Simula nang Lunes na iyon ay wala ng nangyaring eksena pa si Borj. Si Basty na lang sumusundo at naghahatid sa kanya pagpasok sa trabaho. Isang araw ng Linggo, habang abala si Roni sa pagbabasa ng paborito niyang wattpad stories sa kanyang laptop ay nagulat siya sa pagdating ng mga kaibigan. Naroon sina Tonsy, Junjun, Jelai at Borj. Agad niyang ishinut-down ang laptop para harapin ang mga kaibigan.
"Hi Roni, andiyan ba si Yuan?" --bungad ni Jelai.
"Oo sis, nasa kwarto lang. Saglit at tatawagin ko" --at tumayo siya upang magtungo sa silid ng nakakatandang kapatid.
Maya-maya ay lumabas naman ito ng silid, at naghanda ng meryenda para sa mga kaibigan.
"Overnight Swimming" --halos panabay na wika ng magkapatid ng marinig ang suhestiyon ng mga kaibigan.
"Oo sana.. Kasi di ba, holiday naman sa Wednesday kaya for sure lahat pwede diyan" --nakangiting wika ni Jelai na parang siguradong hindi na sila makakatanggi pa.
"Sakin, walang problema. Game ako diyan. Message ko lang si Missy" --tila excited na wika naman ni Yuan habang maluwang ang pagkakangiti.
"Eh ikaw sis, G ka ba?" --muli ay tanong ni Jelai na direktang nakatingin sa kaibigang si Roni.
Nagkibit balikat lang ang dalaga sa halip na sumagot.
"Hoy ikaw ha. Huwag ka ngang kj.. Sumama ka" --mariing bigkas ni Yuan habang nakatingin sa kapatid.
"Oo nga naman Roni, kung gusto mo.. Isama mo si Basty para naman makilatis namin siya" --natatawang wika ni Junjun na mabilis namang sinang-ayunan ng mga kaibigan maliban kina Jelai at Borj na nanatiling tahimik lang.
Makahulugan siyang napatingin kay Jelai. Malinaw na walang ibang nakakaalam sa sekreto nila. Mabuting kaibigan talaga si Jelai at mapapagkatiwalaan sa lahat ng mga sekreto.
" Fine, sasama kami ni Basty" --direktang sagot naman niya at naghiyawan ang iba maliban muli kay Borj. Tahimik lang itong nakikinig sa usapan at nakaupo pa doon sa may bandang likuran na kung saan ay malayo kay Roni.
Naramdaman ng dalaga na umiiwas na rin si Borj sa kanya. Hindi na ito nagtatangkang kausapin pa siya sa kahit na paanong paraan. Ayaw man niyang aminin, subalit nalulungkot siya sa ganoong sitwasyon. Dahil naging mabuting magkaibigan din naman sila noong highschool. Nagmahalan pa nga sila diba kahit puppy love lang na maituturing iyon.
Matapos ang mahaba-habang kuwentuhan, natahimik din ang buong kabahayan ng mag-alisan ang mga kaibigan.Tanging si Borj na naman ang naiwan kasama ang kanyang kapatid.Aakyat na sana siya ng silid ng hindi sinasadya ay narinig niya ang usapan ng magkaibigan.
"Pare,Pwede ko bang isama si Abby dun sa swimming?" --narinig niyang tanong ni Borj sa kanyang kapatid.
Napalunok siya at hindi agad makahakbang sa may hagdanan. Hinihintay niya ang isasagot ng kapatid.
Maya-maya ay narinig niyang humalakhak ang kuya niya at nag-apir na ang dalawa. Malinaw na pumapayag ang kapatid kaya naman dapat niyang paghandaan ang muli nilang pagkikita ni Abby.
Padabog siyang umakyat ng silid. Naamoy niya na may mahabang pag-uusapan ang kapatid at ang bestfriend nito dahil nakita niya ang isang bote ng alak na dala-dala ni Borj.
Naiinis niyang isinara ang pintuan ng kanyang silid. Agad niyang binuksan ang kanyang cabinet at naghanap ng swimsuit na pwede niyang isuot sa darating na overnight swimming ng buong barkada.
Nagkalat na ang maraming damit na pinagpilian niya sa kama. Nang makaramdam na siya ng antok.Inayos niya ang mga damit at minabuti niyang magpahinga na lang pagkatapos noon.
BINABASA MO ANG
♥️I Love You, Again♥️
FanficSi Borj ang ex ni Roni... Therefore, si Roni ang ex ni Borj... Pero, paano nga ba magiging ex ni Borj si Roni kung umaasa ang binata na siya pa rin ang mahal ng dalaga?At paano na nga ba silang dalawa kung may isang "Basty" sa eksena. Hello mga ka S...