"Ganito guys! Sa Sunday, dun Naman tayo sa Bahay.Ok ba 'yun sa inyong lahat?"
Aya ni Borj sa mga kaibigan.Halata na ang labis na pamumula ng mukha ng binata Dala ng kalasingan."Sige!Sure Borj.Sa Sunday sa inyo tayo.G kami diyan ni Roni.Hindi ba Roni?"sagot ni Jelai na maluwang ang pagkakangiti at saka makahulugang sumulyap sa kaibigan.
"Ha..Ah..eh"--nauutal na wika Naman niya
"Siyempre.G si Roni diyan.Akong bahala."maagap na tugon naman ng kanyang Kuya Yuan.
"Sige ba"napiliting sagot na rin niya at sinundan din iyong ng pilit na ngiti.
"Ok nice!Sige guys!Sa Sunday ha.Tayo-tayo lang.Uuwi na ako ha.Tumawag na kasi si Lolo".pamamaalam pa nito at sinimulang humakbang.
Nagpaekis-ekis sa paglakad ang binata dahil sa kalasingan.
"T-teka kaya mo ba Borj!?"--tila nabiglang reaction ni Roni.
Napuno ng pag-aalala ang tinig ng dalaga.At hindi niya namalayan, na nasa kanya na pala ang atensyon ng mga kaibigan.
Pero Hindi na niya pinansin 'yun.Isipin na ng mga kaibigan niya ang gusto nilang isipin.Basta ang mahalaga, maipakita niya kay Borj ang kanyang pag-aalala.
"Don't worry Roni.Kaya ko.Kayang-kaya ko!Ikaw lang Naman ang Hindi ko kayanin eh".
At bumaling ito sa kinatatayuan ni Roni at muli ay kumindat sa dalaga.
Alam niyang hindi nakaligtas sa mga mata ng kaibigan ang ginawang 'yun ni Borj.
Pinigilan na niya ang sarili.Labis man ang kanyang pag-aalala sa dating nobyo, pinili niyang manahimik na lamang at huwag na ngang magbibigay ng kahit anong reaction o komento tungkol kay Borj.
Isa-isa niyang tiningnan ang mga kaibigan.Wala man lang ba sa mga ito ang mag-o-offer ng tulong kay Borj na maihatid ito.
Maya-maya ay tumayo ang kanyang Kuya Yuan.
"Missy, halika na ihahatid na kita.Isasabay na natin si Borj.At Ikaw Roni, babalikan kita dito"
Mabilis na tumayo si Missy at sumunod na Kay Yuan palabas ng Bahay Nina Junjun.At naiwan nga muna siya doon para hintayin ang pagbalik ng kuya niya.
Sa tingin naman niya ay isang magandang pagkakataon iyon upang makausap muli si Jelai.
"Psssttt..Ano 'yun?"--nakangiting tanong ni Jelai sa kanya.Sila na lang ang naroon dahil nagsisimulang magligpit ng kalat Sina Tonzy at Junjun.
"Ang alin?"kunwa'y pagmamaang-maangan niya sa kaibigan.
"Concern ka Kay ex no?"--makahulugang ngiti ni Jelai.Halata na nanunudyo ang ngiti at mga tingin into.
"Jelai, kaibigan natin si Borj Hindi ba?Ikaw, Hindi ka ba mag-aalala sa kaibigan natin kung uuwi siyang mag-isa at alam mong lasing?mahabang paliwanag niya sa best friend niya.
Piping ipinagdarasal niya na sana'y mapaniwala niya ito at tantanan na siya.
"Oo..nandun na ako sa kaibigan natin si Borj.Pero ang tanong ko sayo sis..Friend na Lang ba talaga?"--usisa pang muli nito.
Napaisip si Roni.Alam Naman ni Jelai ang lahat ng sekreto niya.Pati ang tungkol sa kanila ni Borj.Mapapagkatiwalaan Naman ito.At si Jelai lang din Naman ang pinagkakatiwalaan niya sa lahat ng bagay.
Tahimik niyang nilingon ang kaibigan.Dapat ba niyang sabihin Kay best friend Jelai ang sitwasyon nila ni Borj Ngayon.
"May sasabihjn ka ba?"nakangiting wika muli ni Jelai.Marahil ay napansin nito na may gumagambala sa kalooban niya.
Bumuntong-hininga si Roni.Saka nagsalita.
"Actually sis..Hindi ko alam kung dapat pa ba akong maniwala Kay Borj!" Simula niya.Tahimik lang namang nakikinig si Jelai.Naghihintay ng iba pang sasabihin niya.
"Sinabi niya sakin na mahal pa niya ako ,sis..Pero bakit ganun?Bakit may Trisha?"--sumbong niya sa kaibigan.
Halata namang nagulat si Jelai sa narinig.Pero maya-maya ay gumuhit ang ngiti sa labi nito.
"Talaga ba Roni!?Sinabi niya 'yun?"
Ungkat pang muli nito.Parehong-pareho ang reaction ni Jelai at ang mga Kasama niya sa opisina.Masaya ang mga ito at halatang kinikilig.Pero, ang tanong..Dapat nga ba niyang paniwalaan si Borj sa pagsasabi nito ng nararamdaman sa kanya.Gayung may Isang Trisha na lagi na lamang umaagaw ng eksena."Baka Naman kaibigan lang ni Borj si Trisha?Bakit kaya Hindi natin itanong Kay Borj" suhestiyon nito.
"Uy sis..Huwag mong gagawin iyan."mariing tutol Naman niya.
"Eh Bakit, nang sa ganun maging malinaw sayo ang lahat.Sis, pwede mo namang komprontahin si Borj tungkol diyan para malaman natin kung seryoso ba talaga siya sayo, at kung ano si Trisha sa Buhay niya."
Hindi nakakibo si Roni.Pinag-iisipan niyang mabuti ang mga payo ni Jelai.At nakikita Naman niya ang punto ng kaibigan.
Tama nga Naman.Pwede niyang direktang itanong Kay Borj 'yun.Kaya lang.Wala Naman Silang pagkakataon na magkausap na muli ng sarilinan.
"Sis, heto naman ang tanong ko sayo.Magsabi ka naman ng totoo.Mahal mo pa rin ba si Borj?"walang gatol na tanong sa kanya ng kaibigan.
Tanging buntong-hininga lang ang naitugon niya sa kaibigan.Hindi niya alam kung paano ba sasagutin ang tanong na 'yun.
"Sis, ang totoo.. Iba 'yung naramdaman ko Nung muli ko siyang Makita.At ang totoo din, naiinis ako sa tuwing maririnig ko ang pangalan ni Trisha." Matapat na pag-amin niya sa kaibigan.
Nangingiti lang si Jelai sa naging sagot niya.
Marami pa sana siyang gustong sabihin at i-share sa kaibigan pero naudlot na 'yun dahil narinig na niyang muli ang ugong ng sasakyan ng kanyang Kapatid.
"Roni, let's go!Jelai, Junjun, Tonzy, Mauna na kami ha.Sa Sunday na lang ulit"paalam ng kUya Yuan niya.
"Bye sis"-paalam niya sa bestfriend matapos yumakap at humalik dito.
"Ok ingat kayo.Sa Sunday sis ha, huwag Kang mawawala.Tayo-tayo lang Naman ulit 'yun" wika pa ni Jelai.
"Sige Sis"
Kahit naging bitin ang usapan nilang magkaibigan ,umaasa siya na isang araw muli silang makakapag-usap.
Don't forget to hit the ⭐ as your support and feel free to give your comments/suggestions..
Proud StefCam fan here💕
@SpunkySpirit
BINABASA MO ANG
♥️I Love You, Again♥️
FanfictionSi Borj ang ex ni Roni... Therefore, si Roni ang ex ni Borj... Pero, paano nga ba magiging ex ni Borj si Roni kung umaasa ang binata na siya pa rin ang mahal ng dalaga?At paano na nga ba silang dalawa kung may isang "Basty" sa eksena. Hello mga ka S...