Chapter 35

349 20 0
                                    

Nang makaramdam ng gutom ay naisipang bumaba ni Roni sa kanyang silid. Madilim na rin ang paligid at nakakaramdam na rin siya ng gutom.Curious siya kung ano kaya ang inilutong pagkain ni Borj. Nagtataka siya kung bakit nangusina ang binata.Pero kung sabagay, masaya siya dahil matitikman niya ang niluto ni Borj.Mas ipinapanalangin niya na may gayuma na lang sana 'yung pagkaing iyon. Lihim siyang napangiti sa naiisip na kagagahan.

Binuklat ni Roni ang dalawang putahe na nasa mesa.Amoy palang mukhang natatakap na siya.

"Mukhang masarap ha!!Parang kasingsarap nung nagluto"--nangingiting wika pa ni Roni sa sarili.

Siya lang naman ang nasa bahay at walang ibang makakarinig ng kung anumang sasabihin niya.

Sosyal na sosyal ang pagkaing inihanda ni Borj. Pati ang plating halatang may effort. Nagsimulang kumain si Roni kahit nag-iisa.Ini-enjoy na lang niya ang pagkain  kahit ang utak at puso naman niya ay humihiling na sana ay may kasalo siya sa sandaling iyon.Kung naroon man lang ba sana  si Borj, titig pa lang ng binata malamang busog na siya.

Nasa kalagitnaan na ng pagkain at pagmumuni-muni si Roni nang tumunog na naman ang cellphone niya. Nag chat ang kuya Yuan niya.Isang picture ang isinend nito sa kanya.

Napakunot-noo siya sa larawang nakita.Magkatabi sa upuan ang Kuya Yuan niya at siyempre..ang gwapong-gwapong si Borj.Laman ng bar ang dalawa.Ang ipinagtataka lang niya, bakit hindi kasama ng mga ito sina Junjun at Tonzy sa lakad na 'yun.

May seryoso bang pag-uusapan ang dalawang iyon.Saglit siyang napatigil sa pagnguya at napahawak sa bibig.

"OMG Roni, hindi kaya ipagtapat na ni Borj sa kuya mo ang ginawa mong kagagahan nung nagdaang gabi.'Yung ginawa mong pagnanakaw ng halik sa kanya at ang pagyayaya mo sa isang lugar na kayo lang dalawa"

Pagkatapos nang isiping 'iyon ay mabilis nang uminom ng tubig si Roni. Tila tumakas ang gana niya sa pagkain sa masarap na pagkaing niluto pa naman ng kanyang Baby Borj.

Maliksi niyang inilagay ang kinainan sa may lababo at hindi mapakaling naupo sa may sofa.Napakagat labi siya.

"Itatakwil na ba siya ng Pamilya Salcedo"--halos mangiyak-ngiyak na siya sa tindi ng alalahanin.

Maya-maya ay pinakalma niya ang sarili.

"Hindi..Hindi..Roni..Magtiwala ka kay Borj..Hindi ka niya ipapahamak.Nagkakamali ka ng iniisip sa kanya..Mahal ka niya, kahit may Trisha"

Napatindig si Roni nang maalala si Trisha.

Nasa bar ang kuya niya at si Borj.Gosh!!!Magte-table ba sila ng babae?--tanong na naman ng utak niya.

"Paano si Missy?Paano si Trisha?"--kunwa ay nag-aalala rin namang wika pa niya.

Kinuha niya ang cellphone, mariin siyang napapikit saka nag-isip kung dapat ba niyang tawagan ang Kuya niya o si Borj kaya.Subalit sa huli ay nagdesisyon siyang pigilan ang sarili na gawin 'yun.

"Bahala na" yun na lang ang pinandigan niya.Maghihintay na lang siyà nang maaaring maganap.Nagtitiwala siya kay Borj.

"Tiwala???Sigurado ka ba Roni?Nagtitiwala ka kay Borj!?"--tila bulong naman ng utak ni Roni sa kanya.

Aminado siyang sa ibang pagkakataon ay wala siyang tiwala sa dating nobyo.Pero ngayong gabi, kailangang magtiwala siya kay Borj na hindi nito sasabihin sa kapatid ang mga naganap sa pagitan nila.
Kailangang magtiwala siya na hindi siya nito ipapahamak.

Ilang oras ding naghintay si Roni sa pag-uwi ng kapatid.Hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya sa sofa dahil sa paghihintay.

Naalimpungatan si Roni nang makarinig siya ng ilang sunod-sunod na pag doorbell..Tumingin siya sa wallclock.Pasado alas onse y media na.Mumukat-mukat pa ang mga mata na tinungo ni Roni ang pintuan at saka maingat na binuksan ang seradura ng pinto.

♥️I Love You, Again♥️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon