"Cheers, let's enjoy the night.. Drink pa more!!!" --malakas na tinig ni Roni habang nakataas ang baso sa ere at humihingi ng cheers sa mga kaibigan.
Makahulugang nagkatinginan ang magkakaibigan. Tipsy na si Roni at nakapila na ang ilang bote ng alak na nainom niya.
Lahat at naninibago kay Roni. Alam nilang umiinom ang dalaga subalit hindi ganun ka hard. Walang salitang nakipag cheers naman ang mga kaibigan kahit palihim ang mga itong nagpapalitan ng makahulugang tingin.
"Roni, nakakadami ka na. Tama na 'yan" --maya-maya ay mahina at kalmadong awat ng kuya Yuan niya.
Namumungay ang mga matang sumulyap si Roni sa kapatid. Nahagip naman ng kanyang mga mata si Borj na palabas ng area na 'yun at may kausap sa cellphone nito.
Bigla ang naramdaman niyang pagkainis sa binata.
"At S-sino ang kausap ng lalaking 'yun sa phone"--naiinis na bulong ng mapanghusgang utak niya.
Hindi siya tumugon sa kapatid dahil si Borj ang nakaagaw ng atensyon niya at sa kanya na rin napokus ang diwa niya.
Naramdaman niyang inililigpit na ng kapatid ang mga bote at inaawat na siya sa pag-inom.
"Kuya,anong ginagawa mo?" --naiinis na wika niya sa kapatid.
"Don't you see, i'll just enjoy the night" -halos magkabuhol-buhol ang dila niya sa pag-iingles dahil sa kalasingan.
"Roni, enough. Madami ka ng nainom. Lasing ka na." --mahinahong wika pa rin ng kapatid.
Napakagat labi na lang si Roni sa labis na inis. Nabitin siya sa pag-inom. Aminado naman kasi siya na gusto niyang magpakalasing sa gabing 'yun at lunurin ang sarili sa alak para hindi niya maalalang muling aalis at iiwan siya ni Borj. Ni hindi na niya naisip na wala naman siyang karapatan para gawin 'yun. Dahil wala na naman siyang karapatan sa puso ni Borj.
"Ok.. Kung ayaw ninyong uminom.. Tara ligo tayo" --maya-maya ay anyaya niya sa mga kaibigan at nagpumilit tumayo.
"Roni, matulog ka na" --narinig niyang muling awat ng kapatid. Sa pagkakataong 'yun ay mariin na ang pagbigkas ng kuya niya sa sinasabi nito. Nangangahulugan na naiirita na ito sa kabruhahan niya.
"Bakit kuya, di ba nandito tayo para maligo, at mag bonding. Oh.. Lets go Jelai.. Tara masarap maligo sa pool ngayon"--muli ay anyaya naman niya sa bestfriend nito. Halata ang labis na pamumula ni Roni. Lasing na talaga ang dalaga.
" Roni, magpahinga ka na muna. Tama si Yuan, madami ka ng nainom. Pwede namang bukas na tayo maligo"--wika naman ni Jelai.
" Bakit ba ayaw ninyo akong samahan. Gusto ko lang naman mag-enjoy"--nangingiti subalit namumuo na ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.
" Ok kung ayaw ni Kuya at Jelai, ikaw Tonzy, samahan mo ako please"--nagmamakaawang tinig ni Roni sa isa ring gwapo at napakabait na binata.
Ngumiti si Tonzy sa dalaga subalit may pag-aalinlangan ang ngiting 'yun.
" So ayaw mo din"-tila iritang tanong ni Roni dito.
" You know what Roni. They were right. It's better for you to take a rest muna. Bukas sasamahan kita. Promise"--sagot ni Tonzy sa kanya.
Umirap lang si Roni sa binata. Maya-maya ay si Junjun ang binalingan nito ng tingin. Hindi pa nakakapagsalita si Roni subalit mariing pagtutol na agad ang narinig niya kay Junjun.
"Sorry, hindi kita masasamahan Roni." --wika agad nito.
Lumingon siya kay Missy. Mas lalong walang pag-asa na sasamahan siya nito dahil tiyak na ikagagalit ng Kuya Yuan niya.
BINABASA MO ANG
♥️I Love You, Again♥️
FanficSi Borj ang ex ni Roni... Therefore, si Roni ang ex ni Borj... Pero, paano nga ba magiging ex ni Borj si Roni kung umaasa ang binata na siya pa rin ang mahal ng dalaga?At paano na nga ba silang dalawa kung may isang "Basty" sa eksena. Hello mga ka S...