Lubos na pinagsisihan ni Roni ang kanyang nagawa kay Borj.Dahil simula ng nangyari iyon, hindi na muling nagpakita pa sa kanya ang binata.Lumipas ang ilang araw, ilang Linggo, at maraming buwan.Kahit pa may gimik ang barkada, hindi sumisipot si Borj. Ikinalungkot niya ang nagyari.Pero sa isang banda, kailangan pa rin niyang ipagpatuloy ang buhay niya.Kahit mag-isa pa rin.Kahit walang Borj sa buhay niya. Ang tagal na naman niyang nabubuhay nang walang lovelife, maninibago pa ba siya???
Napabuntong-hininga si Roni at mariing napapikit.Si Borj na naman kasi ang tumatakbo sa isipan niya. Nagulantang siya nang marinig ang kalampag sa gilid ng pampasaherong dyip na sinasakyan niya.
"Bayan!Bayan!"narinig niyang sigaw ng barker na nagtatawag ng iba pang pasahero.
Noon lamang natauhan si Roni. Oras na para bumaba ng sasakyan.Araw ng Linggo kaya naisip niyang mamasyal upang kahit paano ay aliwin ang sarili. Galing na siyang simbahan at ngayon ay nag-iisip siya kung saan nga ba siya pwedeng pumunta?Bahala na lang kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa.
Naramdaman ni Roni na kumakalam na ang kanyang sikmura. Tumingin siya sa relong pambisig. Oras na pala ng pananghalian. Sa wakas ay naisipan na rin niyang pumasok sa isang fast food chain para kumain.Matapos niyang sabihin ang order ay naupo na siya sa isang mesa di kalayuan sa may counter. Luminga-linga siya sa paligid habang naghihintay ng inorder na pagkain.Nagbakasali na rin siya na may makikitang kakilala. Mangilan-ngilan lang ang taong kumakain kaya natitiyak niyang wala siyang kakilala sa loob ng fastfood.
Maya-maya ay may dumaang babae sa gilid ni Roni. Nakakailang hakbang pa lang ang babae mula sa kinaroroonan niya nang mapansin niyang nalaglag ang ilang malalaking paper bag na bitbit ng babae.Naagaw ang atensyon ni Roni.Napansin niyang nahihirapang yumukod ang babae kaya mabilis siyang lumapit dito upang tulungang damputin ang mga nanlaglag na gamit nito.
Nakangiting iaabot na ni Roni ang mga gamit na dinampot niya hanggang sa unti-unting napalitan ang anyo niya ng larawan ng pagkagulat.
Nawala ang ngiti na kanina ay nasa kanyang labi.Subalit, ang babaeng kaharap niya ngayon na may malaking tiyan ay maaliwalas ang mukha na nakangiti sa kanya kahit bakas sa mukha nito ang bahagya ring pagkagulat sa muli nilang pagkikita.
"Roni" nakangiti pang wika ng babaeng buntis.
Wala agad siyang mahagilap na sasabihin sa babae sa sandaling iyon.Naumid na naman ang kanyang dila.
"Matagal na kitang gustong kausapin, Can we talk now?May kasama ka ba?"--sunod-sunod na tanong pa ng babae.
Nag-alinlangan si Roni.Para saan naman ba ang pag-uusapan nila. Kung mahalaga talaga ang sasabihin nito, bakit hindi nito sinadyang makipagkita sa kanya.Natitiyak niyang alam naman nito kung saan siya hahanapin.
Kahit napipilitan, ay tumango-tango na lang si Roni at pinilit na lang ngumiti.
"S-sure!!!Sure Trisha"--ngumiti siya kahit napipilitan.
Naupo nga sila sa pwestong napiling upuan ni Roni.
Hindi niya akalain na sa oras na iyon makakatagpo pa siya ng kakilala, at si Trisha pa.Ang babaeng binuntis lang naman ng ex-boyfriend niya.At ngayon, sinampal siya ng katotohanan dahil hindi na maiitatwa ang lumaki nitong tiyan bilang bunga ng matamis na pagmamahalan nila ni Borj.Surot na surot sa kanya ang katotohanan at nakakaramdam siya ng sakit ng kalooban subalit hindi siya nagpahalata sa babaeng kaharap.Pinilit niyang magpakatao sa sandaling iyon dahil edukada naman siya at hindi rin niya naging ugali na maging bastos.
Wala pa sila sa mainit na paksa ng isang crew ang lumapit sa kanila upang i-serve ang pagkaing inorder ni Roni.
"Thank you!"--matipid na wika niya sa crew.
BINABASA MO ANG
♥️I Love You, Again♥️
FanfictionSi Borj ang ex ni Roni... Therefore, si Roni ang ex ni Borj... Pero, paano nga ba magiging ex ni Borj si Roni kung umaasa ang binata na siya pa rin ang mahal ng dalaga?At paano na nga ba silang dalawa kung may isang "Basty" sa eksena. Hello mga ka S...