Anong gagawin ko?Sasagutin ko ba?"sunod sunod na tanong ng naguguluhang kukote niya.
Roni..Relax...Breath-in..Breath out!!!
Pagpapakalma niya sa sarili.At kasunod noon ay mabilis na niyang dinampot ang cellphone na may halong pananabik.Gusto na niyang malaman kung ano ang agenda ni Borj at ano ang masidhing dahilan ng binata para tawagan siya."H-helloo!"--nauutal at napapikit pang wika ni Roni nang sagutin ang telepono.
"Hello Roni, si Kuya Yuan mo ito.Nakigamit lang ako ng phone dito kay Borj!"
BINABASA MO ANG
♥️I Love You, Again♥️
FanficSi Borj ang ex ni Roni... Therefore, si Roni ang ex ni Borj... Pero, paano nga ba magiging ex ni Borj si Roni kung umaasa ang binata na siya pa rin ang mahal ng dalaga?At paano na nga ba silang dalawa kung may isang "Basty" sa eksena. Hello mga ka S...