Samanatala
Ilang araw ang makalipas...Nananakit na ang ulo ni Roni dala marahil ng sobrang kapaguran sa trabaho. Isinara na niya ang sariling laptop at inayos ang mga gamit at nagdesisyon ng umuwi.Kinuha niya ang isang maliit na pouch kung saan nakalagay ang mga gamit pampaganda niya.Ganunpaman, powder at lipstick lang ang nakasanayan niyang palaging gamitin. Kaya't matapos maglagay ng konting pulbo at lipstick, nagpaalam na siya sa mga kasamahan bago lumabas na ng silid na 'yun.
"Oh, Roni, sana naman eh makakilala ka na ng pwedeng maghatid-sundo sayo sa trabaho"--biro ng isa sa malapit na kaibigan niya.
Nagkibit-balikat lang siya.Nakasanayan na niya ang mga ganung biro at hindi na siya apektado.Tinatawanan na lamang niya ang mga naririnig.
Bahagya siyang ngumiti sa mga kasamahan at saka tuluyan ng lumabas.
Tumingin siya sa relong pambisig.Alas-singko na pala.Napahugot siya ng buntong-hininga.Hindi niya alam kung para saan ba ang buntong-hininga na 'yun.Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sapitin ang may gate.
Nakakailang hakbang pa lang siya nang saglit na matigilan dahil sa nakita.
Naroon si Borj sa may kotse habang nakaupo at matiyagang naghihintay sa kung sinuman.
Agad din naman siyang nakita ng binata at kaagad gumuhit ang matamis nitong ngiti sa labi.
"Hi"--sabay ngiti nito.
Nanigurado si Roni.Lumingon-lingon siya sa paligid at siniguradong walang ibang taong nginingitian si Borj.
"Sino pa ba naman ang ngingitian ko dito.Siyempre ikaw lang Roni."
Nagulat na lang si Roni nang mamalayan na mabilis na palang nakalapit sa kanya si Borj.
Agad naamoy ni Roni ang napakabangong amoy ng binata.Talagang nakakatuliro ang kaguwapuhan at bango ng dating nobyo.Pero siyempre, pinili niyang paglabanan ang nararamdamang panghihina.Kailangang maipakita niya dito na hindi siya apektado ng presensiya nito.
"A-anong ginagawa mo dito?Naligaw ka yata, Borj!"-sunod-sunod na tanong niya.
"Wala-wala...wala naman Roni.Actually, ikaw talaga 'yung hinihintay ko!"---direktang sagot ng gwapong binata habang direkta ring nakatingin sa mukha ng dalaga.
"A-ako!!!"--kunwa'y nagulat siya.
"B-akit mo naman ako hinihintay?"--takang tanong pa ni Roni pero nasasabik na ang puso at pandinig niya sa isasagot ng binata."Ahm....Roni..g-gusto sana kitang iinvite eh!"--halata namang medyo may pag-aalinlangan ang tinig na 'yun ni Borj.Mukhang tinakasan ng bilib sa sarili.
"Saan?"--tanong ni Roni.
Humugot din ng malalim na buntong-hininga ang binata saka tila natotoreteng sumagot.
"H-hindi kasi tayo masyadong nakapag-usap nung reunion party .Gusto ko sana eh makapagkuwentuhan man lang tayo..over dinner!"--sa wakas naman ay naituloy ni Borj ang gusto nitong iparating sa dalaga.
Maganda naman ang reaction ni Roni.Nagliwanag agad ang mukha nito.Halatang gusto ring makipagkuwentuhan. Saglit itong tumango -tango nung may naalala nung gabing iyon.
Paano ba naman sila makakapag-usap eh, saglit lang naman silang nagsayaw.Pumasok lang sandali sa eksena si Basty itong damuhong ito eh nangalabit na agad ng ibang chicks.
Napasingkit ang mata niya ng muling maalala ang eksenang 'yun.
"Nasaan na si Trisha?Saan kaya humantong ang harutan ng mga ito noong gabi."--sa isip isip na lang niya.
"Ok lang ba sayo Roni?!"--muling ungkat ni Borj.Marahil ay nahalata na nito ang pananahimik niya at pansamantalang hindi pagkibo.
Mabilis na rumehistro sa utak niya ang mga dapat sanay gagawin niya sa bahay pag-uwi.Pero, hindi ba deserve din naman niyang lumabas at sumama kay Borj.Sa kabila ng nangyari, siguro naman ay pwede na niyang ituring na kaibigan si Borj dahil kaibigan naman ito ng pamilya at barkada din naman sila.Mapapagkatiwalaang tao si Borj, yun ang sigurado niya at hindi siya mapapahamak sa kamay ng dating nobyo.
"Tungkol saan naman kaya ang pag-uusapan nila?"--muling tanong ng isipan niya.
"Dont worry Roni, magkukuwentuhan lang naman tayo.Anything under the sun"--at napakakaswal nitong ngumiti habang titig na titig pa rin sa napakaamong mukha ng dating nobya.
"Promise Roni, wala tayong pag-uusapan about sa past"--maya maya pa ay dugtong pang muli ni Borj.
Saglit na natahimik si Roni.Sa pagkakaalam naman niya talaga ay wala na silang dapat pang pag-usapan about sa past dahil napag-usapan na nila 'yun noon.
Baka naman akala ni Borj eh, nag-eexpect siya ng kung ano-ano sa pagyayaya nito.Nagtaas siya ng isang kilay at direktang tumingin sa binata. May gusto pa sana siyang sabihin dito kaya lang bigla na naman siyang inatake ng pagkalito ng masilayan ang napakagwapong mukha ng dating nobyo. Hindi niya maii-deny.Mas lalong naging gwapo ang binata. Pati ang pormahan nito ay aprub din sa paningin niya.
Tipid na lamang siyang ngumiti at walang salitang lumapit sa kotse.
"Hindi mo ba ako ipagbubukas man lang ng kotse ?!"--parinig niya dito.
Mabilis naman ang naging kilos ni Borj. Maluwang ang ngiting binuksan nito ang pintuan ng kotse at naiiling naman itong tumungo sa may driver's seat.
At 'yun...Bahala na lang kung saan sila dalhin ng kanilang mga paa.
♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️
Don't forget to hit the ⭐ as your support and feel free to give your comments/suggestions..Proud StefCam fan here💕
@SpunkySpirit
BINABASA MO ANG
♥️I Love You, Again♥️
FanficSi Borj ang ex ni Roni... Therefore, si Roni ang ex ni Borj... Pero, paano nga ba magiging ex ni Borj si Roni kung umaasa ang binata na siya pa rin ang mahal ng dalaga?At paano na nga ba silang dalawa kung may isang "Basty" sa eksena. Hello mga ka S...