Chapter 4

417 30 1
                                    

Kinalma muna ni Roni ang sarili at saka desididong humarap sa kaibigan at nagsimula nang maglahad ng kanyang istorya.

Flashback muna tayo guys... 😁
Tahimik na ang buong paligid ng gabing iyon. Katatapos lamang ng celebration para sa graduation ng magkaibigang Yuan at Borj. Ang tanging naiwan sa bulwagan ay sina Borj at Roni. Masinsinan ang kanilang naging usapan dahil sa nalalapit na pag-alis ng binata. Wala sa kanilang hinagap na patutungo ang usapan nila sa isang seryosong paksa.

"I love you, Roni" --bulong ni Borj. Damang-dama niya ang sinseridad sa tinig nito.

Lalo siyang naguluhanan. Mas lalong hindi niya alam ang gagawin at dapat sabihin. Nanatili lang siyang tahimik.

"Roni, ngayong gabi. Gusto ko lang sanang malaman mula sayo.. Mahal mo rin ba ako?" --matapang na tanong ni Borj habang direktang nakatingin sa mga mata niya.

Hindi pa rin siya makapagsalita. Hindi niya alam ang isasagot.

"Roni, tell me.. bago man lang ako umalis . Hindi ko alam kung magkakaroon pa ba tayo ng second chance na mag-usap , kaya please.. pakisagot ng tanong ko.

"Do you feel the same way, too?"....

Mariing napapikit si Roni habang naguguluhanang napatungo.

Ang isang bahagi ng utak niya ay bumubulong ng "OO"... Walang masamang magsabi ng totoong nararamdaman.

Ang isang bahagi naman ng utak niya ay pumipigil at humihiyaw ng "HINDI" .Bata ka pa Roni at aalis si Borj. Walang kasiguraduhan kung babalik pa siya..

Nalilito siya at hindi niya magawang sumagot sa tanong ng binata. Hanggang sa muli niyang marinig ang tanong na 'yun ni Borj.

"Roni,,, huling tanong.. Mahal mo ba ako?"

" O-oo Borj... "-matapat na sagot niya sa binata kahit nalilito siya dahil napakabata pa niya para pagdesisyunan ang ganung bagay.
Pero may magagawa pa ba siya para pigilan ang nararamdaman. Nagpakatotoo lang din naman siya sa sarili.

"Talaga ba ,Roni? --halos hindi makapaniwalang tanong ni Borj sa kanya. Kitang-kita niya ang labis na kasiyahan at kislap sa mga mata nito.

Nangingiti siyang tumango.

"Yes!!" --sagot niyang muli.

Mariing napapikit si Borj kasunod noon ay ang malakas na pagsuntok sa hangin dahil sa sobrang saya.

"Borj, may sasabihin pa sana ako" --mahinang wika ni Roni.

"Ano 'yun? "--tanong naman ni Borj subalit hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.

" Pwede bang...?? "--simula ng dalaga. Subalit hindi niya magawang dugsungan ang sasabihin dahil naiilang siya kung papayag ba ito sa naiisip niya.

" Pwedeng ano? Roni? "--Wika ni Borj na tila hinihikayat siyang ituloy ang nais niyang sabihin.

"Pwede bang huwag na lang natin sabihin sa barkada lalo na kay Kuya Yuan" --naiilang na wika niya sa lalaking kaharap na ngayon ay nobyo na niya.

♥️I Love You, Again♥️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon