CHAPTER 53

108 6 2
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT SECOND FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 53

BUMALIK si Hanamichi sa gymnasium pagkatapos nilang ayusin ni Kaiden ang problema ng isa't-isa. Nahimasmasan kahit papaano si Kaiden sa mga dinadala niyang problema pero hindi pa rin bumabalik ang nakasanayan niyang ngiti.

Mag-aalas singko y medja na ng hapon at naisipan niyang puntahan si Hanamichi sa gymnasium. Pagkababa niya sa pinakapalapag ng first year building, sa ikalawang hallway ng ground floor ay may naaniagan siyang kilalang tao na nakatayo sa gilid habang nakapamulsa ang parehong kamay.

Kumunot ang kaniyang noo nang makilala niya kung sino iyon. Medyo matagal na rin noong huli niya itong nakita.

"Yugo?" Tawag niya sa binata.

Naglakad palapit si Yugo sa kaniyang gawi habang ganoon pa rin ang postura. Wala na masiyadong estudyante sa first year building kaya silang dalawa lamang ang nasa hallway ngayon.

Ramdam ni Kaiden ang pag-iba ng ihip ng hangin mula sa presensiya ng lalakeng kaharap niya.

"Ngayon pa lang kita nakita ulit." Dagdag pa ni Kaiden.

"Oo, naging abala kasi ako since last week pa... Binabalak mo bang puntahan si Sakuragi ngayon?" Tanong ni Yugo sa kaniya. Tumango naman ang dalaga.

"Ganoon na nga, palagi naman."

"Kung ako sa'yo, huwag na lang."

Umangat ang isang kilay ni Kaiden sa tinuran ni Yugo, hindi niya maintindihan ang batid nito.

"At bakit naman?"

"Makinig ka na lang, kung sasabihin ko ang dahilan baka ikaw pa ang kusang huwag siyang puntahan."

Mas lalong gumulo ang isip ni Kaiden sa sinabi niya. "Hindi kita maintindihan, may alitan na naman ba kayong dalawa ha, Yugo?"

"Wala... Wala naman..." Nilabas ni Yugo ang isang maliit na brown envelope mula sa kaniyang bulsa, inilahad niya iyon kay Kaiden.

May naalala si Kaiden sa maliit brown envelope na hawak ni Yugo. Napalunok siya at napaisip, imposibleng si Yugo ang may gawa noon?

Kahit may pagdududa ay tinanggap ng dalaga ang nakalahad na sobre. Pagkahawak pa lang ay alam na agad ni Kaiden kung ano ang laman. Agad siyang napatingin ng direkta kay Yugo.

"Y-Yugo... Kung ganoon ikaw iyon?" Tanong niya bago napalunok.

Huminga ng malalim si Yugo bago sumagot. "Hindi ako magdedeny... Oo, ako nga iyon."

Lalong naguluhan si Kaiden nang isagot niya iyon.

Pagkakuha ni Kaiden sa sobre ay tiningnan niya kung anong laman nito.

At doon ay nakita niya sa mga litrato ang dalawang babaeng hindi niya kilala kasama si Haruko. Sinuri ni Kaiden ang iba lang larawan at nabatid niyang mukhang matatalik na mga kaibigan ito ni Haruko.

"Si Ms. Haruko at mga kaibigan niya? Ano namang meron dito?" Takang tanong niya.

Walang alinlangangan sinagot ni Yugo ang tanong niya. "Ang dalawang babaeng kasama ni Ms. Haruko ay mga kaibigan niya, kaibigan niya ang dalawang iyan since Junior High pa. Malapit din sila kay Sakuragi at sa pangkat nito."

"Kilala ni Sakuragi at nila Mito ang dalawang ito?"

"Oo, sila ay sina Fuji at Matsui. Mga ka-batch mate nila."

Naguguluhan si Kaiden sa pinanggagawa ni Yugo. Bakit naman na involve ang dalawang ito? Anong meron? Bakit niya ito pinapakita sa kaniya.

Muling nagsalita si Kaiden. "A-alam mo Yugo, naguguluhan na ako. Anong meron sa dalawang ito? Paano mo nalaman na magkaibigan nga sila ni Ms. Haruko?"

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon