"Roni, nagagalit na 'yung Kuya mo,tara na sa loob"--kalmadong aya ni Borj sa dalaga habang nakasuksok ang mga kamay nito sa dalawang bulsa ng short.
"Uuwi na lang ako!"--sagot niya habang di man lang nag-abalang tapunan ng tingin ang kausap.
"Bakit ba!?Minsan na nga lang ako magyaya sa inyo dito sa bahay, iiwan mo pa ako"--tila makahulugang pahayag pang muli ng binata sa kalmadong tinig.
"Gusto ko nang umuwi.Hindi naman ako mag-eenjoy dito"--mataray na wika pang muli ng dalaga habang nanghahaba ang mga leeg sa pagbabantay ng sasakyan pauwi sa kanilang bahay.
" Stay with me!"--nag-uutos ang tinig na 'yun ni Borj kesa nakikiusap.
Matalim na irap lang ang ipinukol ni Roni sa dating nobyo.Ayaw niyang isipin na may ibang kahulugan ang mga sinasabi nito.
Hindi nga ba at niloloko siya ng binata.Sinabi nitong mahal pa siya ng lalaki pero bakit hindi mawala wala sa eksena si Trisha.At magkasama pa sila sa bahay, at halatang malapit na sa isa't-isa. So nasaan ang pagmamahal ni Borj?Nasa kanya nga ba o nasa babaeng iyon.Kay Trisha.
Muling umiinit ang ulo ni Roni..Nagpapatong-patong na ang stress niya. Hindi niya alam kung dapat pa ba siyang maniwala at makinig sa pambobola sa kanya ng dating kasintahan.
"Bakit ba ayaw mo dito?"
Muli pang tanong ni Borj.
Napanguso si Roni.Kailangan pa bang itanong.Mas uminit ang ulo niya.Kailangan na niyang magsalita.Hindi na niya kayang kimkimin pa ang nag-uumapaw ng poot sa kalooban niya.Humarap siya kay Borj. Matalim ang kanyang mga titig at seryosong nagsalita.
"Dahil kay Trisha!"--mariing bigkas niya.
Halatang nagulat si Borj nang banggitin niya ang pangalan ng babae.
"What about her?"-tila inosente pa nitong tanong.
Lalong nagpuyos ang kalooban ni Roni.
"Roni, n-nagseselos ka ba?"--nag-aalinlangan pang tanong muli ni Borj.
"Saan mo nakuha ang idea na nagseselos ako"--mataray namang sagot niya.
"Hindi ako nagseselos.Nagagalit ako,Borj!" Hindi na napigilan ni Roni na kumawala sa labis na sama ng loob.Gumaralgal na ang kanyang boses kasunod ang pagbagsak ng kanyang mga luha.
"Sinabi mo sakin na mahal mo pa rin ako di ba!?Pero bakit di mawala-wala sa eksena ang babaeng 'yun!"- galit na bulalas ni Roni.
Blangko si Borj.Hindi alam ang sasabihin.Maya-maya ay nakita niyang kumaway si Roni mula sa di kalayuan.Malamang ay nakakita na ito ng pwedeng masakyan pauwi.
"Roni,mag-usap tayo please!"--habol pa ni Borj.Bahagya pa itong lumapit sa dalaga upang pigilan.Subalit desidido talaga ang dalaga na makaalis sa sandaling iyon.Mabilis at walang paalam o salita itong sumakay ng isang traysikel na lumapit sa dako nila.Hindi na nga nagpaawat si Roni.
Mabilis namang sumakay si Borj sa sariling kotse upang sundan ang dalaga. Nagpupuyos din ang kalooban ng gwapong binata.
Ano nga ba ang ginagawa niya?
Bakit nga ba niya hinahayaang masaktan si Roni?
At bakit nga kaya ngayon lang din niya naisip na maaari nga palang masaktan si Roni sa ginawa niya.
Mula sa sariling sasakyan ay tinatanaw niya si Roni na lulan ng traysikel.Ni hindi lumilingon sa kanya kahit alam naman ng dalaga na sinusundan niya ito.
Ilang saglit pa ay narating na nga ni Roni ang sariling tahanan. Mabilis nang bumaba ang dalaga mula sa sinasakyang traysikel at nag-abot ng pamasahe.
Mabilis ding bumaba si Borj ng kotse at pinigilan ang dalaga na makapasok agad sa loob ng bahay.
"Roni, mag-usap muna tayo please!"-seryoso nang wika ni Borj habang pigil na nito ang dalaga sa braso nito.
"Huwag mo akong hawakan Borj!"
Awat niya sa binata.
Mabilis naman siyang binitiwan nito.."Sorry!"
"Roni,let me explain!"-muli ay bungad ng binata.Sandaling tumigil si Roni.Hinayaan lang niyang magsalita si Borj.Tila nakikiramdam lang ito kung karapat-dapat na naman bang pakinggan ang sinasabi ng dating nobyo.
"Totoo ang sinasabi ko sayo, Roni."
Simula ni Borj.At naramdaman niya ang paghugot nito ng malalim na buntong hininga saka nagpumilit magpatuloy."Kapag sinabi ko sayong mahal kita, i mean it..."pagpapatuloy pa ng binata.
Tahimik lang si Roni. Lihim siyang nagdadasal na sana hanggang dulo magaganda ang sasabihin ng binata sa kanya. Dahil sa oras na makarinig siya ng negatibong salita mula rito ay hindi na niya patatapusin pa ito ng pagsasalita.
Saglit na katahimikan ang sumunod.
"Mahal na mahal kita Roni.P-Pero hindi ko pwedeng iwan si Trisha ngayon.Kailangan niya ako---!!!"
Naroon pa lang sa bahaging iyon ng pagpapaliwanag si Borj ng walang salitang muling kumilos si Roni.Tuluyan na itong pumasok sa bahay.
"Kailangan niya ako ngayon Roni.Buntis siya at ---"
Hindi na nagawa pang ituloy ni Borj ang anupamang sasabihin sa dalaga dahil pinagsarhan na siya nito ng pintuan.
Mariing napapikit na lang kasunod ng pagbuntong hininga ang binata.
Mabilis niyang kinuha ang dalang cellphone at tinawagan ang number ni Yuan."Pare, andito na si Roni sa bahay.Hindi ko na napigilan pare"--iyon lang ang tanging nasabi niya at mabilis na ring ibinaba ang telepono kaagad.
Laylay ang balikat na sumakay siyang muli ng kotse . Wala na siyang magagawa kundi ang bumalik na lang sa bahay.Bagaman nakapag-usap sila ni Roni, Hindi siya satisfied sa pag-uusap nilang iyon.Napakapangit ng resulta at takbo ng usapan nila.Nalulungkot siya ng sobra.Mabigat ang kalooban na muli niyang pinaandar ang sasakyan palayo sa lugar na iyon at nagdesisyon na umuwi na lang.
Samantala....
Hindi na nagawang magpalit ng damit ni Roni.Padapa siyang sumalampak sa malambot niyang kama habang hinayaan ang sarili na umiyak.Malaya niyang pinaagos ang kanyang masaganang luha sa malambot niyang unan.Durog na durog siya sa sandaling iyon.Hindi niya makayanang pakinggan mula sa bibig ni Borj na hindi nito pwedeng iwan si Trisha.At bakit???Dahil buntis na ang babae at malamang si Borj ang ama kaya ganun na lamang marahil ang paninindigan ng binata na wag iwan o layuan si Trisha kahit pa sinasabi nitong siya ang mahal ng lalaki.
Nanlalambot si Roni.Ang sakit sakit ng nararamdaman niya.Hanggang ngayon pa ba???Walang kasinggulo ang love story niya.
Akala pa naman niya sila na ni Borj ang endgame kahit ilang taon na silang di nagkikita at nagkakasama.Pinaniwala niya ang sarili na may magandang wakas ang naudlot nilang love story noon.
Sayang..Wala pala talagang puwang para sa kanila ni Borj..Hirap talagang maging asumera.
Nakatulugan na ni Roni ang ganung sitwasyon. Pagod ang katawan niya.Pagod ang isipan niya.Wasak na wasak pa ang puso niya.
Hindi siya naging handa sa mga naging rebelasyon ni Borj about Trisha.Game over!!!
♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️
Don't forget to hit the ⭐ as your support and feel free to give your comments/suggestions..Proud StefCam fan here💕
@SpunkySpirit
BINABASA MO ANG
♥️I Love You, Again♥️
FanfictionSi Borj ang ex ni Roni... Therefore, si Roni ang ex ni Borj... Pero, paano nga ba magiging ex ni Borj si Roni kung umaasa ang binata na siya pa rin ang mahal ng dalaga?At paano na nga ba silang dalawa kung may isang "Basty" sa eksena. Hello mga ka S...