Natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na nasa may clubhouse . Nakaupo at tahimik na nakatanaw sa malayo at halatang nasa malalim na pag-iisip.
"Roni, hindi naman kita pipiliting makipag-usap sakin kung hindi ka pa ready. Ok lang naman." --narinig niya ang tinig ni Borj na nasa may kanyang tabihan.
Napasikdo si Roni sa kinauupuan. Noon lang niya muling naalala na kasama nga pala niya si Borj. Gusto sana niyang magsisi kung bakit nga ba niya niyaya ang binata sa clubhouse para makausap.
Humugot siya ng malalim na buntong hininga saka nag-ipon ng lakas ng loob para muling magsalita.
"Hindi naman kita yayayain dito kung hindi pa ako ready na makipag-usap sayo. Saka siguro, tama lang si Jelai. Dapat na talaga nating mag-usap" --mahinang bungad niya sa pag-uusap na 'yun.
Nanatiling tahimik lang si Borj. Halatang naghihintay ito ng sasabihin ng dalaga.
"Sorry Borj... Siguro, masyado pa lang akong bata noon kaya hindi ko gaanong sineryoso 'yung tungkol sating dalawa."--bahagyang tumigil si Roni sa pagsasalita at pinakiramdman ang katabing binata.
"Alam ko naman na pag-aaral ang naging priority mo." --maya-maya ay narinig niyang wika ni Borj.
"Borj, 'yung mga sulat mo noon. Hindi ko na talaga sinagot pa. Natatakot din kasi ako, malayo ka... Para bang- Para bang ang hirap hirap magbigay ng buong tiwala. Naisip ko din kasi, paano kung hindi ka na bumalik? Paano ako dito? "--mahina subalit halata ang pait ng tinig nito.
" Naiintindihan kita Roni. Ang sakin lang naman, sana nalaman ko lang agad na may Basty . Para, hindi na lang ako umuwi. "--mas mapait ang tinig na 'yun ni Borj. Damang-dama niya na may lalim ang sakit na iniinda nito.
" I'm sorry Borj"--muli ay hinging dispensa niya.
" Ako pa tuloy ang naging dahilan ng hiwalayan ninyo ni Basty." --wika pang muli ng binata.
Maya-maya ay namagitan sa kanila ang katahimikan. Hindi malaman ni Roni kung paano ba dedepensa.
"Roni, sana maayos ninyo ang gusot ninyo ni Basty. Nagbabalak na rin naman akong bumalik kay Mommy kaya magiging masaya ako kung magiging ok kayo uli." --maya maya ay basag ni Borj sa katahimikan.
Muli, ay labis na pagkagulantang ang naramdaman ni Roni. Gusto niyang ipaulit sa binata ang sinabi nito kung totoo nga ba ang narinig niya.
"Babalik ka ng Amerika?"--pagkaklaro niyang muli sa binata.
Mahinang tango lang ang isinagot ni Borj sa kanya. Bigla ang kalituhang naramdaman ni Roni. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lamang ang haplos ng lungkot sa kanyang puso. Napakagat labi siya. May balak pa palang umalis si Borj. Buong akala pa naman niya, mag-iistay na ang binata sa Pinas for good.
Dahil wala agad maisip o mahagilap na salita si Roni na maaaring sabihin sa dating nobyo, mabilis na siyang tumayo mula sa pagkakaupo at mabilis na nagpaalam ng uuwi. Maagap naman siyang napigilan ni Borj.
"Di ba ang usapan, ihahatid kita." --bulong ni Borj sa punong-tenga niya habang maigting na nakahawak ang isa nitong kamay sa braso niya. Sobrang lapit ng binata. Halos magkadikit na ang katawan ng dalawa. Iilang distansiya ang nakapagitan sa kanila.
Mariing napapikit si Roni. Nakaramdam siya ng pagkailang. Hindi niya maiitago sa sarili na may kakaiba siyang naramdaman sa paglalapit nilang iyon.
Maya-maya ay lumuwag ang mga kamay ni Borj na kanina ay mahigpit na nakahawak sa braso niya.
Subalit, gaano man siya nalilibang sa mga eksena nila ni Borj, hindi maikubli sa mga mata niya ang labis na lungkot dahil sa masakit na katotohanang muling aalis ang dating nobyo.
"Ihahatid na ba kita Roni?" --maya maya ay narinig niyang tanong ng binata.
Isang malungkot na tango lang ng itinugon niya dito. Saglit pa nga ay magkasama na silang naglakad pauwi sa bahay nila.
"Thank you sa paghatid ha" --isang pilit na ngiti ang ibinigay niya sa binata nang sapitin na nila ang bahay nina Roni.
"W-wala ba si Yuan?" --tanong pa nito.
Pansamantalang nag-isip si Roni.
"B-bakit?"
"May sasabihin lang sana ako. Sige di bale na. Roni, pakisabi na lang kay Yuan, tawagan ako, please"--pagsusumamo pa nito.
" Sige Borj.. Makakarating sa Kuya ko"--at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay ang dalaga. Diretso siya sa kuwarto at doon ay humilata at pinakawalan ang masaganang luha.
Kung pwede nga lang bang ipukpok sa semento ang ulo niya. Gagawin niya para mawala na isip niya si Borj.
So.. dapat na ba niyang aminin.. na si Borj na ang mas matimbang ngayon sa puso niya over Basty.
Don't forget to hit the ⭐ as your support and feel free to give your comments/suggestions..
Proud StefCam fan here💕
BINABASA MO ANG
♥️I Love You, Again♥️
FanfictionSi Borj ang ex ni Roni... Therefore, si Roni ang ex ni Borj... Pero, paano nga ba magiging ex ni Borj si Roni kung umaasa ang binata na siya pa rin ang mahal ng dalaga?At paano na nga ba silang dalawa kung may isang "Basty" sa eksena. Hello mga ka S...