Araw ng Linggo, tanghali ng gumising si Roni. Sinusulit niya ang mahabang oras ng pagtulog kapag ganoong araw. Tumingin siya sa wallclock. Alas-otso na ng umaga. Nag-inat muna siya. Kapagdaka ay nagpumilit ng tumayo at inayos ang sarili. Hindi na muna siya nagpalit ng damit pantulog. Pagkatapos ayusin ang sarili at ligpitin ang mga kalat sa kanyang silid ay lumabas na siya ng kuwarto. Nasa hagdanan pa lamang siya ay naririnig na niya ang malalakas na boses ng Mommy at Daddy niya at ng kanyang Kuya Yuan. Sa wakas, nakumpleto din silang muli sa bahay. Natanaw niya na marami ng pagkain ang nakahain sa mesa. Marahil ay maagang nakapagluto ang Mommy niya .
"Hello everyone!" --masaya at maganang bati niya sa lahat ng naroon habang maluwang ang ngiting tinapunan ng tingin ang lahat. Hanggang sa mahagip ng kanyang paningin ang isang lalaki na naroroon din pala sa may isang sulok.
Agad nawala ang maganda niyang ngiti ng makita si Borj at minabuti na lang niyang dumulog sa mesa at magsimulang kumain.
"Uy Roni.. Gusto mo ba?" --tanong ni Yuan habang abala sa pagtingin sa nilalaman ng isang malaking paper bag.
"Heto kasing si Borj, ang daming dalang chocolates" --natatawang wika ng kanyang kapatid habang abala pa rin sa pagpili ng mamahaling chocolates.
Nagkibit balikat lang si Roni at tila wala sa sariling sumagot.
"Naku... Andami ko pang chocolate sa ref.. Hindi ko na nga alam kung paano uubusin 'yung mga bigay ni Basty sakin" --wika niya habang nagsimula ng sumubo ng pagkain. Hindi niya alam kung bakit nga ba niya kailangan pang ipagdiinan ang pangalan ng nobyo sa usapang 'yun. Tumunghay siya nang makasubo ng pagkain at noon niya napansin ang makahulugang tingin ng mga magulang. Wala naman siyang intensyon sa sinabi pero sa klase pa lang ng tingin ng Mommy at Daddy niya, inaakusahan na agad siya ng mga ito ng pagkakasala.
Nagkibit balikat lang siya at muling nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain. Maya-maya ay nadinig niyang tumighim si Borj at nakangiting tumayo.
"Ah, ok lang pare. Kung ayaw ni Roni, dadalhin ko na lang kay Abby. Tutal, mahilig din naman sa chocolates 'yung tao"--saad ni Borj na hindi man lang tumitingin sa kanya.
" Paano po Tito Charlie, Tita Marite, babalik na lang po ako. Ihahatid ko lang po ito dun sa espesyal na kaibigan ko"--nakangiting wika ni Borj habang muling binitbit ang paper bag na naglalaman ng iba pang chocolates na dala nito.
Nahalata din ni Roni, na ipinagdiinan pa ng dating nobyo ang pangalan ni Abby. Ipinamumukha din ba nito sa kanya na kung may Basty siya ay mayroon naman itong Abby.
"Uy Borj.. gaano ba ka espesyal 'yan? Pakilala mo naman kami diyan sa Abby pag may time ka." Narinig pa niyang natatawang biro naman ng Daddy Charlie niya.
"Of course, Tito" --nakangiting sagot naman nito na bahagyang sumulyap kay Roni na abala naman sa pagkain ng oras na iyon.
"Borj, bakit hindi ka muna kumain, tara breakfast muna" --maya-maya ay alok naman ng kanyang kuya Yuan dito.
" Hindi na pare. Next time na lang! Salamat"--tanggi naman ng binata.
Nagpatuloy lamang ang dalaga sa pagkain at hindi na tinapunan ng tingin pa si Borj habang makalabas na ito.
"Bye Borj!" --paalam naman ng Mommy Marite niya.
Lunes na naman ng umaga....
Matapos magbihis ay muli ng lumabas ng gate si Roni. At nasurpresa siya dahil nabungaran na niya doon ang nakangiting si Basty at muli ay masigla nang naghihintay sa kanya."Hi Hon, goodmorning.Did you miss me?" --maluwang ang ngiting wika ni Basty at bumeso pa sa dalaga.
" Of course "--mahinang sagot niya dito.
Hindi niya alam kung bakit ba bigla na lang rumehistro sa kanya ang mukha ni Borj pagkakita sa nobyo. Hindi man niya direktahang aminin, bakit mukhang inexpect niya na si Borj ang mabubungaran niya sa umagang iyon.
"Shall we-!" --nakangiting wika na naman ni Basty habang maginoo nitong binuksan ang pintuan ng kotse. Nanatiling walang kibo at tahimik lang si Roni. Naramdaman niya ang mga kamay ni Basty sa braso niya upang alalayan siya sa pagsakay ng kotse. Kung noon ay ok lang sa kanya ang ganung gawain ng nobyo bakit ngayon parang gusto niyang iigkas ang mga kamay nito. Bakit parang bigla niyang naramdaman na mukhang hindi na siya komportable sa mga kamay ni Basty.
Dahan-dahan siyang sumakay ng kotse at bago pa man siya tuluyang makasakay, nahagip ng kanyang paningin ang paparating na isang magara ring kotse na pamilyar na pamilyar na ang hitsura sa kanya. Pumarada ito kasunod ng kotse ni Basty subalit hindi naman nag-abalang bumaba ang nagmamaneho ng kotseng iyon.
"Borj" --bulong ni Roni sa sarili.Hindi siya maaaring magkamali. Alam niyang si Borj ang nagmamaneho ng kotse, dahil ang kotseng iyon ang ginamit ng binata sa pagsundo at paghatid sa kanya sa loob ng dalawang araw na maysakit si Basty.
Sumakay naman si Basty sa driver's seat at pinaandar na ang kotse papalayo sa lugar na iyon.
Sumulyap si Roni sa side mirror ng kotse. Wala pa ring bumababa sa kotse. Hanggang sa makalayo sila sa bakuran ng kanilang bahay, nakapokus pa rin ang isipan ni Roni sa kotse.
"Kumusta ka na?"
Napukaw lamang muli ang atensyon ni Roni nang marinig ang tanong ng nobyo."O-ok lang ako Basty. I-ikaw ang kumusta? M-magaling na magaling na ba ang boyfriend ko?" --tanong niya dito na pilit pinasigla ang tinig.
"Oo Hon, magaling na ako kaya, ako na muli ang maghahatid at susundo sayo." --nakatawang saad naman nito.
Ngumiti na lang si Roni sa nobyo at itinuon na lamang niya ang atensyon sa mga nadaraanan. Ipinagtaka ni Basty ang bagay na iyon. Si Roni kasi ang typical girl na mahilig magkuwento. Ngayon, kapuna-puna na tahimik lamang ang dalaga. Ni hindi nito magawang magkuwento kung ano ang naging karanasan nito sa nagdaang mga araw.
"R-Roni, B-bakit? Kanina ka pang tahimik may problema ba?" --nag-aalalang tanong ni Basty.
"Ha.. ah.. wala..wala naman, Basty. I'm just so happy na magaling ka na at magkakasama na ulit tayo"--sagot niya sa nobyo at pilit na ngumiti.
" Mukhang hindi lang kasi halata na masaya ka! "--wika ni Basty na tila may nais ipakahulugan sa sinabi.
Nilingon niya ang binata. Bagaman hindi naman niya alam ang sasabihin dito. Ayaw niyang makipag-away. Umagang-umaga at araw ng Lunes pa.. Kaya pinagpasensiyahan na lang niya ang nobyo. Maya-maya ay sumapit na rin siya sa opisina. Mabilis na bumaba ng kotse si Basty para ipagbukas ng kotse ang kasintahan. Tahimik lang siyang bumaba ng kotse .
"Sorry Hon" --narining niyang mahinang tinig ni Basty malapit sa punong tenga niya.
"It's ok Basty. Thank you" --iyon lang ang naging sagot niya at lumakad na palayo sa nobyo upang pumasok na muli sa opisina.
♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️
Don't forget to hit the ⭐ as your support and feel free to give your comments/suggestions..
Proud StefCam fan here💕
@SpunkySpirit
BINABASA MO ANG
♥️I Love You, Again♥️
FanficSi Borj ang ex ni Roni... Therefore, si Roni ang ex ni Borj... Pero, paano nga ba magiging ex ni Borj si Roni kung umaasa ang binata na siya pa rin ang mahal ng dalaga?At paano na nga ba silang dalawa kung may isang "Basty" sa eksena. Hello mga ka S...