Chapter 19

382 24 1
                                    

Makalipas ang ilang taon.

"Oh Roni.Kanina mo pa hawak ang invitation na 'yan.Mukhang may reunion kayo.Huwag mong sabihin samin ng Mommy mo na nagdadalawang isip ka pa na dumalo diyan?"--tanong ng Daddy Charlie niya.Bahagya siyang nagulat.Wala siyang kamalay-malay na pinagmamasdan pala nito ang kilos niya.

Ibinaba niya ang hawak na invitation at walang ganang tumayo.

"Si Kuya ang tiyak na aattend diyan.Pero ako, matutulog na lang"--naiiling pa nitong binuksan ang ref at kumuha ng malamig na tubig.

"Roni,walang masama kung paminsan-minsan eh lumabas ka naman ng bahay.Anak, pwede ba namang trabaho bahay na lang ang mundo mo"--wika ng mommy niya.

"Oo nga naman Hija,Bakit ba hindi mo tawagan si Jelai, isama mo, pati sina Junjun at Tonzy, magsama-sama na lang kayo para masaya."--sabat pang muli ng Daddy niya.Naiiling lang siya sa mga ibinibigay na suhestiyon ng magulang niya.May point naman nga sila pero ewan ba niya kung bakit hindi niya magawang aminin sa sarili na tama naman din ang sinasabi ng mga ito.

"Paano ba naman magkakalove-life itong dalaga natin, eh magpapakamongha na nga yata"--maya-maya pa ay narinig niyang biro ng daddy niya na sinundan pa ng nakakalokong hagikhik.

"Daddd!"--halos may pag-irap pa niyang sagot sa ama.

"Roni, sige na.Pumunta ka na sa reunion party na 'yan.Minsan lang naman 'yan kaya sana maenjoy mo din"--nakangiting payo ng kanyang mommy at hinawakan pa ang kanyang mga kamay.

Mukhang kailangan na nga yata siyang ipagtulakan ng magulang para magkalove-life.Ilang taon na rin kasi siya subalit single pa din.Ilang taon na rin siya na puro trabaho ang inatupag pero hanggang ngayon, wala pa rin siyang nakikitang lalaking muling magpapatibok ng puso niya.

"Ok Mom, Dad! Papasok na po ako sa kuwarto.Goodnight"-- at tahimik na siyang umakyat ng hagdanan patungo sa kanyang kuwarto.Wala na ngang nasabi pa ang mga magulang kundi habulin na lang siya ng tingin.

"Palagay mo Hon, isinilang na kaya ang lalaki para sa unica hija natin?"--natatawang tanong muli ni Charlie sa asawa.

"Palagay ko naman eh.Isinilang na nasa malayo nga lang"--nakangiting tugon ni Marite.

Hindi alam ni Roni ang bagay na 'yun.Wala siyang ideya na alam ng magulang ang naging relasyon nila noon ni Borj.

Samantala...
Pagdating niya sa silid ay muli niyang pinagmasdan ang hawak na invitation.Isa iyong invitation card para sa upcoming reunion party ng alumni nila.Ang totoo, gusto niya sanang pumunta kung sasama si Jelai.Pero kung hindi sasama ang bestfriend niya, buo ang desisyon niyang matulog na nga lang sa kuwarto niya buong magdamag.

Habang hawak at pinagmamasdan ang invitation na 'yun, kayraming bagay ang muling bumalik at nanariwa sa isipan niya. Una, ang kakulitan nilang magkakaibigan noong highschool.Pangalawa, mga classmates niya nung highschool.At ang pangatlo, mga naging suitors niya at siyempre, si Borj.Ang first boyfriend niya.

Mariin siyang napapikit nang muling sumagi sa isipan niya ang dating nobyo.Erase!Erase!

Naiinis na tutol ng isipan niya.Hindi pwedeng maisip niyang muli si Borj.Matagal na niyang binura ang lalaki sa isipan at puso niya.Ayaw na niyang buhayin pa ang lalaking iyon.Para sa kanya, isang alaala na lang si Borj.Ilang taon na rin namang wala ang dating nobyo.At, ni isang Hi at Hello wala na sa kanila.Kaya para sa kanya, hindi na dapat pang umasa na babalik ang lalaki sa Pilipinas.Dahil kahit ang mga Kuya Yuan niya, tinalikuran at iniwan na nito.

Nasa ganoon siyang sitwasyon nang biglang nag ring ang telepono sa loob ng silid.Napapitlag si Roni.Saka walang ganang dinampot ang telepono.

"Hello"--simula niya.

"Hello Roni, si Jelai 'to!"--masiglang bati ng kausap niya sa kabilang linya.

"Oh sis, napatawag ka?"

"Sis..nakarecieved ka na ba ng invitation para sa reunion party ng school natin!?"--halatang masigla at puno ng pananabik ang tinig na 'yun ng kaibigan.

"Oo..actually, ito nga 'yung binabasa ko"--walang ganang sagot niya.

"Tara Roni, attend tayo!"--wika ni Jelai.

"Huh?! Sure ka ba sis?"--takang tanong niya.

Si Jelai kasi 'yung tipong kagaya niya.Mas gusto pang matulog at magkulong sa bahay.Pareho talaga silang kulang sa socialization.

"Oo naman sis.Isama na lang natin ang barkada para masaya tutal alumni party naman 'yun .Di ba parang ang saya!"
Bakas na bakas sa tinig ni Jelai ang excitement.Kung bakit?Hindi niya masabi.Clueless talaga siya at biglang naging curious kung bakit naging ganun ka interesado si Jelai umatend ng isang party.

"Ok sige.Kung G ka, eh di G na rin ako"--halos parang napilitang sagot niya sa kausap sa telepono.

"Ok dahil diyan sis.Magkita tayo sa Friday night, magtingin tayo ng isusuot.Kailangang maganda tayo sis"--at narinig pa niyang humagalpak ng tawa ang kaibigan.

Napakunot noo si Roni.Naguguluhan talaga siya sa reaksyon na 'yun ni Jelai.Pero siguro nga, baka nanabik lang din ang kaibigan na makadalo sa mga ganung klaseng gathering.At, dahil ok na ok kay Jelai ang party.Ok na rin 'yun para sa kanya.

Sumapit nga ang araw ng Biyernes.Lumabas sila ni Jelai para bumili ng mga damit at accessories na isusuot.Ayon sa kaibigan, muling pagkikita at pagsasama 'yun ng mga magkakaklase kaya dapat lamang na paghandaan nila.

"Sis, kailangan maganda tayo at hindi kailangang magpahuli ang beauty natin"--wika pa ni Jelai sa kanya.

Kahit sobrang nahihiwagaan siya sa mga kilos ng kanyang bestfriend, nagpadala na rin lang siya sa agos at sumayaw na rin siya sa tugtog.Mula sa damit, sapatos at mga kung ano-anong anik sa katawan ay si Jelai ang pumili.Anuman ang magustuhan nito ay tango lang siya ng tango dahil may tiwala naman siya sa taste ng kaibigan.

"Shopping Done best, all we have to do now is rest, para bukas maganda tayo!"-- nakangiting wika ni Jelai sa kanya at pinisil pa ang magkabilang pisngi niya.

Naiiling na ngumiti siya sa kanyang bestfriend. Kahit nagtataka talaga siya kung ano ba talaga ang magandang hangin ang nagpapaganda ng mood ng bestfriend Jelai niya.Kilala niya ito, hindi nito nakalakhan ang dumalo sa kung ano-anong okasyon para magpakapuyat lang.Pero ngayon, halatang-halata niya ang saya at sobrang pananabik para sa nalalapit na reunion party .Talagang pinaghandaan ni Jelai ang okasyon.Si Junjun lang ba talaga ang pinaghandaan ni Jelai.Ay kung sabagay, malamang nanabik lang si Jelai na makitang muli ang dating kaklase at mga kaibigan nila.noong highschool.
Iyon na lang ang tanging isinaksak niya sa utak niya.

Don't forget to hit the ⭐ as your support and feel free to give your comments/suggestions..

Proud StefCam fan here💕

♥️I Love You, Again♥️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon