Natagpuan na lang ni Roni ang sarili na kumakain sa isang mamahaling restaurant. Sa harap niya, naroon si Borj. Hindi gaanong makuwento ang binata.Mas mahilig itong magtanong sa kung ano-anong bagay tungkol sa dalaga.
Hanggang sa maya-maya...Ikinagulat niya ang sumunod na tanong nito...
"May boyfriend ka ba ngayon Roni?!"--walang gatol na tanong nito habang direkta pa rin ang mga matang nakatuon sa dalaga.
"Ha! huh!?"--napangangang tugon niya.
Naudlot tuloy siya sa pagsubo ng pagkaing hawak niya.
Ang totoo, pinagpawisan siya sa tanong na iyon.
"Ahm..sorry Roni.Mukhang nagulat ka sa tanong ko.Ok lang, 'wag mo na lang sagutin."--nakangiting wika ni Borj.
Hindi na nga siya kinulit pa ni Borj.At ewan din ba niya kung bakit hindi na rin siya nag-abalang sagutin pa ang tanong ng binata.
"Hindi na tayo.masyadong nakapag-usap nung reunion party eh.Kaya sabi ko talaga,naku babawi ako sayo!"--wikang muli ni Borj.
Sa isip-isip ni Roni....
"Paano ba sila makakapag-usap eh wala namang inatupag ang lalaking ito kung hindi si Trisha.!Trisha..Trisha...Trisha...!!!!"
Haiiist...
Nawawalan na ata agad siya ng ganang kumain ng maalala ang gabing iyon.
Ang eksenang naghaharutan sina Borj at Trisha samantalang siya tagapanood lang sa eksena.
Napasimangot siya.Tila, tinabangan na nga talaga siya sa pagkain.
Uminom siya ng juice at matipid na ngumiti sa kaharap.
"Hindi mo naman kailangang bumawi Borj..Una, wala ka namang obligasyon sakin. Pangalawa, hindi naman ako nag-eexpect ng special attention mula sayo.At pangatlo...Sino ba naman ako para pag-aksayahan mo ng oras?"--hindi alam ni Roni kung saan ba nanggaling ang lakas ng loob niya para direktang sabihin lahat 'yun sa ex-boyfriend niya.
OMG....Maya-maya ay wika na naman siya sa sarili. Ang talas talaga ng dila niya!!!
Minsan talaga hindi na rin siya nag-iisip...
"Oh...sorry!!!!Nabigla lang ako"--maya-maya ay wika niyang muli habang pinapakalma ang sarili.
"Excuse me...Punta lang ako sa cr."--Sinabayan niya ng pagtindig upang makaiwas na sa binata.
Subalit nagulat siya sa sumunod na ginawa ni Borj.
Pinigilan siya nitong tumayo.Hinawakan nito ang mga kamay niya.Ramdam niya na napakahigpit ng hawak ng mga kamay ng binata.Kaya sinubukan niyang tingnan ang mga mata nito.
Seryoso ang anyo ni Borj. At nararamdaman niya na may nais itong sabihin sa kanya.
Jusku...Nagalit na yata si Borj...
Nagalit ba ito dahil sa mga sinabi niya.
Ang mahigpit na paghawak ni Borj sa mga kamay niya ay unti-unting lumuwag...Maya-maya ay tuluyan ng kumawala ang mga kamay ni Borj sa kamay niya.
Napahugot siya ng malalim na buntong-hininga saka muling tumayo.Tinungo ang Comfort room.
Habang naglalakad,napapaisip si Roni.
Ano kaya ang nais sabihin sa kanya ni Borj?
Haiiisttt...
Nabitin tuloy siya. May nararamdaman pa kaya sa kanya ang dating nobyo???
Nagiging asumera na naman siya!!!
Kung ano-ano na naman ang iniisip niya tapos sa huli mali rin pala.Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin.Maganda naman talaga si Roni.Malaki ang laban ng beauty niya kung ilalaban lang din kay Trisha girl ni Borj.
![](https://img.wattpad.com/cover/315166374-288-k954969.jpg)
BINABASA MO ANG
♥️I Love You, Again♥️
FanfictionSi Borj ang ex ni Roni... Therefore, si Roni ang ex ni Borj... Pero, paano nga ba magiging ex ni Borj si Roni kung umaasa ang binata na siya pa rin ang mahal ng dalaga?At paano na nga ba silang dalawa kung may isang "Basty" sa eksena. Hello mga ka S...