Chapter 30

555 27 9
                                    

Pumarada ang kotse ni Borj sa harap ng kanilang bahay. Saglit siyang nag-isip  ano ba ang  sasabihin niya sa barkada?Tiyak magtatanong ang mga ito kung ano ang nangyari Kay Roni. Ano ang ikakatwiran niya Kay Yuan.Malamang nalulungkot ang mga ito at nasira ang Gabi dahil Hindi sila kumpleto Ngayon.At Wala siyang nagawa para makumpleto sila.Malamang kanina pa ang mga ito naghihintay sa kanya para mag-usisa.

Nanlulumo siyang pumasok sa loob ng Bahay.Pero ang nagaganap sa loob  ay kabaligtaran ng iniisip at inaakala niya.

Malalakas na tawanan ang nabungaran niya.At ang bangka ng usapan ay walang iba kundi si Trisha.Nakaupo ito sa harap ng magkakaibigan habang walang pagkailang na nagkukuwento sa kung anumang paksa ay Hindi pa niya maintindihan kung ano.Ang alam lang niya ay nakakatawa iyon dahil sa reaction ng mga kaibigan niya.

"Oh, heto na pala si Borj eh.Oh kumusta ba si Roni?"--putol ni Trisha sa pagkukuwento nito nang mapansin ang pagdating ng lalaki.

"Nasa Bahay na"--maikli at walang ganang sagot Naman niya.

"Sorry guys!Hindi ko siya nagawang pabalikin dito"tila nahihiya pa niyang hinging paumanhin sa mga kaibigan.

"Sus..Borj..Ok lang..Ako na ang bahalang kumausap diyan sa utol ko.Ako nga ang nahihiya sa inyo kasi umiral na Naman ang topak ng babaeng 'yun eh.Kaya nga kanina, nainis na talaga ako.Pero siyempre huwag Naman natin sirain ang Gabi.Wala man si Roni, may natitira pa Naman.Kaya let's cheers to that"--sabay taas ng basong  may lamang alak at nagsimula na ngang mag-inuman ang magkakaibigan.

Nangingiti lang si Trisha sa labis na kasiyahan dahil sa nakikitang closeness ng magkakaibigan. Masaya siyang nasaksihan ang gabing iyon at pakiramdam niya, kabilang din siya sa tropang 'yun...

Habang ang iba ay masayang nagtatawanan, si Borj Naman ay palihim na Nagwewelga ang kalooban.Tahimik lang siyang nakikiinom ng alak.At paminsan-minsan ay nagagawa din niyang makisawsaw sa usapan upang kahit paano ay Hindi mahalata ng mga kaibigan niya na may malalim siyang iniisip.

Ano nga ba ang susunod na hakbang niya upang Hindi na niya magawang saktan pa si Roni?Dapat na ba niyang paalisin si Trisha?Pero paano???

Pagpatak ng alas-diyes ng Gabi ay nagkanya-kanya ng uwi ang magkakaibigan.Bagama't mga nakainom, sinigurado ng bawat isa na kaya nilang magdrive pauwi ng Bahay nila.

Ilang sandali pa nga ay sila na lamang muli ni Trisha ang naiwan sa Bahay.

"Kanina ko pa napapansin na may gumugulo sayo!Ayaw mo lang ipahalata sa mga kaibigan mo.Ano bang nangyari?"--ungkat ni Trisha.
Nakamasid lamang ito sa binata at naghihintay ng kuwento.

"Si Roni kasi!?"
Matipid na sagot nito.

"What about her?"tanong naman ni Trisha.

Tahimik na tiningnan lang ni Borj ang kausap.Hindi niya alam kung paano ba sasabihin dito ang problema niya.At mas lalong hindi niya alam kung paano sasabihin kay Trisha na ito ang dahilan ng galit ni Roni sa kanya ngayon.

Napailing na lang si Borj. Hindi niya magagawang direktahin ang babae.
Naramdaman niya ang pagtapik ni Trisha sa braso niya.Pinipilit siya nitong magkwento ng problema.

"Sige na Trish, matutulog na ako.Bukas na lang tayo maglinis.Matulog at magpahinga ka na din.Masama sayo ang magpuyat"
'Yun lang at tumayo na si Borj at tinungo na ang kanyang silid.

Tahimik na lang siyang hinabol ng tingin ni Trisha.Napapaisip siya kung ano ang dahilan ng mabilis na pagbabago ni Borj.Nararamdaman niya na may problema ang lalaki.At ngayon lang nangyari na hindi ito nagkwento sa kanya.Mukhang, unti-unti, nagkakaroon na siya ng idea kung bakit nagkakaganun si Borj.
Napahugot siya ng buntong-hininga at nag-isip na rin ng sariling plano.

♥️I Love You, Again♥️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon