Isang Linggo matapos ang pangyayaring 'yun, nanibago man si Roni subalit ipinagpatuloy niya ang buhay. Nawala man si Basty na nakasanayan niyang taga sundo at tagahatid sa kanyang work. Ganundin si Borj na nakasanayan niyang nasa paligid lamang niya. Nalulungkot man siya subalit kailangan niyang panindigan ang kanyang desisyon.
Isang araw ng Linggo, day-off niya. Minabuti niyang maglakad-lakad upang makapag-isip at makalanghap ng sariwang hangin. Hanggang sa nakapagdesisyon siyang puntahan na lang ang kanyang bestfriend Jelai.
Hindi pa siya nakakalayo mula s kanilang tahanan ng marinig niya ang paparating na ugong ng sasakyan. Dagli siyang napalingon, nakita niya ang isang kotse na nasa kanyang likuran. Pamilyar ang kotseng 'yun sa kanya. Bumaba ang nagmamaneho ng kotse. At hindi nga siya nagkamali. Si Basty 'yun.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba malinaw naman 'yung sinabi ko na wala ng lalapit o magtatangkang makipag-usap pa sakin. "--seryosong wika agad ni Roni pagkakita sa dating nobyo.
" Roni.. Don't worry. Hindi naman kita kukulitin eh. Gusto ko lang masigurado na ligtas ka sa pupuntahan mo. Pwede ba kitang ihatid? "--malumanay na tanong ni Basty na nanatiling nakadistansiya sa dalaga. Marahil ay iginagalang nito ang sinabi ni Roni noon na walang lalapit sa kanya.
Napahugot ng buntong-hininga si Roni. Nakaramdam siya ng pagkaawa sa binata. Pero dapat ba niyang pagbigyan ito. Nanatili siyang tahimik at patuloy na pinag-isipan kung dapat nga ba niyang kagatin ang offer nito.
"Roni.. please.. trust me.. Wala tayong pag-uusapan.. Ihahatid lang kita"--muling pangungulit ni Basty.
Biglang sumagi sa isipan niya si Borj. Ganundin kasi ang sinabi ng lalaki sa kanya noon. Pareho lang pala sila ng mga linya.
"S-sige.. pero promise mo sakin.. Hindi mo ako kukulitin di ba" --ngumiti siya ng bahagya sa kausap.
Napangiti din Basty dahil sa sinabi niya. Maginoo nitong binuksan ang pintuan ng kotse at hinayaang makasakay si Roni.
"Saan ka ba pupunta, Roni?" --malumanay na tanong nito sa dalaga.
"Ahm.. Basty.. pakihatid na lang ako sa bahay nina Jelai" --tipid na sagot naman niya.
Gaya ng ipinangako ni Basty. Hindi nga ito nagbukas ng kahit anong usapan. Tahimik lang itong nagmaneho ng kotse at itinuon ang buong atensyon sa kalsada. Hindi nangulit ang binata at wala silang napag-usapan sa kotse. Nagi-guilty man siya dahil sa kabutihang ipinakita sa kanya ni Basty, pikit mata niyang pinanindigan ang desisyon. Maya-maya nga ay sinapit na nila ang bahay nina Jelai.
Hindi pa man siya tuluyang nakakababa ng kotse, naririnig na niya ang malalakas na halakhakan ng mga tao roon. Nagulat siya ng matanaw na may bisita si Jelai.. Naroon ang barkada. Sina Junjun, Tonsy, at maging si Borj. Nagdalawang-isip pa siya kung dapat pa ba siyang bumaba ng kotse, subalit namalayan na lamang niya na bumukas na ang pintuan ng kotse sa tulong ni Basty. Noon lang siya natauhan. Noon niya naisip na wala na pala siyang magagawa kundi ang bumaba na talaga.
"H-Hi guys!" --naiilang na bati niya sa mga kaibigan. Nalilito siyang napalingon kay Basty. Mukhang wala pa yatang balak umalis ang binata. Nahihiya naman siyang ipagtabuyan ito. Nasaan naman ang pagkatao niya kung gagawin niya 'yun.
"Oh-oh!I smell trouble" --narinig niyang wika ni Junjun.
Biglang natensyon si Roni. Baka magkaroon na naman ng hindi magandang pangyayari kina Borj at Basty dahil sa kanya. Kaya minabuti n lamang niyang magpaalam sa mga kaibigan at nangakong sa ibang araw na lang babalik.
"Sis, sa ibang araw na lang ako babalik ha. Mukhang busy ka pa.." --naiilang na pamamaalam niya sa kaibigang si Jelai.
"Roni, sandali!" --maagap na pigil ni Borj. Nagulat siya ng mabilis na tumayo ang binata mula sa kinauupuan nito.

BINABASA MO ANG
♥️I Love You, Again♥️
FanfictionSi Borj ang ex ni Roni... Therefore, si Roni ang ex ni Borj... Pero, paano nga ba magiging ex ni Borj si Roni kung umaasa ang binata na siya pa rin ang mahal ng dalaga?At paano na nga ba silang dalawa kung may isang "Basty" sa eksena. Hello mga ka S...