Nakailang sunod- sunod na tugtog din bago naglakas loob si Roni na bumalik na sa upuan.Medyo nangangawit na rin kasi ang mga binti niya sanhi ng matagal na pagkakatayo. Napakataas at napakanipis pa mandin ng suot niyang heels kaya siguradong kapag natisod siya may paglalagyan ang kanyang mga paa.
Bumalik siya sa mesang kinaroroonan ng barkada.Nagulat siya dahil hindi pa rin binibitiwan ni Borj ang kamay niya hangga't hindi sila nakakarating sa mesa. Tanging si Tonzy pa rin lang ang nasa mesa.Mukhang walang balak makipagsayaw ang binata at mukhang wala ring balak ienjoy ang gabi. Samantalang nahagip ng kanyang mga mata na nasa dancefloor pa rin sina Missy at Yuan, Junjun at Jelai.Mukhang balak naman yata ng magkakapareha na magbabad sa dancefloor.Kakaupo lang niya sa silyang ini-offer ni Borj ng biglang nagulat siya sa isa pang may-ari ng tinig na nasa may kanyang gilid at nakangiting nakalahad ang kamay sa harapan niya.
"Roni, now, may i have distance?"--mahinahong tanong ng isa ring gwapong lalaki.
Hindi malaman ni Roni kung ano ang magiging reaksiyon sa sandaling napagsino ang kaharap.
"Ha?!"--Hindi niya alam kung paano mangangatwiran sa binata.Ang dahilan kung bakit niyaya niya si Borj na maupo na dahil nangangawit na talaga ang paa niya.
"B-Basty kasi--ano eh!"--'yun lang ang tanging naibulalas niya.Hindi kasi niya alam kung paano ba siya tatanggi sa dati ring nobyo, ganung kaharap din nito si Borj na dating nobyo din naman niya at sinamahan niya sa pagsayaw.
"Pare!Kanina pang sumasayaw si Roni eh.Kailangan niya munang magpahinga"--sagot ni Borj na noon ay nasa kanyang piling pa rin pala na hindi na niya namalayan.
Nagulantang si Roni sa mga pangyayari.Hindi niya alam kung bakit may bigla na lang siyang naramdamang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki.
Mabilis siyang tumayo upang pumagitna.Hindi pwedeng magkaroon ng gulo dahil lang sa kanya.
"Ahm..Ok Basty, sige tara sayaw tayo"--pinilit niyang magpakakaswal sa harap ng binata. At mabilis ng hinila sa kamay ang dati ring nobyo.
Ngumiti naman si Basty at maginoo siya nitong inalalayan patungo sa dance floor at maya-maya nga ay magkalapit na rin ang katawan nila habang nag-uusap.
Tinapunan niya ng tingin sa may mesa si Borj.Tama ba ang nakikita niya?Halatang madilim ang mukha nito at hindi kayang ipinta. Nakatiim-bagang pa ang gwapong damuho.Tama ba talaga ang nakikita o nararamdaman niya?Nagseselos nga kaya si Borj o asumera lang talaga siya.
Napaisip si Roni.Bakit ganun ang reaksiyon ni Borj.Nagseselos ba ito?
Halos ngumiti ang puso ni Roni sa isiping 'yun..So dapat na ba niyang aminin na may spark pa rin sa kanya si Borj makalipas ang ilang taon.
"Roni!"--tila nagising naman ang imahinasyon niya nang muling marinig ang tinig ni Basty.
"Ha..B-bakit Basty"--halata ang kanyang pagkagulat.
Ngumiti si Basty. Lumitaw ang magagandang ngipin nito. Bagaman gwapo ang binata sa tingin niya,pero may kulang..Aminado siya na hindi ganun kalakas ang hatak ni Basty, di-tulad ni Borj na talagang nahahatak ang buong pagkatao niya kahit sa isang simpleng ngiti pa lang.
Napaangat ang kilay niya.Hallerrr Roni.Ilang taon na ang nakakalipas 'no.Tama bang ikumpara mo si Basty kay Borj eh wala na naman kayo??angal na naman ng makulit na utak niya.
"Anong feeling na nakita mo ako ulit?!"--masayang tanong ni Basty.
"Happy!"--at sinundan niya iyon ng tawa.Ang hindi kasi alam ng nakakarami.Noong nag break silang dalawa, naging magkaibigan pa rin sila. Lagi pa ring tumatawag si Basty, as a friend na nga lang...Hanggang doon na lang talaga ang relasyon nila at masaya si Roni dahil tinutupad naman ni Basty ang napag-usapan nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/315166374-288-k954969.jpg)
BINABASA MO ANG
♥️I Love You, Again♥️
FanfictionSi Borj ang ex ni Roni... Therefore, si Roni ang ex ni Borj... Pero, paano nga ba magiging ex ni Borj si Roni kung umaasa ang binata na siya pa rin ang mahal ng dalaga?At paano na nga ba silang dalawa kung may isang "Basty" sa eksena. Hello mga ka S...