CHAPTER 37:

239 23 8
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 37:

Tumatakbong hinanap ni Hanamichi sa ospital ang kwarto kung nakaconfine si Kaiden. Dali-dali siyang tumungo sa room 306 na nasa fourth floor ng establishimento kasama ang tatlo na sina Saiga, Yugo at Freya. Pagkakita ni Hanamichi sa room 306 ay walang pasabing binuksan ang pinto.

"Kaiden!" Habol-hiningang sambit niya habang hinahanap ng kanyang mata ang dalaga.

Nakita niya si Honoka na nakayukong umiiyak sa upan sa gilid ng higaan kung saan katabi nito ang isang katawan na nababalutan ng puting tela.

Parang binagsakan ng langit at lupa si Hanamichi nang mapagtanto niya kung sino 'yun. Sa buhok nitong kulay itim ay hindi maipagkakailang si Kaiden ito.

Hindi napigilan ni Hanamichi ang kanyang mga luhang umagos mula sa mga mata. Parang hinihila ang puso niya palabas sa kanyang katawan.

"Sakuragi." Lumuluhang sambit ni Honoka at niyakap siya.

Akmang lalapit si Yugo sa kanila nang pigilan siya ni Saiga.

"Honoka... Si K-Kaiden. Totoo ba'to?" Hindi sinagot ni Honoka ang kanyang tanong sa halip patuloy parin sa pag-iyak. Humiwalay si Honoka sa pagkayap at muling binalingan ng tingin ang walang buhay na katawan ni Kaiden na nakahilata sa patient's bed.

"Patawad, Sakuragi. Hindi niya kinaya ang mga tinamong saksak. Inatake siya ng extreme seizure dahil namaga ang leeg niya mula sa pagkakasakal ng Gang Leader ng kalaban sanhi ng kanyang kamatayan. Patawad kung medyo huli ako nung mailigtas ko siya." Muling umiyak si Honoka nang maalala niya ang mga nangyari.

Yumukom ng kamao si Hanamichi dahil sa sama ng loob. Nagagalit siya, pakiramdam niya parang papatay siya ng tao wala sa oras dahil sa impormasyon ng sanhi ng kamatayan ni Kaiden. "Humanda sila sa'kin, papatayin ko sila!" Tiim-bagang sambit nito. Nilapitan niya ang bangkay ni Kaiden. Marahan nitong inalis ang telang nakatakip sa mukha ng dalaga. Nakita niya ang maputla nitong mukha at hindi na humihinga. "Kaiden... Mahal ko." Niyakap nito ang katawan niya.

Nakatingin lang si Saiga sa kanila. Talaga ngang mahal na mahal nito ang kapatid niya.

"Kaiden, patawarin mo'ko. Alam kong malaki rin ang nagawa kong kasalanan sa'yo. Sana pinatawad agad kita nung humingi ka ng kapatawaran sa'kin. Sana sinunod ko ang puso ko at hindi ang pride ko. Ang mga namumugto mong mga mata mula sa pag-iyak, ang mga mata mong lumuluha na ako ang dahilan, nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko 'yun, hindi ko kayang makita kang umiiyak. Hindi ako pinatahimik ng kaluluwa ko nang matapos ang gabing 'yun." Umiiyak si Hanamichi nang sabihin niya ang katagang 'yun.

Parehong naging malungkot ang hitsura ng apat sa emosyong tumatagos ngayon sa isang sigang lalake katulad ni Hanamichi.

"Para akong sinaksak ng ilang milyong karayom nang makita kang umiiyak habang inamin mo sa'kin ang totoo mong nararamdaman. Gustong-gusto kitang yakapin at patahanin sabay sabing 'Tahan na' pero hindi ko nagawa. Nang sabihin mo sa'kin na mahal mo rin ako, alam mo bang kung gaano ako kasaya sa pinakaloob-looban ng puso ko? 'Yun ang bagay na gusto-gustong makuha at makamit mula sayo, pag-ibig mo lang at buo na ang pagkatao ko." Hinawakan niya ang malamig na kamay ng dalaga at idinikit sa mukha niya. "Ang pagmamahal ko para sa'yo ay higit pa sa akala mo, Mahal ko... Mahal na mahal kita, Kaiden." Hinalikan ni Hanamichi ang kamay ni Kaiden.

"Okay, wala nang bawian ah?"

Napadilat si Hanamichi sa nagsabi nun. Agad siyang napatingin sa harap niya.

Nakita niya si Kaiden na nakangisi sa kanya. "Mahal na mahal mo naman pala ako ee." Sabi ulit nito.

Biglang napalayo si Hanamichi sa kanya na parang nakakita ng multo. "Whaaaaaaahh! B-Buhay ka?"

"Oo naman, anong akala mo sa'kin namamatay agad?" Taray nitong tanong sabay alis ng concealer sa mga labi na dahilan para magmukha siyang maputla. Muli niyang ngisihan si Hanamichi. "Paano ba 'yan? Wala nang bawian ah?"

Hindi parin makapaniwala si Hanamichi. Tiningnan niya ang apat na nagpipigil ng tawa sa likuran niya. "HOY! KAYONG APAT! HUWAG NIYONG SABIHIN NA PRANK LANG 'TO?!" Lintya niya.

Natatawang sumagot si Honoka. "Sorry pero, oo." Sagot nito sabay kindat.

"Atleast maganda ang naging resulta. Salamat sa ating teamwork." Proud na sagot ni Saiga.

Tumayo agad si Hanamichi at tinuro si Saiga. "Hoy, One-eye ka! Kaya pala hindi ka umiyak kanina dahil namatay si Kaiden 'yun pala magkakuntyaba kayong lahat?! Ano bang motibo niyo? At ikaw din One-hand, kailan pa kayo nagkasundo ng One-eye na 'yan?!" Sunod-sunod nitong tanong na parang nababaliw. "Magpaliwanag kayo!"

"Lol, chill ka nga lang. Concern lang kami kay Kaiden kaya na'min nagawa 'to." Yugo

"At isa pa, ito lang ang alam naming paraan para magkaayos ulit kayo ni Kaiden. Kahit kami ay hindi sanay na makita siyang umiiyak habang naglalabas ng sama loob." Honoka

"Kaya naisipan na'min ang ganitong set-up para magkasundo ulit kayo." Freya

"Pambihira kayo, ee ginawa nyong patay si Kaiden sa set-up niyo akala niyo ba nakakatuwa 'yun?" Maktol ni Hanamichi.

"Syempre naman nakakatuwa lalo na 'nung umiyak ka." Pigil tawang sagot ni Saiga. Hinampas naman siya ni Freya sa balikat.

"Ehem."

Napatingin ulit si Hanamichi kay Kaiden na nakaupo sa patient's bed. "K-Kaiden..."

"Ano? Tatawagin mo na lang ako palagi sa pangalan ko?" Kaiden

"S-Sorry naman... Honey." Nahihiyang tugon ni Hanamichi. Pero hinila lang siya ni Kaiden upang yakapin.

"Kaikai, 'wag ganyan!" Awat ni Saiga pero siniko lang siya ni Freya. "Masyado silang magkadikit!"

"Hayaan mo na, para namang hindi kita ginaganyan." Awat ni Freya, namula si Saiga doon at agad umiwas ng tingin dahil sa hiya.

"Yucks, Honey. Ang jeje!" Yugo

Tiningnan naman siya ng masama ni Hanamichi. "Tumahimik ka dyang One-hand ka! Inggit ka lang!"

"Bakit naman ako maiinggit ee meron na ako?" Hinawakan niya ang kamay ni Honoka. "Di'ba, Love?" Inirapan lang siya ni Honoka dahil sa kakornihan.

"Dahil maayos na ang lahat, kailangan na na'ting pag-usapan ang totoong agenda." Pukaw ni Freya sa kanila.

"Totoong agenda?" Hanamichi

"Oo... Ang kamatayan lang ni Kaiden ang peke dito, pero ang Gang na sumaksak sa kanya hindi at 'yun ang pag-uusapan na'tin." Sumeryoso ang lahat sa sinabi ni Freya. "Nagtakda sila ng riot sa ikalawang araw simula bukas. Sangkot dito ang Gang ni Saiga dahil sa koneksyon kay Kaiden at si Honoka na konektado naman kay Yugo."

"Nakalaban na na'tin dati ang Gang na 'yun, Sakuragi. Sila 'yung Gang na may mga patalim bawat miyembro, mas dumami ang bilang nila kumpara sa huli na'tin silang nakalaban." Sabi rin ni Honoka.

Napaisip si Hanamichi sa itinakdang araw na sinabi ni Freya. Ikalawang araw simula bukas, kung ganoon ay umaga sa makalawa. May riot na magaganap, pero 'yun din ang araw na haharapin nila sa match ang kuponan ng Ryonan, pero kailangan niyang gumanti sa Gang na nanakit sa pinakamamahal niya.

"Nako, anong gagawin ko?" Hanamichi

KnightAncient | Henyong Si Sakuragi

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon