Chapter 28

332 23 2
                                    

Excited na nga si Roni para sa araw ng Linggo.Magandang pagkakataon din naman kasi para sa kanilang magkakaibigan na magsama-samang muli. Medyo matagal na din kasing hindi sila nagkakabonding magkakaibigan simula ng magkaroon ng kani-kanilang trabaho.

Sa wakas ay dumating na nga ang araw ng Linggo.Araw na pinakahihintay ni Roni. Pupunta sila kina Borj kaya naman hindi niya maikukubli sa kanyang sarili na nananabik din siyang makita ang binata. Matapos kasi nilang magkita kina Junjun, hindi na muli pang nagpaparamdam sa kanya ang dating nobyo.

Tinitigan niya ang sarili sa salamin.Kailangan maging maganda siya mamayang gabi.Kailangang maging kaakit-akit pa rin siya sa paningin ni Borj.

Dagli niyang binuksan ang kanyang closet. Kailangang makahanap siya ng damit na talagang babagay sa kanya at makakaagaw sa atensyon ni Borj.
Abala siya sa paghahalikwat ng mga damit niya ng makarinig siya ng ilang sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng kanyang silid.

Bumungad sa kanya ang kanyang Kuya Yuan.Halatang nakapaligo na at mabangong-mabango na...Ngumiti ito pagkakita sa kanya kaya naman mas lumitaw ang kaguwapuhan nito.

"Uy Roni..Susunduin ko na si Missy.Ikaw, magready ka na para mamaya pagbalik ko diretso na tayo kina Borj. "Wika nito.

"Sige Kuya.Noted"--maikling tugon lang niya.

"Pssstt..Roni ha..Kilala kita.Alam ko kung gaano ka kakupad.Bilisan mo ang kilos mo"--sabay talikod na nito para umalis.

Napanguso siya.Hindi pa nga siya nakakahanap ng damit na isusuot, pinagmamadali na siya.

Anyway...Naniniwala naman siya na maganda siyang babae kahit simpleng damit lang ang isuot niya.

Muli ay kumilos na siya para iayos ang sarili.Para pagbalik ng kuya Yuan niya eh makapunta na sila kina Borj.

Pasado alas-sais na ng makabalik ang kanyang kuya. At sa oras na iyon, ayos na ayos na si Roni.May kalahating oras din siguro siyang naghintay sa kapatid.At gusto na niyang mainis dahil naburo na ang ganda niya.Kumupas na ang konting make-up na inilagay niya sa mukha niya.Pero siyempre, timpi-timpi ng konti.....
Mahirap maging mainit ang ulo sa oras na 'yun dahil kailangan niyang maging maganda...Bawal yatang masira ang beauty niya!!!

Hindi nagtagal ay magkakasama na silang nagtungo kina Borj.Sina Jelai at Junjun naman ay on the way na rin.Habang si Tonzy naman ay naroon na daw sa bahay nina Borj.

Kalong ni Roni ang kanyang puso na gusto na yatang magtatalon sa labis na pananabik.Sa wakas, muli silang magkakasama magkakaibigan.At sana next Sunday, magkaroon ulit ng schedule.What if sa bahay naman nila.

"Naku, sana maisipan ni Kuya Yuan na magyaya sa bahay."--piping dalangin ng utak niya.

Natigil ang pagmumuni-muni ni Roni nang tumigil na ang kotseng minamaneho ng kapatid.Dumungaw sita sa bintana at 'yun na nga..Presto!!!
Naroon na sila sa tapat ng bahay nina Borj.

Bumaba na siya ng kotse.Imposible naman kasing mag-aabala ang kanyang kapatid para ipagbukas pa siya ng pintuan ng kotse.

Maya-maya ay lumabas mula sa loob ng bahay si Borj.

"Pareng Yuan!"--sambit agad nito pagkakita sa bestfriend.

Awtomatiko naman siyang napalingon sa binata ng marinig ang boses nito...

At hayun....nagslow mo na naman si Borj.
Parang pinana na naman ni kupido ang puso niya ng muling makita ang lalaki.Masayang-masaya siya sa sandaling iyon at hindi niya alam kung paano ilalarawan ang kanyang nararamdaman lalo na ng magtama ang kanilang mga mata.

"Hi Roni" nakangiting bati ni Borj nang makalapit ito sa kanila.

"H-Hi"naiilang ngunit nakangiti ring bati niya.

♥️I Love You, Again♥️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon