Mahaba-haba na rin ang itinatakbo ng sasakyan ni Borj subalit tila wala itong balak magsalita.Nanatiling tahimik na lang din si Roni.Inirespeto niya ang pananahimik ni Borj.Kung ayaw siya nitong kausapin, eh di 'wag!
Naniniwala naman siyang walang masamang gagawin si Borj na ikapapahamak niya.Pero lingid sa kaalaman ng binata.Nakaalerto kaya siya.Hawak niya ang cellphone at oras na kumilos nang masama ang binata ay agad niyang tatawagan ang Kuya Yuan niya.
Napansin ni Roni na paliblib na nang paliblib ang tinutumbok ng sasakyan ni Borj.Kung hindi bundok ay tiyak na dagat ang pupuntahan nila.
Ilang sandali nga ay tumigil na ang sasakyan ng binata. Tahimik pa rin si Borj.Mabilis itong bumaba ng kotse at ipinagbukas siya ng pintuan.Maingat pa siya nitong inalalayan sa kanyang braso kaya naman nagkalapit ang kanilang mga katawan.Nakaramdam man si Roni nang pagkailang, hinayaan na rin niya na hawakan siya ng binata.
Naglakad silang dalawa papasok sa isang pribadong resort.Nakabibingi ang katahimikan ng lugar.Tanging hampas ng alon at huni ng mga ibon ang maririnig mo sa paligid.
"Wow!!!Girl..Mukhang masosolo mo si Borj ngayon ah" tudyo na naman ng baliw na utak niya.
Lihim na napangiti si Roni sa isiping 'yun.Nagpatuloy sila sa paglalakad.Patuloy siyang inalalayan ni Borj patungo sa tabing dagat.Naramdaman niya na napakahirap maglakad sa mabuhangin kaya saglit siyang naupo sa may kahoy na nadaanan niya upang tanggalin ang high- heel shoes na suot niya.
"S-sandali lang ha."at naiilang siyang ngumiti kay Borj at inumpisahan na ngang tanggalin ang suot niyang sapatos.
Nagulat siya ng umupo din si Borj sa harapan niya at tiningnan ang mga paa niya.
"Let me help you".-- wika ng binata sa tinig na mas lamang na nag-uutos kesa humihingi ng permiso.
"Huh!"--gulat na namang reaction niya.
Gusto niyang magpipitlag sa oras na iyon.Siyempre nahihiya siyang pahawakan ang mga paa niya.
"Its ok.Ako lang toh, Roni"--maya-maya ay nakangiting saad ni Borj habang tinatanggal ang sapatos niya.
"S-sorry!"maya-maya ay tila wala sa sariling nawika ng dalaga.Noon din ay naglakas ng loob siyang titigan ang gwapong mukha ni Borj habang abala ito sa pagtatanggal ng sapatos niya.
"For what!?"--mahina at kaswal na tugon naman ng binata.
"Sa lahat"--maya-maya ay wikang muli ni Roni.Naiinis siya sa sarili.Bakit kasi bigla na lang gumaralgal ang tinig niya.Parang gusto na lang niyang umiyak nang pagkalakas- lakas.
Maya-maya ay nag-angat ng mukha si Borj upang tingnan siya.
Ewan ba niya kung bakit tila nawawala na naman ang lakas ng loob niya sa tuwing tititigan siya ni Borj.Siya naman ang nagbaba ng tingin.Nanatiling tahimik ang binata.Subalit naramdaman niya ang marahang pagdampi ng kamay ni Borj sa kanyang baba.Itinunghay nito ang mukha niya.Wala.na siyang magagawa kundi direktang tingnan na rin ang lalaki.
Kahit naiilang ay pilit nilabanan ni Roni ang mga titig nito.Maya-maya ay sumilay ang ngiti.
"Shhhhh!!!Hindi ka man mag-sorry sakin.Noon pa man, napatawad na kita.Ganun talaga siguro kapag nagmamahal."--nakangiting wika ni Borj.At ayun, parang tumigil na naman sa pag-inog ang mundo niya.Sobrang sarap lang talagang makita ngayon nang malapitan at makausap si Borj.Biglang nangilid ang luha niya sa labis na kasiyahan.
Tumayo na siya mula sa pagkakaupo upang maliksing punasan ang mga luha sa matang gustong-gusto nang tumulo.
Subalit hindi naligtas 'yun sa mga matang mapanuri ni Borj.
BINABASA MO ANG
♥️I Love You, Again♥️
FanficSi Borj ang ex ni Roni... Therefore, si Roni ang ex ni Borj... Pero, paano nga ba magiging ex ni Borj si Roni kung umaasa ang binata na siya pa rin ang mahal ng dalaga?At paano na nga ba silang dalawa kung may isang "Basty" sa eksena. Hello mga ka S...