CHAPTER 1:

750 34 8
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 1:

Sa unang araw ng pasukan ni Hanamichi Sakuragi bilang nasa 2nd year level na ng high school ay kasabay niya ang apat nitong barkada na sina Mito, Takamiya, Ohkusu at Noma. Habang naglalakad ang lima ay binuksan ni Mito ang usapan tungkol sa mga magiging kaklase nila.

"First day of school natin ngayon, panigurado sa section namin. Madami nang mga bebot. Diba Hanamichi?" Ngising tanong ni Mito sa kanya.

Ngumuso lang si Hanamichi. "Sana nga ganun, Mito. Atlis isa sa kanila ay magiging jowa ko." Sagot niya.

"Ang ibig bang sabihin nyan Hanamichi ay tuluyan mo nang pinalaya si Haruko sa puso mo?" Tanong naman ni Takamiya sa kanya.

Biglang napabuga ng hangin si Hanamichi sa kanyang tinanong.

"Anong magagawa ko kundi yun lang. Ayoko namang ipagpilitan ang aking sarili sa kanya. Ika nga nila... Kung totoo kang lalake, maintindihan mo ang nararamdaman ng babae at ang pagmamahal ay hinihintay, hindi minamadali o pinipilit." Makatwirang sagot ni Hanamichi sa kanya.

"Aba, waw naman Hanamichi. Nag 2nd year ka lang naging mature kana agad. Malapit na ba ang kamatayan mo?" Natatawang tanong ni Ohkusu sa kanya.

Nagtawanan din ang tatlo pa nilang kasamahan sa kanya.

"Siraulo ka palang boang ka eh. Ewan ko sa inyo!" Inis na sagot nito sa naunang tumakbo upang iwan sila.

"Huyyy Hanamichi, hintay! HAHAHAHAHA!"

Naiinis si Hanamichi, napabulong na lang siya at huminto. "Mga loko-loko talaga..."

Nagpatuloy na lang sila sa paglalakad.

Ilang sandali ang lumipas, ilang kanto na lang ang dadaan nila ay bigla silang napatigil nang may narinig silang basag na bagay sa isang liblib na bahagi ng building.

*Crassssgggg!*

"Huh? Teka, ano yun?" Gulat na tanong ni Hanamichi.

"Mukhang nanggagaling doon." Turo ni Mito sa gilid ng building.

Nagsilapitan naman sina Hanamichi doon at napasilip.

"Ano ba! Bitawan niyo nga ako!" Sabi ng isang babae sa apat na lalakeng kumorner sa kanya.

Pero mukhang walang narinig ang apat na lalake at nagtawanan lamang. Puro mga siga sa kanto.

"Hehehehe, ang ganda mo naman miss. Pwedeng paisa?" Tanong nung bigotilyo.

"Manyak!" Sigaw ng babae sa kanila.

Pero bigla siyang hinawakan ng dalawang lalake sa magkabilang kamay.

Samantala sina Hanamichi at ang apat na ungas ay napasilip sa gilid.

"Tignan niyo, kawawa naman yung babae." Sabi ni Takamiya.

"Hindi maganda ang nararamdaman ko dito. May masama silang binabalak." Seryosong sabi ni Mito.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon