"Hello guys!"--nakangiting bati ni Roni sa mga kaibigan.
"Sorry ngayon lang kami.Ito kasing si Kuya ang bagal kumilos"--paninisi ni Roni kay Yuan at tinapunan pa nito ng matalim na tingin ang nakatatandang kapatid.
"Siyempre naman Roni no,kelangan nating magpapogi.Oh di ba, pogi naman talaga ang kuya mo"--natatawang saad naman ng Kuya Yuan niya.
Naiiling na lang si Roni sa mga banat ng kanyang kapatid.Naupo siya sa silyang nasa harapan ni Jelai saka humugot nang malalim na buntong-hininga.
"Girl, it's ok..Huwag kang sumimangot..Masisira ang mood mo.Ang ganda-ganda mo pa naman"--nakangiting pang-aalo pa sa kanya ni Jelai.
"Oo nga naman Roni, you look so lovely tonight."--nakangiting segunda naman ni Tonzy na nakaupo malapit lang din sa dalawang dalaga.
Nagkibit balikat lang siya sa narinig na komentong 'yun ni Tonzy.Sanay na sanay na kasi siya sa mga ganung papuri ng binata.Sa barkadang lalaki, si Tonzy ang pinagkakatiwalaan niya ng mga sekreto at anupamang bagay na tungkol sa kanya.Sobrang close lang talaga nila.Aside from Jelai, isa rin si Tonzy sa tinatawag niyang bestfriend.
"Alam ninyo guys, namiss ko kayo!Namiss ko ang bonding natin.Tagal na nating hindi nagkakasama ng ganito"--maya-maya ay narinig niyang sentimyento ng kanyang Kuya Yuan.
"Oo nga eh ako din.."--pangalawa ni Jelai.
"Mas masaya siguro noh, kung nandito si Borj!"--maya-maya ay wika pang muli ni Jelai.
Napakunot ang noo niya nang makitang tinapunan siya ni Jelai ng makahulugang tingin at ngiti.Hindi niya alam kung paano ba siya magrereact.Pinilit na lang niyang kumalma at huwag magpaapekto sa narinig.Tutal naman ay naroon sila para mag-enjoy.Hindi na niya pinansin ang pasaring na 'yun ni Jelai.Tumahimik na lang siya at humalukipkip.
"Oo nga eh, nakakamiss na talaga si Borj.Ang tagal na niyang wala.Ikaw, Roni, hindi mo ba siya namimiss?!!"--prangkang tanong sa kanya ni Junjun.Sa barkada talaga si Junjun ang may pagkataklesa.Yun bang tipong walang pakundangan ang bibig.
Natigilan siya nang mapansin niyang sa kanya lahat nakatuon ang pansin ng mga kaibigan.Maging ang kuya Yuan niya.At halatang naghihintay sila ng kanyang magiging sagot.Gusto tuloy niyang batuhin na lang si Junjun.Kung bakit ba kasi sa kanya na naman napunta ang walang kabuluhang paksa na 'yun.
Muli niyang pinakalma ang sarili.Walang mangyayari kung magpapadala siya sa biruan. Sayang ang damit at pera niya kung hahayaan niyang masira ang gabi niya dahil lang sa naririnig niya ang pangalan ng dating nobyo. Nanatili na lang siyang tahimik at hindi na pinatulan ang mga tudyo ng kaibigan.
"Actually, pinadalhan ko si Borj ng invitation"--maya-maya ay narinig niyang wika muli ng kapatid.
"So..anong sagot?sumagot naman ba?"--tanong pang muli ni Jelai na halatang nanabik ang tinig.
Hindi sumagot ang kapatid.Malamang ay negative.Maaaring hindi sumagot si Borj.Or marahil ay nagpasabi ito na hindi makakarating.
"Speaking of the---!"--Napatayo si Jelai sa labis na pagkagulat at hinampas nito ang katabing si Yuan para maituro kung sino ba ang nakita nito?
"Borj!!!"--sigaw ng kanyang Kuya Yuan at agad na nagtungo sa may bahaging likuran ni Roni.Dahil hindi agad basta basta makakalingon si Roni upang tingnan kung totoo nga bang nandun si Borj inisip na lang ni Roni, acting lang ang lahat.At pinakamagaling talagang mag-inarte sa ganung bagay ay ang kanyang kapatid.Alam niyang malakas ding mantrip si Jelai kaya sa sandaling 'yun, nagsisimula na siyang mainis kung plano siyang iprank ng sariling tropa niya.
Naiiling na lang si Roni sa mga kaganapan.Havey na havey kasi ang trip ng mga kaibigan at kapatid niya sa gabing 'yun.Binuksan niya ang bag at kinuha ang cellphone para doon na lang ibaling ang kanyang oras.Kaunting oras pa, bibigay na ang pisi niya sa mga kaibigan ganundin sa Kuya Yuan niya.
BINABASA MO ANG
♥️I Love You, Again♥️
FanficSi Borj ang ex ni Roni... Therefore, si Roni ang ex ni Borj... Pero, paano nga ba magiging ex ni Borj si Roni kung umaasa ang binata na siya pa rin ang mahal ng dalaga?At paano na nga ba silang dalawa kung may isang "Basty" sa eksena. Hello mga ka S...