Chapter 32

336 21 1
                                    

"Sandali, sandali..Kuya itabi mo, nasusuka ako"--awat ni Roni sa driver ng kotse na sinasakyan niya.Buong akala niya ay si Yuan ang driver ng kotse.Nakapikit pa rin ito dahil sa matinding pagkahilo.

Walang salitang inihinto ni Borj ang kotse at binuksan ang pintuan  para kay Roni.

Maingat na tinulungan ni Borj sa pagtatanggal ng seatbelt ang dalaga.Nakababa naman ng kotse si Roni at sa tabi ng kalsada ay walang pakundangang inilabas nito ang kanina pa gustong isuka.

"Kuya, pengeng tubig!"--utos ni Roni.Ni hindi pa rin nito namamalayan na hindi ang kanyang Kuya Yuan ang kasama niya.

"Kuya tubig sabi eh!"--halatang naiirita na si Roni ng wala pa ring iniaabot na tubig sa kanya.

Walang tugon mula sa tinatawag niyang kapatid.Ang tanging naramdaman niya ay ang paghaplos ng isang mainit na  palad mula sa kanyang likuran upang kahit paano marahil ay nais nitong paginhawain ang kanyang nararamdaman.

Nagpatuloy lamang sa pagsuka si Roni.Wala siyang pakialam kesyo nasa may gilid siya ng kalsada at maraming sasakyan ang dumaraan.Nang umaliwalas ang kanyang pakiramdam ay tumunghay siya at hinarap ang kasama.

Nagulat siya nang mapagtanto na hindi ang kanyang kapatid ang kasama sa oras na iyon. Hindi agad siya nakapagsalita.Hindi niya alam ang sasabihin.Ang huling natatandaan niya ay hindi naging maganda ang naging usapan nilang dalawa. Ikinalma niya ang sarili.Wala rin namang dulot na mabuti kung magwawala siya sa sandaling iyon.Nahihilo pa siya at mas gusto pa niya ang umuwi at matulog na lang kesa makipag-away sa lalaking inaakala niyang nanloloko sa kanya.

"Asan ang kuya ko?!"--tanong niya sa binata.

"May lakad siya eh.Kaya nakiusap si Yuan na sunduin ka".
Kaswal na wika ni Borj habang hindi inaalis ang tingin sa dalaga.Nakaalerto ito para anumang oras na matumba si Roni ay agad niya itong maaalalayan.

Nanahimik si Roni.Inayos ang sarili.Tila bahagya na siyang nahimasmasan  sa labis na kalasingan.Kahit nananakit ang kanyang ulo dahil sa dami ng nainom na alak.Humakbang si Roni at tahimik na umupo sa may harap ng kotse.Kahit bahagyang madilim sa lugar na kinaroroonan nila, pinilit niyang inaninag ang kaguwapuhang taglay ng dating nobyo.

"Kung di pa pala makikiusap ang Kuya Yuan niya, hindi talaga siya pag-aaksayahan ng panahon ng lalaking ito.Damn you!!!"

Napamura siya ng tahimik sa sarili.

"Akin ang lalaking ito dati eh!"  Lihim na sentimyento ng utak niya.

"Bakit ngayon, kailangan niyang manlimos ng oras at atensyon sa lalaking ito.Hindi na ba talaga niya mababawi ang dating pagmamahal at pagtingin nito sa kanya.Nakuha na bang lahat ni Trisha ni kahit yung kaunting pagmamahal noon ni Borj para sa kanya"

"Roni,Walang tubig dito.Halika na umuwi na tayo".
Maya-maya ay narinig niyang aya ni Borj sa kanya.

Hindi kumibo ang dalaga.Ni wala rin itong sinabi.Lumapit sa kanya si Borj upang siguraduhin na ligtas na makakababa ng kotse si Roni mula sa kinauupuan nito.

Dala marahil ng sanib ng espirito alak, hindi na pinag-isipan pa ng dalaga ang sumunod na kilos nito.

Agad niyang hinila si Borj at siniil nang napakainit at napakariin na halik.

Nagulat si Borj sa ginawa ng dalaga.Subalit...Hindi niya alam kung paano pipigilan ang maiinit at mapanudyong halik na iyon ni Roni.
Subalit nangingibabaw ang respeto niya sa dalaga.Kaya't nagpumilit siyang kumawala sa mapanuksong halik na iyon.Subalit ang malaking problema...Nagsusumigaw ang puso at isipan ni Borj..Mahal niya si Roni at 'yun ang katotohanan kaya nadadarang siya sa mapanuksong halik at yakap ni Roni.Ilang saglit pa ay gumaganti na rin siya sa mainit na halik ng babaeng pinakamamahal.

♥️I Love You, Again♥️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon