Chapter 31

359 23 2
                                    

Hindi makapokus si Roni sa trabaho niya ng araw na iyon.Palagi na lang si Trisha at si Borj ang naaalala niya.Hind niya lubos maisip na buntis na si Trisha ngayon.Parang mamamatay siya tuwing sasagi sa isipan niya na may namagitan na kina Borj at Trisha .

Mariin siyang napapapikit sa tuwing sisiksik sa utak niya ang katotohanang iyon.

"Eh bakit ka magpapatalo!Ang kayang gawin ni Trisha, kaya mo ding gawin Roni"--sulsol ng utak niya.

Napamulat siya.

"No..hindi...hindi niya kayang gawin 'yun."mariing bulong niya sa sarili.

OMG..Ano na ba ang nangyayari sa kanya?Pati ba naman ang makipag-sex kay Borj ay naiisip niya para lamang mapantayan niya ang kayang gawin ni Trisha.

Samu't saring kalokohan ang naglalaro sa isipan niya sa mga sandaling iyon.Wala sa trabaho ang pokus ng utak niya.Kundi mga kakaibang plano at si Borj ang pinag-iisipan niya.Kailangang mawala sa "picture" ang Trisha na 'yun.

Lunch Time na...Magkakasama na silang magkakatrabaho para kumain.
Nagulat ang mga ito nang magbukas siya ng usapan.

"Tara, inom tayo mamaya"--nakangiting aya niya sa mga ito.

"Seryoso ka ba?Anong nangyayari Roni ha"--nag-aalalang tanong ni Eunice sa kaibigan.

"May problema ba?Hindi ikaw ang typical na Roni na umiinom?"--dugtong pang muli ng kaibigan naman niyang si Jean.

"Wala..Gusto ko lang ma-experience kung paano malasing"--sabay tawa niya.

Nagkatinginan ang magkakaibigan sa sagot na 'yun ni Roni.

"Ano..G ba kayo?"--tanong pa niya.

Nanatiling tahimik ang mga kaibigan.Walang sumang-ayon na samahan siya.

"Ok, kung walang sasama sakin mamaya.Ako na lang"

"Pero Roni---"tutol na naman ni Eunice.

"Ok lang..Hindi ako galit.Sige na kain na tayo" at nagpatuloy na nga sila sa pagkain.

-----------------------------------------------------------
Paglabas ng trabaho ay dumiretso si Roni sa bahay nina Eunice.Hindi siya natiis ng kaibigan.Pumayag si Eunice makipag-inuman sa kondisyon na sa bahay nito sila mag-iinom.At dahil desidido siyang magpakalasing sa gabing 'yun pumayag na rin siya.

Nakakailang bote pa lang sila ni Eunice ng naiinom ngunit halatang sumasanib na sa katawan niya ang espirito ng alak.Nagsisimula na siyang mahilo at magkandabulol sa pagsasalita.

"Roni, tama na..Nagpaalam ka ba kay Yuan?Naku, hahanapin ka nun.?Baka pinuntahan ka nun sa opisina?"
nag-aalalang wika ni Eunice.

"S-siyempre naman nagpaalam ako!Ang sabi ko kasama kita at m-may party tayong pupuntahan.hahahaha"
Talab na nga ng alak si Roni.Malalakas na ang tawa nito at kakaiba na ang kilos.

Umiinom si Roni pero hindi naman nagpapakalasing.Kontrolado lang ang inom niya kapag silang magkakaibigan ang magkakasama.Ngayon lang nangyari na nagpaka "wasted" siya.

Ramdam na niya ang sobrang hilo at bigat ng katawan.Maya-maya ay napasalampak na siya sa upuan sanhi ng kalasingan.

Hindi malaman ni Eunice ang gagawin.Itinuwid na lang niya ang dalaga mula sa pagkakahiga.Hahayaan na lang niya munang matulog si Roni hanggang mahulasan ito.

Nagsimula nang magligpit si Eunice ng naging kalat nilang magkaibigan.

Malungkot niyang tinitigan si Roni habang natutulog.Nalulungkot siya sa nalaman tungkol dito at kay Borj.

♥️I Love You, Again♥️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon