CHAPTER 19:

168 21 4
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 19:

Kinabukasan, isang araw bago ang High School Week ay sabay lumabas sa classroom si Hanamichi at Mito. Pagdaan nila sa Class 2 section 9, nagsikunutan ang mga noo nila ng makita nila ang mga babae sa hallway na panay ang tili sa bintana.

Dahil na curious ang dalawa kung ano 'yon ay pinuntahan nila 'to.

"O m g, girl! Ang gwapo niya!"

"Oo nga, transferee ba siya?"

"Siguro, ngayon ko palang siya nakita ee."

"Ang gwapo niya!"

Gustong pag-uuntugin ni Hanamichi ang mga nagtitiling babae sa harap niya dahil sa kaharutan nito. Tinignan naman ni Hanamichi kung sino ang tinutukoy ng mga babaeng 'to. Sumilip siya sa bintana at doon nakita niya ang pamilyar na lalake na pinagkakaguluhan ng mga babae.

Nakangiti ang gwapong binata sa mga kababaihan, nang magtama ang kanilang mga tingin ni Hanamichi ay natigilan ito.

"Hanamichi... Kilala mo ba siya---"

"Sakuragi! Mito!" Sigaw nung lalake sa loob saka dali-daling tumakbo palapit.

Kumunot ang noo ni Hanamichi kung bakit kilala siya nito.

"Kilala niya ako?" Mito

"Sakuragi, grabe! Wala ka paring pinagbago, mukha ka paring sanggano! Ikaw rin, Mito!" Natatawang sabi nito na ikinairita naman ni Hanamichi.

"Sino kabang Ungas ka?" Hanamichi

Natigilan naman 'yung lalake. "Hindi mo'ko nakikilala?"

"Sino ka ba?" Ngiwing tanong ni Hanamichi.

Umubo muna ng peke ang lalake saka nagpakilala. "Ehem... Ako si Yugo Asamiya, ako yung nerd na loser na mahilig bully-hin ng mga sanggano nung nasa Waku Junior High pa tayo." Pakilala niya.

Nanlaki naman ang mga mata ni Hanamichi at Mito nang malaman nila kung sino siya. Hindi sila makapaniwala. Tinignan nila from head to toe si Yugo bago nagsalita.

"I-Ikaw si Yugo-bantot?!" Sabay na sabi ni Hanamichi at Mito habang nakaturo.

"Yugo-bantot ba kamo? Well, not anymore." Ngising sabi nito.

Nanibago din si Hanamichi sa hitsura niya. Bukod sa wala na siyang salamin sa mata, pati ang dating pulang buhok nito ay naging berde na.

"Nagpakulay ka buhok?" Tanong uli ni Hanamichi.

"Yep! Nakakasawa kasi ang red, kaya ginawa ko na namang green." Malakas naman siyang binatukan ni Hanamichi. "Aray! Para saan naman 'yon, Sakuragi?!"

Nainis naman ang mga babae kay Hanamichi dahil sa ginawa niya kay Yugo.

"HINDI MO'KO MASISISI KUNG HINDI KITA NAKILALA! BANTOT KA!" Napatakip ng tenga si Yugo sa sigaw ni Hanamichi.

"Ba't ka nagagalit?" Kunwaring nalungkot si Yugo sa kanya.

"Tumigil ka dyan--- tatadyakan kita." Ngumiti agad si Yugo baka totohanin ni Hanamichi ang banta nito. Kilala niya kung anong klaseng tao si Hanamichi, iritable ito at madaling mapikon. Lahat ng sinasabi ay talagang ginagawa.

Aalis na sana si Hanamichi nang muling nagsalita si Yugo. "Oo nga pala, Sakuragi. Gusto ko sanang magpasalamat ulit tungkol sa gabing 'yon. Kung hindi mo'ko tinulungan, baka tuluyan na akong namatay sa kamay ng mga 3rd years." Pormal itong yumuko sa kanya. "Utang ko sayo ang kasalukuyang kalusugan ko ngayon."

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon