Chapter 5

425 32 0
                                    

Makalipas ang ilang oras ay nakauwi na rin sila ng bahay. Sa wakas ay hindi na nagtangka pa si Borj na lumapit sa kanya dahil hindi niya talaga alam ang gagawin o sasabihin dito kung sakaling mag-usap sila. Hindi kasi niya napaghandaan ang bagay na 'yun. Malay ba naman niya na babalik pa pala si Borj sa Pilipinas.
Pasalampak siyang napaupo sa kama pagpasok pa lamang ng kanyang kuwarto. Kanina pa siyang nag-iisip. Si Borj na lang palagi ang pinoproblema niya. Pakiramdam niya, nai-stress na siya sa presensiya ng lalaki.

Nasa malalim pa rin siyang pag-iisip nang magulantang siya nang mag ring ang telepono sa kanyang kuwarto.

"Hello" -sagot agad niya.

"Hi Hon.. Check ko lang kung nakauwi ka na ba?" --sagot ni Basty sa kabilang linya.

"Hi.. Ahm.. Oo Basty, nandito na ako sa bahay. Actually, kadarating ko lang"--sagot naman niya sa nobyo.

" Good to hear. Sige pahinga ka na Hon.. Goodnight and i love you"--malambing pang paalam nito.

" Goodnight Basty.. I love you, too" --sagot naman din niya at ibinaba na ang telepono.

Saglit siyang napaisip pagkababa ng telepono. May nararamdaman siyang pagka-guilty para kay Basty.

Sobrang napakabait ni Basty. Hindi nito deserve ang maloko o di kaya ay mapagtaguan ng sekreto. Nag-isip tuloy siya kung dapat ba niyang sabihin dito ang tungkol kay Borj.

Pero natatakot naman siya?Paano kung magalit si Basty? Paano kung maging masama ang tingin nito sa kanya. Paano kung hindi nito matanggap ang tungkol sa naging ugnayan nila ni Borj noon?

Napabuntong-hininga siya habang nag-iisip. Bakit nga ba natatakot siyang mawala o magalit si Basty? Ibig bang sabihin, pinapahalagahan din talaga niya si Basty at ayaw din niya na masasaktan ito. So, nangangahulugan lang na mahal niya talaga ang nobyo. Pero paano naman si Borj???
Tanong naman agad ng isipan niya. Halos masabunutan na niya ang sarili dahil sa sobrang pagkalito. Sino nga ba ang mas matimbang ngayon sa puso niya..

Si Borj pa rin ba??? O si Basty na...???

Napasubsob siya sa may unan dahil gusto na kang niyang magwala at sumigaw nang muling mag-ring nag telepono.

May nalimutan na naman sigurong sabihin si Basty kaya muling napatawag. Muli ay agad niyang hinagip ang telepono at walang sigla na sinagot ang tawag na 'yun.

"Basty" --wika agad niya.

"Roni.. Si Borj 'to." --kaswal na wika ng lalaki sa kabilang linya.

Agad siyang napapitlag mula sa kama at mabilis na napatayo habang dumagundong ang malalakas na tambol sa kanyang dibdib.

Hindi niya alam kung dapat ba siyang magsalita o ibaba na kang ang telepono.

"Roni, hindi ako manggugulo.. Ang gusto ko lang mag-usap tayo please" --kaswal pa rin ang tinig ni Borj. Ewan ba niya kung bakit ganun na lang ang pagkataranta niya ng marinig ang malambing na boses na 'yun ng lalaki.

Napabuntong-hininga siya habang pilit na kinakalma ang sarili.

"B-Borj, sorry ha.. Magpapahinga na kasi ako. Sa ibang araw ka na lang ulit tumawag pwede" --gustong-gusto na sana niyang ibagsak ang telepono. Pero ang kalooban naman niya ay naghihintay ng tugon mula sa binata. Gusto niyang marinig ang sasabihin ng lalaki kaya nagpigil muna siya na pansamantala ay huwag munang ibaba ang telepono.

"Mag-usap muna tayo please" --maikli subalit napakarelaks ng boses na 'yun ni Borj. At para sa pandinig naman ni Roni, ang tinig na 'yun ay unti-unting nagpapabuhay ng kanyang dugo. Parang nawawala ang kanyang maghapong pagod at stress.

"Roni, tumawag ako, kasi gusto kong malaman kung ano pa ba ang lagay ko sayo?" --wika ni Borj

Napanganga ang dalaga. Ang lagay pala ay talagang umaasa pa rin si Borj na sila pa ring dalawa sa kabila man ng lumipas na maraming taon na walang silang komunikasyon.

"Borj, okey ka lang ba.. Alam mo naman na may boyfriend na ako, at si Basty 'yun" --bahagyang napataas ang tinig niya dahil sa nararamdamang pagkairita.

"Mahal mo ba siya?" --direktang tanong nito.

Napakunot-noo si Roni. Unti-unti nang nagagatungan ang kanina ay bahagyang pagkairita lamang, ngayon ay damang-dama na niya pag-iinit ng kanyang ulo dahil sa mga tanong na iyon ng lalaki.

"Siyempre naman!" --mataray na sagot niya.

"Hindi ako naniniwala" --kaswal muling saad ni Borj sa kabilang linya.

"Anong hindi? At bakit?" --halatang irita ang tinig na 'yun ni Roni.

"Alam kong gusto mo pa rin ako Roni" --buong tiwalang saad ni Borj .

Talagang na alta-presyon na yata ang dalaga ng marinig ang sinabing 'yun ni Borj. Hindi na niya napigilan ang sarili at kung ano-ano na yata ang lumabas sa kanyang bibig para sabihin kay Borj.

"Excuse me, paano mo naman nasabi na may gusto pa ako sayo. Ang lakas din naman ng loob mo. Biruin mo, ang tagal-tagal ng panahon, umaasa ka pa rin pala hanggang ngayon na tayo pa rin. Excuse me, Mr. Borj Jimenez, may Basty na ako ngayon at sorry ka na lang"--mahabang litanya niya. Huli na para malaman niya na tahimik na pala sa kabilang linya at kanina pa siyang walang kausap.

Nanggigigil niyang ibinagsak ang telepono at naiinis na muling sumalmpak sa malambot na kama.

Inis na inis siya sa dating nobyo. Feeling pogi talaga si ex para sabihing may gusto pa siya dito.

Pilit niyang kinakalma ang sarili.Mamaya na lang siya matutulog. Ayaw niyang matulog ng masama ang loob dahil baka bangungutin pa siya. Nakahiga at nakatulala pa rin siya sa may kama ng marinig niyang tumunog ang personal na cellphone niya. Dinukot niya iyon sa kinalalagyang pouch at tiningnan ang mensahe.

Ganun na lang muli ang kanyang pagkagulat nang mabuksan at malaman kung kanino galing ang mensahe.

"Goodnight Roni..See you in my dreams...♥️♥️♥️

Borj

Hindi malaman ni Roni ang dapat maramdaman matapos mabasa ang mensahe.
Hindi niya alam kung dapat ba niyang burahin ang message na 'yun. Iniisip din niya kung isi-save ba niya sa phonebook ang number ng dating nobyo.

Naiiling na lamang siyang ibinalik ang cellphone sa lalagyan nito at nagpasyang muling mahiga. Hindi na niya sinagot ang text message ni Borj. Dapat lang naman na dead-mahin na niya ang lalaking ito.

Sa wakas ay tuluyan na ring dinalaw ng antok si Roni.. Ilang sandali pa ay nakatulog na rin siya.

♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️

Don't forget to hit the ⭐ as your support and feel free to give your comments/suggestions..

Proud StefCam fan here💕

@SpunkySpirit

♥️I Love You, Again♥️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon