Kinaumagahan ay patuloy pa ring bumubuhos ang ulan. Maagang nagising si Roni at naghanda para sa muling pagpasok sa opisina. Maya-maya pa ay nakita niyang nagmamadaling lumabas ng silid ang kanyang Kuya Yuan.
"Roni, mauna na ako sayo ha. May lalakadin pa kasi ako ngayon. Pakisabi na lang kina Mommy at Daddy na umalis na ako" --at lumabas na nga agad ito ng bahay . Maya-maya nga ay narinig na niya ang ugong ng papalayong kotse ng kapatid.
Naiiling na napabuntong-hininga si Roni. Naisipan niyang magluto na lamang ng almusal. Maya-maya ay nakita na rin niyang magkasunod na lumbas ng kuwarto ang Mommy at Daddy niya at mukhang bihis na bihis na rin.
"Roni, iha.. Aalis na kami ng Daddy mo ha. Hindi na ako nakapagprepare ng breakfast kasi kailangan naming makapunta ng maaga dun sa service namin. Ikaw na muna ang bahala ha" --malambing na wika ng Mommy niya habang pinipisil pa ang kanyang mga pisngi.
"Mom, Dad.. Don't worry ok lang naman po. Kaya ko na 'to"--nakangiting sagot naman niya sa magulang.
" Ok Bye Roni"--halos panabay na wika ng Mommy at Daddy niya at lumabas na rin ng bahay.
Niliksihan ni Roni ang kilos. Nagluto lamang siya ng pagkain na madaling lutuin at kasya lang sa kanya. Kumain at pagkatapos ay dali-dali na siyang naligo at inayos ang sarili.
Nang handa na siya sa pagpasok. Inisip niya munang magpatila tutal naman ay maaga pa. Kaya saglit siyang naupo sa may sofa at inabala ang sarili sa cellphone.
Bigla niyang naalala si Borj. Tumawag kasi si Basty na hindi pa ito makakapaghatid ngayong araw sa pagpasok niya sa trabaho, kung pakikiusapan kaya niya si Borj, pagbibigyan kaya siya nito.
Saglit siyang nag-isip. Umiral naman ang hiya niya sa katawan. Isa pa, bukod sa nahihiya siya sa binata, naiilang din naman siya.
Kung si Tonsy kaya ang tawagan niya. Naku, malamang tulog pa naman ang kaibigan sa ganoong oras.
Kung si Junjun naman kaya. Naku, mas tiyak naman na mas tanghaling gumising ang isang iyon.
Iisa na lang ang natitirang pwede niyang tawagan. Si Jelai.
Hinahanap na niya sa cellphone ang number ni Jelai para tawagan ang kaibigan. Ngunit, nagulat siya ng biglang mag vibrate ang cellphone niya dahil may tumatawag. Muntik na niyang mabitiwan ang cellphone dahil nakita niya sa screen na pangalan ni Borj ang rumerehistro doon.Hindi na siya nag-isip pa. Agad na niyang sinagot ang tawag ng binata.
"H-hello Borj" --sagot niya habang pilit pinapakalma ang tinig.
"Roni...Lalabas ka pa ba ? Male-late ka na?" --diretsang saad ni Borj.
Nagulat siya at agad napakunot-noo. Binuksan niya ang pintuan at tinanaw ang labas ng gate. Nakita niya na naroon na nga ang magarang kotse ng gwapong binata.
"Ha!? Ah... Eh.. s-sige lalabas na ako.. sandali lang" --at mabilis na niyang pinatay ang cellphone at tsinek ang kabahayan bago tuluyang lumabas at ini-lock ang pintuan ng bahay.
Matipid na ngiti ang isinalubong niya sa binata pagkakita dito. Hindi maiikaila talaga na sobrang gwapo ni Borj. Mas dumoble ang kagandahan nitong lalaki ng mag matured kumpara nung bago ito umalis patungong Amerika.
Ilang saglit pa ay nasa loob na rin siya ng kotse ni Borj. Langhap na langhap niya ang napakabangong amoy ng binata. Gusto na lang niyang mahilo at mawalan ng malay tapos ay magigising siya na nakasandig sa matitipunong braso ng dating kasintahan.
"Toinks... Ano ba ang iniisip mo Roni.. Kumalma ka nga" --hiyaw ng isipan niya sa kanyang naiisipang kabaliwan.
Agad naman niyang binura sa imahinasyon ang kagagahang naisip. Hindi pwede 'yun... Nailing na lang siya.
Maya-maya ay napagbalingan na lamang ng kanyang atensyon ang nananahimik na si Borj.
Ok lang naman sigurong kausapin ang binata. Kaya nag-ipon siyang muli ng lakas ng loob na kausapin ito.
"Borj.. Kumusta naman 'yung... Y-yung lakad ninyo ni Abby kagabi? Enjoy ba 'yung concert? "--sa wakas ay naitanong din niya.
Nagkibit balikat lang ang lalaki saka kaswal na tumugon.
"Hindi na kami pumunta ni Abby"--direktang sagot ni Borj.
Napakagat labi si Roni at agad na umandar ang malikot na imahinasyon niya.
" Bakit kaya hindi tumuloy sina Abby at Borj sa concert.?Goshhh.. Baka may ibang pinuntahan ang dalawang ito"-napakaadvance talaga niyang mag-isip. Minsan, talaga. Ang bilis maging berde ng utak niya pagdating sa ganung sitwasyon.
Pero teka.. Kailangan niya pa ring itanong sa binata kung bakit hindi sila natuloy sa panonood ng concert kagabi. Kailangan niyang malaman at ng makapagsagawa siya ng mabilis na imbestigasyon kung saan nagtungo ang mga ito kagabi at hindi natuloy sa panonood ng concert.
"Eh teka.. B-bakit naman hindi kayo tumuloy. Eh di ba, paborito mong banda iyon" --kunwa ay nagtatakang tanong niya sa binata.
Ipinarada ni Borj ang kotse sa tabi ng kalsada. Noon lang namalayan ni Roni na naroon na pala sila sa harap ng pinapasukan niyang opisina.
Lihim na napasimangot si Roni. Bitin naman kasi ang usapan nila ni Borj. Nakakaisang tanong pa lang siya at hindi pa nga nagagawang sagutin ng binata ang tanong niya heto at narito na agad siya . Siya na ang nagkusang nagbukas ng pintuan ng kotse. Hindi na niya hinintay pa si Borj. Aktong bababa na sana siya ng kotse ng marinig niyang muli ang seryosong tinig ni Borj.
"Roni" --tawag nitong muli sa kanya at nagkabanggaan na muli ang mga mata nila sa muling paglingon niya sa binata.
"Ang hirap naman kasing pumunta at manood ng concert kung alam mong hindi ka rin mag-eenjoy .Dahil hindi mo kasama 'yung taong gusto mong makasama." --walang gatol na sagot ni Borj habang titig na titig sa dalaga.
Saglit ay tila nahipnotismo siya ng mga tingin ni Borj. Tila saglit siyang nakalimot at nawala sa sarili dahil sa nakalulusaw na titig na 'yun ng dating nobyo.
Sa wakas ay nakabawi din siya. Tinugon na lamang niya ng simpleng ngiti ang winika ng dating kasintahan.
"Salamat sa paghatid" --maikling wika niya bago tuluyan nang bumaba ng kotse at nagmamadaling pumasok na sa loob ng gusali na pinapasukan niya.
♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️
Don't forget to hit the ⭐ as your support and feel free to give your comments/suggestions..
Proud StefCam fan here💕
@SpunkySpirit
BINABASA MO ANG
♥️I Love You, Again♥️
FanfictionSi Borj ang ex ni Roni... Therefore, si Roni ang ex ni Borj... Pero, paano nga ba magiging ex ni Borj si Roni kung umaasa ang binata na siya pa rin ang mahal ng dalaga?At paano na nga ba silang dalawa kung may isang "Basty" sa eksena. Hello mga ka S...