Kinabukasan... Naghahanda na ng almusal ang magkakaibigan para sa araw na iyon... Si Roni ang naging paksa ng usapan. Dahil si Roni lang ang wala doon dahil tinanghali ito ng gising.
"Borj,Ano bang problema ni Roni? May nabanggit ba siya sayo kagabi?" --direktang tanong ng kanyang bestfriend Yuan.
Napahugot ng malalim na buntong -hininga ang binata saka isa-isang tinitigan ang mga kaibigan.
"May sasabihin sana ako sa inyo eh. Actually, kami pa lang ni Roni ang nag-uusap tungkol sa bagay na 'to"--seryosong pahayag ni Borj.
" Kayo na ulet"--sabat naman agad ni Junjun..
" Hindi pare. "--mabilis na sagot naman ni Borj.
" Ang totoo kasi guys, aalis ulit ako. At hindi ko alam kung hanggang kelan ako doon"--halata ang labis na lungkot at bigat ng kalooban ni Borj habang sinasabi 'yun.
Bagaman nagulat ang lahat. Wala namang nagtangkang pigilan ang binata dahil alam nilang magkakaibigan na aalis si Borj dahil may malalim na dahilan.
"So, anong sabi ni Roni?" --ungkat ni Jelai.
Nailing si Borj at napakibit balikat na lang. Paano ba niya sasabihin sa mga kaibigan na napakalabo ng lahat sa kanilang dalawa. Nararamdaman niya na gusto siyang pigilan ni Roni sa pag-alis. Subalit, hindi naman niya diretsahang naririnig mula sa dalaga ang pagtutol nito.
Nakagulo pa at nakadagdag sa isipin pa niya ang ginawa ni Roni. Intensyon ba talaga ng dalaga na makipaghalikan sa kanya o nadala lang ba ito ng kalasingan.Hindi rin niya mapaniwalaan ang ginawang pagtatapat ni Roni ng totoong damdamin nito sa kanya.Subalit paano ba niya paniniwalaan ang sinasabi ng isang lasing na babae.Bagaman nararamdaman niya na mabigat ang kalooban ni Roni, mahirap umasa na totoo nga ang sinasabi nito.
"So hanggang kelan ka dun pare!?"--seryosong tanong ni Yuan.
"Hindi ko pa alam pare .Pero, isa lang ang ipinapangako ko.Babalik ako! Babalikan ko kayo at bubuuin nating muli ang barkada"--malungkot man subalit pinilit niyang ngumiti sa harap ng mga kaibigan.Doble-doble na ang hirap ng kalooban na nararamdaman niya.Nagpaalam na siya kay Roni,nagpaalam na rin siya sa mga kaibigan.Nangangahulugan lamang na maaari na siyang umalis, at bumalik na lamang muli ng Pilipinas kapag nasa ayos na ang lahat.
Don't forget to hit the ⭐ as your support and feel free to give your comments/suggestions..
Proud StefCam fan here💕
![](https://img.wattpad.com/cover/315166374-288-k954969.jpg)
BINABASA MO ANG
♥️I Love You, Again♥️
FanfictionSi Borj ang ex ni Roni... Therefore, si Roni ang ex ni Borj... Pero, paano nga ba magiging ex ni Borj si Roni kung umaasa ang binata na siya pa rin ang mahal ng dalaga?At paano na nga ba silang dalawa kung may isang "Basty" sa eksena. Hello mga ka S...