Chapter 13

364 24 0
                                    

"Guys, huwag naman nating husgahan si Roni. Hayaan naman natin siyang magpaliwanag" --wika ni Jelai na agad lumapit sa kaibigan at bahagyang inilayo pa ito sa dalawang lalaki .Si Borj ay bantay sarado kay Yuan. Si Tonsy at Junjun naman ay si Basty ang binakuran.

Nanatiling tahimik ang lahat habang naghihintay magsalita si Roni. Maya-maya ay binasag ni Basty ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nang magkakaibigan. Subalit nanatiling mahina at kalmado ang tinig nito kahit bakas sa mukha  ang hindi maitatagong pagtataka at marahil ay galit.

"Totoo ba, Roni? Pinagsabay mo ba kami ni Borj?" --nakatungong tanong ni Basty bagamat nakatiim-bagang ito .

" Sandali, Borj, Basty. H-hindi ganun. Hindi kayo pinagsabay ng kapatid ko"--seryosong singit  ni Yuan sa usapan.

Halos maiyak  na si Roni sa pabigat na pabigat na eksenang nagaganap. Pero wala sila sa play. Wala sila sa harap ng umiikot na kamera at hindi sila mga artista na gumaganap lang sa isang klasik na pelikula. Ang lahat ay totoo at nangyayari sa buhay ni Roni.

"Si Borj.. Ang unang boyfriend ni Roni. Kaya lang, umalis si Borj para mag college sa Amerika. Siyempre, naiwan si Roni dito sa Pinas. Masyadong bata pa si Roni para sa isang relasyon. Hindi niya sineryoso si Borj. Heto namang si Borj, umaasa na sila pang dalawa ni Roni kahit nawalan sila ng komunikasyon, kaya bumalik siya ng Pinas, at muling ayusin ang meron sila ni Roni. Kaya lang... Wala na pala siyang babalikan, dahil nandiyan ka na para sa kanya Basty! "--mahabang paliwanag ng Kuya Yuan niya.

Halos mapanganga si Roni sa mga narinig mula sa kapatid. Wala siyang kamalay-malay na alam pala nito ang tungkol sa kanila ni Borj.Marahil, totoong inamin nga ni Borj sa Kuya Yuan niya ang tungkol sa kanila noon.Samantalang siya, ay hindi man lang nagkalakas ng loob na sabihin kay Basty noon pa man ang totoo. Dahan-dahan siyang sumulyap sa dako ni Borj, nakatungo lang din ito at nanatiling tahimik sa pagkakaupo.Mukhang labis na nagsisisi sa ginawa. Mukhang nahulasan na ito ngayon dahil sa pumapagitnang tensyon .

"Kung ganun, mamili ka ngayon, Roni. Ako o si Borj? "--mariing bigkas ni Basty matapos marinig ang buong kuwento mula kay Yuan...

Mariing napapikit si Roni. Nasasaktan siya at sobrang nahihirapan para magdesisyon agad-agad sa pagitan ng dalawang binata.

" Sandali, huwag naman ngayon. Mahirap magdesisyon. Bigyan naman natin ng sapat na panahon si Roni"--narinig niyang protesta muli ng Kuya Yuan niya.

Agad na pinahid ni Roni ang kanyang mga luha at saka lakas loob na tumayo. Hindi na niya napag-isipang mabuti ang dapat sabihin. Subalit, agad siyang nagdesisyon sa oras ding iyon.

"Ok lang kuya, kung pinapipili nila ako ,sige! para matahimik na ang lahat" --naiiritang wika na ni Roni dahil tuluyan ng nasira ang buong gabi nilang magkakaibigan.

Subalit... Walang lumabas agad na salita sa bibig ni Roni. Dahil sa totoo lang, hindi niya alam kung sino nga ba ang mas matimbang sa puso niya ngayon?Si Borj pa rin ba, o si Basty na talaga.Sino nga ba ang karapat dapat na piliin niya?

"W-wala akong pipiliin sa inyong dalawa. Pareho kayong malapit sakin at sa pamilya ko. Pareho kayong mahalaga sakin. A-ayokong maging masaya sa isa habang nasasaktan naman ang isa pa. I'm sorry, Borj.. I'm sorry Basty..." --at hindi na niya napigilang muli ang maiyak.
Tiningnan niyang muli si Basty.. Nakatingin na rin sa kanya ang binata at kitang-kita niya ang mga malulungkot at nagtatanong na mga mata nito.At ang tingin na nagpoprotesta na may halong pagmamakaawa.

"Simula ngayon, wala ng magtatangkang lumapit pa sakin para makipag-usap. Wala na ring tatawag sa cellphone ko at please huwag na kayong pupunta pa sa bahay para ihatid at sunduin ako sa trabaho ko"--malungkot na paliwanag niya.

♥️I Love You, Again♥️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon