Chapter 3

468 34 0
                                    

Sa wakas ay hindi na naulit pa ang pangyayaring tinangka siyang ihatid ni Borj sa trabaho. Hindi na niya napagkikita ang binata at ikinaluluwag 'yun ng kalooban ni Roni.

Isang hapon, habang umuulan ay inihatid siyang muli ni Basty hanggang sa may pintuan ng kanilang bahay. Magkasukob pa sila sa payong at panabay na kumatok sa may pintuan.

Hindi inaasahan ni Roni na sa sandaling 'yun ay si Borj ang bubulaga sa harapan niya.

"Borj!" --halos natigilang wika ni Roni.

Agad bumalik ang saglit na naguluhang diwa niya ng makita niyang sumulyap si Borj sa kasama niya. Kaya naman agad din niyang binalingan si Basty na noon ay abala sa pagsasara ng basang payong.

"Nandiyan ba sina mommy at daddy?" --agad na bawi niyang tanong .

"Oo Roni, nandito sila" --matipid na sagot ni Borj at tumalikod na sa dalaga.

"Ahm.. Hon.. ok ka na ba aalis na ako ha?!" --maya-maya ay paalam ni Basty.

" Huh!? M-medyo malakas pa 'yung ulan bakit hindi ka muna magpatila! "nag-aalala namang pigil pa ni Roni sa nobyo

" Hindi na ok lang Roni, mas mahirap magbiyahe kapag umuulan at madilim. Sige na Hon.. bye"--malambing na paalam ni Basty sa nobya.

Pumasok na si Roni sa kabahayan. Naroon si Borj katabi ng kuya niya at abala sa anumang ginagawa sa laptop.

"Hi Mommy, Hi Daddy" --mahinang bati niya sa magulang pagpasok sa bahay.

"Uy Roni, nandiyan ka na pala. Si Basty umuwi na ba? Bakit di mo isinama kina Tonsy, para naman nakasama natin siya for dinner " --wika ng Mommy niya.

Nasapo bigla ni Roni ang noo. Nalimutan niya na nag-invite nga pala si Tonsy for dinner dahil bagong dating ang parents nito kaya mayroong konting celebration. Hindi na niya naalala dahil sa sobrang daming ginawang trabaho.

" So, Roni. Magpahinga ka muna at maya-maya eh, maghanda ka na. Pupunta na tayo kina Tonsy"--narinig naman niyang wika ng daddy niya.

" Ok Dad"--walang ganang sagot naman niya. Hindi sinasadya ay napabaling ang tingin niya sa dako ng kanyang kuya Yuan at Borj. At hindi niya akalain na sa kanya rin pala nakatingin ang gwapong binata.

Agad niyang iniiwas ang tingin dito at mabilis na tumayo sa kinauupuan.

" Mom, Dad.. Sa kuwarto na lang muna po ako"--paalam niya at saka umakyat na ng hagdan patungo sa kanyang kuwarto.

Hindi lingid sa dalaga na nakahabol pa rin ang mga mata ni Borj sa kanya hanggang makapasok siya ng silid.

Matapos ang kalahating oras na pahinga ay nagpasiya na siyang magbihis. Pagod man ang katawan ay kailangan niyang dumalo sa dinner. Hindi pwedeng hindi siya magpapakita kay Tonsy, dahil hindi rin ito nawawala sa anumang pa okasyon nilang mag-anak.

Matapos masigurong magandang-maganda na siya ng gabing 'yun ay saka niya naisipang lumabas ng silid.

Kaya lang....

Si Borj lang ang naroon at naghihintay. Ilang baitang pa ng hagdanan bago tuluyan siyang makababa. Sinadya niyang huwag munang humakbang upang siguraduhing hindi lamang sila ni Borj ang tao sa loob ng bahay nilang iyon.

"Nasaan sila?" --halos manuyo ang lalamunan ni Roni sa tindi ng nararamdamang kaba.

Maya-maya ay bumukas ang pintuan ng kuwarto ng kanyang kuya at eksaktong-eksakto ang paglabas nito. Noon lamang muling nakahinga nang maluwag si Roni. Subalit, hindi pa rin siya humahakbang pababa ng hagdanan.

"Oh, Roni.. Papunta na kami ni Borj kina Tonsy. Baka gusto mong sumabay samin" --narinig niyang anyaya ng kapatid.

"Ha!? Naku, hindi na kuya. Kina Mommy at Daddy na lang ako sasabay" --sagot naman niya sa kapatid.

Maya-maya ay lumabas na rin ng silid ang Daddy nila.

"Ang bagal talagang kumilos ng Mommy ninyo." --naiiling ngunit nakangiting wika pa ni Charlie. (Ang daddy nila.)

"Hoy pakinig ko 'yun Daddy ha.. Heto na patapos na nga" --sagot naman ng Mommy niya na nasa loob pa rin ng kuwarto.

"Dad, mauna na kami ni Borj. Bye" --narining niyang paalam pa ni Yuan.

" "Bye Tito Charlie" --narinig din niyang paalam ni Borj.

"Bye mga iho.. Ingat" --sagot naman nito.

Hindi nakaligtas sa paningin niya ang muling pagsulyap ni Borj sa kanya bago tuluyang lumabas.

Hindi niya malaman kung ano ang nararamdaman niya. Nagi-guilty na ba siya sa mga ginagawa niya ditong pandededma. Muli ay humugot siya ng isang malalim na buntong hininga bago tuluyang bumaba ng hagdanan.
♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️
Simple pero napakapormal ng dinner na 'yun kina Tonsy. Hindi ka makakarinig ng malalakas na kwentuhan at halakhakan. May mesang para sa mga bisita lamang ni Tonsy at 'yun ay para lamang daw sa kanilang magkakaibigan. At may mesa namang para sa mga parents nila. Tahimik lamang silang kumakain at nagkukuwentuhan ni Jelai nang maramdaman niyang may naupo sa tabihan niya. Dahan-dahan niyang nilingon kung sino man iyon. At hindi nga siya nagkamali. Si Borj na naman.

Halos hindi na niya manguyang mabuti ang pagkaing isinusubo. Parang nilulunok na yata niya ng diretso para lang mapabilis ang kanyang pagkain. Nangangalahati pa lang siya sa pagkain ng magpasiya na siyang uminom at tapusin ang pagkain.

"Ah excuse us guys, magpapasama lang ako kay Jelai sa girl's room. "--sabay tindig niya habang hindi man lang sumusulyap sa lalaking nasa tabi.

" Oh sure, Roni" -nakangiting sagot naman nina Tonsy at Junjun.

"Hey Borj.. Ok ka lang ba? kain pa" --narinig pa niyang alok ni Tonsy ng pagkain kay Borj.

"Jelai sandali. Pwede ba tayong mag-usap" --halos hindi mapakaling wika ni Roni sa kaibigan.

"Oh, bakit ba? Kala ko ba mag c-cr ka?" --takang tanong nito.

Pinisil-pisil ni Roni ang sariling mga kamay upang kalmahin ang sarili. Nang mapansin ni Jelai na balisa ito at hindi mapakali ay niyaya niya itong maupo sa isang sofa na naroroon.

"Sis, may problema ka ba?" --nag-aalalang tanong ni Jelai sa kaibigan.

Pumikit si Roni at muling nagpakawala ng isang buntong-hininga.

"Si Borj kasi?" --sa wakas ay nawika niya.

" Oh, bakit anong problema kay Borj"--halos nagkasalubong na ang mga kilay na tanong ni Jelai dahil sa labis na pagtataka.

" Nakita mo ba sis.? Tumabi siya sakin? "--wika pa ni Roni.

" Oo.. Nakita ko.. Roni naman.. Magkakaibigan naman tayo. Malaking isyu na ba sayo ngayon ang pagtabi ni Borj? "--wika ni Jelai.

Hindi agad nakasagot si Roni. Tama nga ba na sabihin na niya sa kaibigan ang lahat ng sekreto niya.

"Unless, meron akong hindi alam?" -at gumuhit ang isang makahulugang ngiti sa labi at tinig ni Jelai.

"Sis.. Mayroon akong sasabihin sayo. H-hindi ko nagawang ipagtapat sayo ito noon, kasi... Kasi.. natatakot ako.. Pero ngayon, sobrang gulo na Jelai, hindi ko na alam ang gagawin ko. Sis, tulungan mo naman ako. Kailangan ko ng makakausap"----halos naluluha ng wika pa ni Roni.

" Ok sis, ano ba 'yun? "--wika ni Jelai na handa ng makinig sa ilalahad sa kanya ng kaibigan.

♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️

Don't forget to hit the ⭐ as your support and feel free to give your comments/suggestions..

Proud StefCam fan here💕

@SpunkySpirit

♥️I Love You, Again♥️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon