Chapter 6

406 30 0
                                    

Papasok na muli sa opisina si Roni ng umagang iyon. Nakakita siya ng notes galing sa mommy at daddy niya na maaga silang nagsialis dahil may pupuntahang services. Ang kanya namang Kuya Yuan ay may lalakadin sa araw na iyon kaya siya na lang pala ang mag-isang naiwan sa bahay nila. Lumabas na siya ng gate ng bahay para hintayin si Basty . Iyon na kasi ang nakasanayan niyang gawin. Ang hintayin si Basty tuwing umaga papasok sa opisina.

Pagkabukas niya ng gate ay nabungaran na naman niya ang isang lalaki na nakasandal sa may kotse at mukhang matiyagang naghihintay. Tinanggal nito ang suot na sunglass at saglit na hinawi ang buhok saka buong tamis na ngumiti sa kanya.

"Ano na namang ginagawa mo dito?" --mataray na direktang tanong niya sa binata.

"Siyempre, ano ba ang ginagawa ng boyfriend sa girlfriend niya. Hindi ba dapat inihahatid" --sagot ni Borj at sinundan pa iyon ng tila nang-aasar na ngiti.

Mariing napapikit si Roni. Unti-unti na naman siyang pinipikon ni Borj pero pinipigilan niya ang sarili na magalit at mapikon. Gusto niyang simulan ang araw na iyon sa isang napakagandang umaga. Kaya ipinangako niya sa sarili na magpipigil siya ng pagkainis sa lalaking nasa harapan niya.

Ngumiti din siya sa binata kahit halatang pilit lang.

"Sorry pero.. susunduin ako ni Basty" --mariing sagot niya sa binata at ipinagdiinan pa talaga niya ang pangalan ng nobyo.

"Ouch ha!" --sagot ni Borj bagaman pinili pa ring ngumiti.

"Mukhang mas matimbang na talaga si Basty ngayon" --kaswal na wika ni Borj na hindi nagpapahalatang apektado sa narinig mula sa dalaga.

Sasagot pa sana si Roni nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Agad niyang kinuha ang cellphone mula sa loob ng bag at mabilis na sinagot ang tumatawag.

"Hi Hon" --sagot ng boses ng isang lalaki sa kabilang linya.

"Oh, Basty... Asan ka na? Baka ma-late ako!" --sabay tingin niya sa relong pambisig at ipinagdiinan pa talaga ang pangalan ng nobyo para iparinig kay Borj.

" Hon, i'm so sorry.. Baka hindi kita maihatid today. Sobrang sama kasi ng pakiramdam ko. Hindi agad ako nakatawag kasi akala ko kaya ko. K-kaya lang ---"
Hindi na nagawang ituloy pa ni Basty ang sasabihin dahil pinigil na 'yun ni Roni.

" It's okey Basty. Magpagaling ka na lang. Uminom ka na ba ng gamot? Nagbreakfast ka na ba? "--sunod-sunod na tanong niya sa kasintahan na ipinaramdam niya ang sobrang pag-aalala.

"I'll be fine Hon.. Sinong maghahatid sayo?" --nag-aalalang tanong ni Basty.

Saglit na natigilan si Roni. Saan nga ba siya sasakay ngayon?Wala ang daddy at mommy niya pati ang kuya niya.

Sinulyapan niya si Borj. Mukhang wala pa ring katinag-tinag sa paghihintay ang loko.

"Ok Basty, tawagan na lang kita mamaya ok.. Wala kasi dito sina Kuya so baka mag commute na lang muna ako" --sagot niya sa kasintahan para maibsan ang pag-aalala nito.

"Ok Hon.. Mag-iingat ka sa biyahe"
Paalam pa ni Basty bago tuluyang naputol ang kanilang usapan.

Lumingon-lingon si Roni sa paligid. Wala siyang matanaw na taxi. Tumingin siya muli sa relong pambisig at ang lagay ay may posibilidad na ma-late siya kung hindi agad siya makakasakay.

"Sakay na" --narinig niyang offer ni Borj habang binuksan ang pintuan ng kotse.

"Excuse me.. Hindi ako sasakay sa kotse mo. Mas gugustuhin ko pang mang-abala kay Tonsy, o kaya kay Junjun o kaya kay Jelai. "--mataray na namang wika niya sa binata.

" Sasakay ka ba o sasabihin ko sa kanila ang tungkol sa ating dalawa? "
Walang kagatol-gatol na wikang muli ni Borj.

Nagsalubong na namang muli ang mga kilay niya.Napipikon na naman siya dito.

♥️I Love You, Again♥️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon