Chapter 34

326 22 0
                                    

Dahan-dahang pinihit ni Roni ang seradura ng kanilang pintuan.Sumilip siya sa loob ng bahay.Walang tao sa may sala. Tahimik lang sa loob.

Nakahinga siya ng maluwag.Pumasok siya sa loob ng bahay at didiretso na sa kanyang kuwarto para magpahinga.

Pero ooopppsss!!!!

Nakaharang sa may hagdanan si Borj at abala sa cellphone kaya hindi siya napansin...Kaya mabilis niyang iniiwas ang sarili dito.

Mabilis niyang tinungo ang kusina at sabay bukas ng ref.

Juscolored!!!

Nakakauhaw naman talaga pag ganito ang mga eksena..'Yung tipong panteleserye ba...

Uminom na nga lang siya ng tubig..Baka sakaling maibsan ang samu't-saring emosyon na nararamdaman niya sa sandaling iyon.

"Hi Roni!"

Muntik na sana niyang maibuga ang malamig na tubig na dahan-dahan niyang iniinom.

Hindi siya maaaring magkamali.Si Borj ang nasa kanyang likuran.Hindi pa mandin niya lubos na natitingnan ang lalaking nasa likuran alam niyang tinig ni Borj 'yun.100percent sure na sure siya!

Nagkunwari siyang walang  narinig at ipinagpatuloy na lang ang pag-inom ng tubig kahit ang totoo ay hindi niya alam kung paano lalagukin iyon.

"Naalala mo ba ang nangyari kagabi?" Mahinang saad ng lalaki.

Napapikit si Roni.Hayan na nga ang kinatatakutan niya...OMG..baka alam na ng kuya niya ang kagagahan na ginawa niya kagabi..Susmiyo!!!Itatakwil na ba siya ng kuya niya.

"W-wala akong naaalala.Lasing ako di ba!?" Pagmamaang-maangan pa niya.

Kailangang hindi mahalata ni Borj na aware siya sa lahat ng naganap kagabi.Pwede naman niyang idahilan talaga na wala siyang maalala kapag nalalasing..

Bakit si Lizzy?Oh di ba ganun siya.Ke babaeng tao..Ke lakas-lakas uminom..pero hindi matandaan ang ginagawang kagagahan kapag nalalasing..Kaya kahit magpapari jinowa...

"Talaga bang wala kang matandaan sa nangyari kagabi?" Halata ang mapanudyong ngiti sa labi ni Borj.Mukhang iniinis talaga siya.

"Wala nga sabi eh!"--at pinukol niya ng matalim ng tingin ang dating nobyo.

Nakita niyang muling ngumiti si Borj.Napagmasdan na naman tuloy niya ang kaguwapuhan ng lalaking nagpapatibok ng puso niya.

Pero siyempre..Hindi niya pwedeng ipahalata sa binata na nawiwindang siya sa tuwing kausap at kaharap ito.

"Sayang...Hindi mo ba natatandaan 'yung kiss?!"muli pang tanong ni Borj sa dalaga.

Pakiramdam ni Roni.Pinamulahan siya ng mukha.Kainis naman talaga si Borj.Hindi siya na inform na nasa mood mangulit ang binata.

Pero wait..Hindi niya pwedeng ipahalata na alam niya yung kiss na naganap sa pagitan nila.Kaya kailangang mag-maang-maangan acting muna siya.

Ikinunot niya ang noo para mas maging kapani-paniwala ang acting skills niya at kunwa ay nagtataka pang nagtanong.

"Borj..teka nga!Ano ba yang pinagsasabi mo ha?!"

"Talaga bang hindi mo naaalala Roni..."balik tanong pang muli nito sa kanya.

"Alam mo ba na..ang galing mo pa lang humalik.." pagkawika noon ay sinundan ni Borj nang mahinang hagikhik bagay na ikinainis naman niya ng sobra.

Ibinaba niya ang hawak na baso at akmang susugudin si Borj nang eksakto namang dumarating ang kuya Yuan niya.Nakabihis ito.Pormadong-pormado at napakabango.

Hindi agad siya makapagsalita o makabati sa kapatid dahil nangingibabaw pa ang pagkainis niya sa napakagwapong si Borj.

"Oh Roni, kanina ka pa ba?Buti nakauwi ka na.Aalis kami ni Borj ha.Gigimik lang kami.Kumain ka na lang diyan mamaya.Nagluto si Borj ng paborito mo"--dire-diretsong paliwanag at bilin ng kapatid.

Muli niyang tinapunan ng matalim na tingin si Borj na noon naman ay sinuklian siya ng nakakakilig na kindat at matamis na ngiti...

Naiiling na lang siya sa kakaibang  trip ng dalawang lalaki sa harapan niya.

Gusto pa sana niyang itanong kung bakit si Borj ang nagluto..at kung ano ang niluto???Ano bang meron para magluto si Borj.

Pero mas pinili na lang niyang tumahimik..Ayaw na niyang humaba pa ang usapan nilang tatlo.

Mas gusto na niya ang umakyat sa kwarto niya at magpahinga.

"Sige Kuya.Ingat ka dun.Magtino ka ha" --iyon lang ang winika niya at nilargahan na niya ng alis.Tinungo na niya ang kwarto at ni hindi na niya pinangahasan pang muling tingnan si Borj.At wala rin naman talaga siyang balak magpaalam dito.

Pasalampak siyang nahiga sa kama at doon ay nakaramdam siya ng ginhawa ng katawan.

Pero hindi ng kalooban.Dahil ang totoo, naguguluhan siya talaga sa presensiya ni Borj.Naiinis kasi siya.Bakit kasi kailangan niyang maniwala sa forever kung mas totoo naman ang past is past.

Ilang sandali pa ay narinig na niya ang ugong ng papalayong sasakyan ng Kuya niya.

Saka lang siya muling nakahinga ng maluwag.Pansamantala ay magrerelax muna siya.

Ilang sandali pa ay narinig niyang tumunog ang cellphone niya.May nagpadala ng text message.Ini-expect niya ang mommy at daddy niya.

Pero sabi nga..Expect the unexpected..Dahil hindi ang mommy o daddy niya ang nagtext..

Nakita na naman niya sa screen ang pangalan ni Borj.

Napasimangot siya.Si Borj ba talaga ang magtetext sa kanya.Oh, malamang ang basag trip na kuya na naman niya 'yun.Hindi niya pinagkaabalahang basahin ang text na 'yun.Hanggang sa isa na namang text ang natanggap niya.

Si Borj pa din....

Naging curious tuloy siya kung text ba talaga ni Borj 'yun o text na naman ng kuya niya.

Ini-open niya ang inbox ng cellphone niya at tahimik na binasa ang nilalaman noon.

"Hi..Kain ka ha.Ipinagluto kita😉"

OMG si Borj ang nagmessage sa kanya.Pak na pak ang kilig.

Binasa niya ang isa pang sumunod na message galing din kay Borj.

"I love you,again...and..again..and all over again!"

Parang tumigil ang lahat sa sandaling 'yun para kay Roni.Hindi niya alam kung paanong napawing lahat ng text message na 'yun ang kanina ay 100 percent na init ng ulo niya.

Haiiissttt..Napakahiwaga talaga ng pag-ibig.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Roni.

Aminado naman siyang umiibig pa din siya kay Borj...Pero tama pa ba?

Paano na si Trisha???

♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️
Don't forget to hit the ⭐ as your support and feel free to give your comments/suggestions..

Proud StefCam fan here💕

@SpunkySpirit

♥️I Love You, Again♥️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon